Share

Chapter 10.1

Chapter 10.1

MABILIS na nagsimula ang huling laro. Nagtuloy-tuloy ulit ang matinding laro sa pagitan ng dalawang team. Naging mas lamang ulit ang team namin ni Irish kompara sa team ni Aubrey.

Habang nasa court kami ay hindi pa rin nagbabago ang tingin ni Aubrey sa'kin. Mas lalo pang sumasama 'yon nang makita niyang malaki na ang lamang ng score namin sa kanila.

"We can't be lose!" Dinig kong sigaw niya sa ka teammate niya nang muling sumapit ang 5 minutes break.

Uminom kami ulit ng tubig pagkatapos ay bumalik din naman agad sa court.

"C'mon team, we can do it!" Sigaw ni Irish nang pumito na ang referee.

Nasa amin ang bola ngayon. Pumwesto si Irish sa likuran at siya ang naka assign para mag spike nang bola. Pinasa nina Je-an ang bola kay Irish at hindi naman siya pumalya sa pagtira.

Napalingon ako sa team nina Aubrey at nakita kong nasangga nila ang bola at nagawang ibato pabalik sa amin. Naging alerto naman kaming lahat at ibinato rin ang bola pabalik sa kanila hanggang sa pumalya ang isang team ni Aubrey at hindi niya nahampas pabalik ang bola.

"Fuck, Jeziel! Ang lampa mong tumira!" Sigaw ni Aubrey na narinig naming lahat.

Napapahiyang napayuko si Jeziel at nakagat ang sariling labi. Napailing-iling naman ang ibang teammates ni Aubrey dahil sa iniasta nito. 

Nagkatinginan kaming dalawa ni Irish at ngumisi pa ang gaga na animo'y nasisiyahan sa nakikita. Napabaling lang ang tingin ko sa harapan nang muling pumito ang referee.

Tinignan ko ulit ang score at kasalukuyang 65 na kami samantalang sina Aubrey ay 55. 

Kapag umabot sa 70 ang score ay automatic na tapos na ang laro at kami ang panalo. Kaya muli kaming naghanda nang ibato ulit sa'min ang bola.

Nagtuloy-tuloy ang laro. Naging intense ang laban ng bawat team. Lahat ay naka focus at binibigay ang best para maipanalo ang larong ito.

Hindi lang kasi ito isang simpleng laro. Kapag nanalo ang isang team sa larong ito ay automatic na may plus points sa performance task at kapag natalo naman ay minus 20 sa first quiz ni Mrs. Romero.

Iyon ang sabi niya kanina matapos ang break time.

Naging mabilis ang pag-angat ng score ng team ni Aubrey dahil hindi sila pumapalya sa paghampas nang bola. 

"Shit, tie na sila sa'tin," rinig kong bulong nang isang teammate ko.

Napatingin ako sa score board at nakitang 67/67 na ang dalawang team. Tatlong puntos na lang ay matatapos na ang laro. 

Ang bilis naman! 

Muling binato sa'min ang bola kaya agad kaming naging alerto. Papalit palit kami ng puwesto ni Irish. Paminsan-minsan ay sa likod ako para mag spike nang bola at siya naman ay sa harap then vise versa.

Naging gano'n ang gawain naming dalawa sa team. Naging masaya naman ang laro at halos lahat ay palaban. 

Naging pabalik-balik ulit ang blola sa dalawang team hanggang sa hindi ko na paghandaan ang mabilis na pagtira ni Aubrey ng bola. 

Huli na para makailag ako dahil mabilis na itong tumama sa'king mukha.

"Trixie!"

Nahilo ako sa biglaang pangyayaring iyon dahilan para matumba ako.

"Argh!" Napadaing ako sa sakit ng aking pwet na tumama sa semento.

"Trixie, ayos ka lang?" Nag-aalalang boses ni Irish ang narinig ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Shit, ang sakit ng ulo ko. Masyadong malakas ang paghampas nang bola. Pakiramdam ko lalabas ang utak ko bigla.

"Trixie answer me, damn it!" Frustrated na tawag ni Irish.

"A-ayos lang ako," 

Inalis ko ang aking kamay sa aking ulo at minulat ang mga mata. Ang galit sa mga mata ni Irish ang bumungad sa'kin. 

Bigla akong naalarma nang mabilis siyang tumayo at akmang hahakbang na sana siya nang mabilis kong hinablot ang kaniyang kamay.

"Irish," tawag ko. 

Nakita ko ang paghugot niya nang malalim na hangin bago ako hinarap. Hindi pa rin nagbabago ang kaniyang tingin. Kahit masakit man ang nangyari sa'kin ay nagawa ko pa rin siyang ngitian at ilingan.

I don't want to ruin this game. Kung sinadya man ni Aubrey na tamaan ako ng bola kaya ko namang tiisin basta't h'wag lang masira ang larong ito.

Ayoko nang gumanti.

Sa huli ay walang nagawa si Irish kundi ang sundin ang gusto ko. Hindi na rin ako umimik pa at pinalampas na lang ang ginawa ni Aubrey kahit pa naririnig ko ang mahihinang bulongan at tawanan sa paligid.

They're so childish. 

Nagpatuloy pa rin ang laro pagkatapos nang nangyari sa'kin. At katulad ng inaasahan ay hindi kami ang nanalo sa laro. Kitang kita ko ang malawak na ngisi sa mga labi ni Aubrey nang sabihin ni Mrs. Romero na ang team nila ang panalo.

Sa kabila ng kaniyang ginawa kanina ay nagawa niya pa akong bigyan nang nakakainsultong tingin at ipinamukha pa sa'min kung gaano kami ka loser. 

Sa halip na patulan pa siya ay napabuntong hininga na lang ako at napagpasyahang umalis sa court. Bitbit ang paper bag ay nagpaalam ako kay Irish na mauuna na munang magbihis sa cr.

Pumayag naman siya at sinabing susunod na lang dahil may bibilhin pa raw siya sa cafeteria.

Pagkarating ko sa cr ay mabilis agad akong pumasok sa cubicle at nagbihis. It didn't take any minute for me to finish kaya nang matapos ay agad din akong lumabas.

Hindi na 'ko nag abalang ayusin ang buhok at mukha ko. Nagpalit lang ako ng white t-shirt at sinuot ang palda pabalik pagkatapos ay lumabas na nang cr.

"Ops!"

Nagulat ako nang bigla na lang akong matumba sa sahig pagkalabas ko sa pinto ng cr. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring 'yon.

"Ano ba 'yan, pinanganak ka bang lampa, Trixie?" sambit nang isang pamilyar na boses.

Napapikit ako nang makilala kung sino ito. Talaga bang ayaw niya akong tigilan? Ano bang ginawa ko sa kaniya at nakakadalawa na siya ngayong araw sa'kin?

Malakas ang pagkakatumba ko sa sahig this time kaya hindi ko agad magawang makatayo ngayon. Nabitiwan ko na rin ang hawak kong paper bag at ang ulo ko ay nanatiling nakayuko.

"Lampa ka na nga sa court pati ba naman dito sa comfort room ay gano'n pa rin? Gosh!" Tumawa si Aubrey na mabilis ding sinundan ng kaniyang mga kaibigan.

Pinigilan ko ang aking sarili na 'wag magsalita lalo na ang umiyak sa oras na ito. I don't want them to see me crying. That's the last thing I want to happen right now. 

"Since nanalo kami sa laro kanina may ibibigay ako sa'yo, Trix. It's just a congratulation gift though," aniya at humalakhak. 

"Wow, Aubrey may pa gift ka pang nalalaman ah?" Rinig kong sambit ng kaniyang kaibigan.

"Oo nga sis. Dapat ikaw ang binibigyan ng gift since ikaw naman ang nanalo," dugtong naman ng isa.

"Well, let's just say na mabait talaga ako that's why," ani ni Aubrey at muling natawa.

Pero ang sunod niyang ginawa ang hindi ko ulit inaasahan na mangyari. Ang bagong tshirt na suot ko ngayon ay muling nabasa dahil sa ginawa ni Aubrey at ng kaibigan niya.

Binuhusan nila ako ng tubig na halos ipaligo na nila sa'kin. Hindi lang isang bote ang naramdaman kong ibinuhos nila sa'kin kundi lima!

Napapikit ako sa pagdaloy nang tubig sa'king mukha papunta sa'king katawan. Kinagat ko ng mariin ang aking labi nang marinig ko ang mahinang tawanan sa paligid at bulongan.

"OMG!"

"Look at her, basang basa na siya,"

Hindi ko na nagawang intindihin lahat ng mga salitang naririnig ko sa paligid lalo pa't naramdaman ko na ang paglandas nang luha sa aking pisngi. 

"Iyan ang bagay sa'yo total isa ka naman talagang b****a, Trixie," sambit ni Aubrey na sinabayan nang tawanan sa paligid.

Napadiin ang kagat ko sa pangibabang labi ko nang maramdaman ang medyo may kalakasan na pagpukpok ni Aubrey sa ulo ko gamit ang mineral bottle.

"Trash!" Aniya at ibinato sa'kin ang mineral bottle.

Dahil sa kaniyang ginawa ay mabilis itong sinundan nang karamihan. Muli kong naramdaman ang pambabato nila sa akin nang kung anu-anong b****a. Hindi lang isa kundi hindi ko na mabilang kung ilan.

Wala akong nagawa kundi ang mapayuko na lamang at hayaan sila ulit sa pangbabato sa'kin. Wala akong magagawa ngayon kundi tiisin na lamang ang sakit.

Napaiyak na 'ko habang nanatili pa ring nakaupo sa semento. Ni hindi ko man lang magawang igalaw ang katawan ko at tumayo para makalayo sa lugar na ito.

I'm so weak. Very weak.

"What's happening here?" 

Napabalik ako sa aking katinuan dahil sa isang baritonong boses na 'yon. Napasinghap ang mga tao sa paligid. 

His manly voice sent shiver down my spine. Napamulat ako nang mata dahil do'n.

Biglang tumahimik ang buong paligid. Kahit isang ingay ay wala na akong narinig. Tila katulad ng nangyari sa caf kahapon ay para silang nakakita nang multo at tanging pagsinghap na lang ang kaya nilang gawin.

Akmang aangat na 'ko ng ulo para sana tignan kung ano na ang nangyayari sa paligid ko nang matigilan ako dahil may biglang nag squat sa harapan ko.

Dahil nakayuko pa 'ko ay dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo para makita at makilala siya.

Pakiramdam ko naputolan ako ng hininga nang makilala kung sino ito. Nanlalaki ang aking mga mata at hindi inaasahan na nasa harapan ko siya ngayon.

"Are you okay?" 

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi agad ako nakasagot at hindi alam kung ano ang isasagot.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Ilang ulit pa akong napakurap kurap upang masigurong hindi ako namamalikmata.

Those pair brown eyes...

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status