Chapter 12
"The nerve of that bitch! Anong karapatan niyang sampalin ka ng gano'n?!"
Naitikom ko ang bibig sa sinabi ni Irish. Kanina pa siya bumubulong sa tabi ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makalma.
Kahit nakarating na kami sa likod building ng room namin ay nanatili pa rin siyang nanggigigil sa nangyari sa caf.
Sa totoo lang hindi ko pa rin magawang i sink in sa utak ko ang nangyari kanina lalo na ang ginawa ni Irish.
Ibang-iba talaga siya sa kilala ko at kanina ko lang talaga siyang nakitang ganoon. Hindi ko rin maiwasang kabahan kasi baka balikan siya ni Krezha at paghigantihan.
At iyon ang ikinatatakot ko ng husto kasi hindi ko kayang makitang madadamay si Irish sa gulo ng buhay ko.
"Kung hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina hindi lang sampal ang inabot nang babaeng 'yon sa'kin!" ani ni Irish.
Napabuntong hininga ako at mariing napapikit pagkatapos ay nagmulat din agad at nilingon siya.
Chapter 12.1Napakunot ang noo ko nang makita itong nakangisi habang nakatingin sa'min ni Irish."Wait a minute," anito.Tinitigan ko siya nang mabuti. She's very familiar to me. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya unang nakita."Excuse me, nakaharang ka sa daan," mahinahon kong sabi sa kaniya pero imbes na tumabi ay mas lalo pang lumaki ang ngisi sa kaniyang labi.She even crossed her arms on her chest."So? Who cares anyway?""P'wede ba miss? Wala kaming oras sa kalokohan mo kaya kung puwede tumabi ka riyan?" Naiinis na sabi naman ni Irish kaya mabilis na napabaling nang tingin ang babaeng nasa harapan namin kay Irish.Hindi ito nagsalita. Nakangisi lang itong nakatingin kay Irish at umiling-iling. Nagtaka ako bigla nang mabilis siyang tumabi sa gilid at binigyan kami ng daan.I kinda felt weird pero imbes na intindihin pa 'yon ay naglakad na lang kami ni Irish at nilampasan siya.Per
Chapter 13ISANG MALUTONG at malakas na sampal ang sumalubong sa'kin pagka pasok ko sa bahay.Natigilan at hindi ako makagalaw sa sobrang lakas. I felt like my world turns upside down."You're a disgrace to our family!"Napayuko ako. I bit my lower lip to refrain myself from crying pero masyadong masakit ang salitang binitiwan ni Papa para hindi ako maluha.Pakiramdam ko nga hindi ko naramdaman ang sakit nang sampal niya.Hindi ko alam na ganito pala kasakit na marinig mismo galing sa pamilya mo na isa kang kahihiyan. Walang-wala ang sakit na naranasan at naramdaman ko sa t'wing binubully ako kumpara rito.Kasi 'yong sa school makakaya ko pang tiisin at baliwalain kahit ilang ulit pa nila akong saktan nang pisikal. Pero ang sinabi ni Papa sa akin ngayon? Ito ang hindi ko kayang tiisin dahil tagos sa puso ko talaga."Alfred... t-tama na...""Shut the hell up, Zera! Palagi mo na lang kinukunsinti ang anak mo kaya lumalakin
Chapter 13.1Kinabukasan ay nagising ako na pagod ang katawan at namumungay ang mga mata. Ramdam ko ang antok sa sistema ko nang bumangon ako sa kama.Bago pa 'ko matangay nang antok ko ay mabilis na 'kong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo.Ang lamig ng tubig na nagmumula sa shower ang nagpagising nang tuluyan sa inaantok kong sistema. Automatikong nagising ang diwa ko.Mabilis kong tinapos ang pagliligo at lumabas nang banyo. Dali-dali agad akong nagtungo sa cabinet ko at kinuha roon ang uniform. Nagbihis ako at hindi na nag-abalang mag ayos pa ng mukha pagkatapos.Kinuha ko muna ang tatlong libro na nasa bed side table at ang bag pack bago lumabas nang kuwarto.Bumaba ako at nang nasa isang palapag na 'ko ng hagdan ay napatigil ako. Nakita ko sina Mama at Papa sa dining area na tahimik na kumakain. Tanging ang tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig mong ingay sa pagitan nilang dalawa.Napabuntong hininga ako ng
Chapter 14ISANG malakas na halakhak ang nagpabalik sa katinuan ko. Nang mapagtanto ang nangyari at kung bakit ako saglit nawala sa'king sarili ay sinamaan ko ng tingin si Brent."You moron!" singhal ko sa kaniya and I swear if looks could kill marahil kanina pa siya pinaglalamayan.Natatawang itinaas ni Brent ang kaniyang dalawang kamay animo'y sumusuko."Chill, I was just kidding, you know," aniya hindi pa rin tumitigil sa pagtawa."Seriously? Pumunta ka lang ba rito para asarin ako? Ang feeling close mo naman!"Sa inis ay hindi ko na napigilan ang irapan siya at ibinalik ang atensiyon sa binabasang libro. Pero mas lalo lang akong nainis nang humalakhak na naman siya.What's with this guy?"You're funny, Trixie. You know I am not feeling close dahil matagal na tayong close,"Natigilan ako sa pagbabasa dahil sa kaniyang sinabi. Mabilis akong umangat nang tingin at natagpuan ko ang nakakalokang ngisi sa kaniy
Chapter 14.1Hanggang sa makaalis si Krezha at tuluyang nawala sa paningin namin ay nanatili pa rin kami ni Irish sa puwesto kung saan kami nakatayo.Hindi makagalaw at nanatili pa ring gulat sa nakita. Gusto kong maniwala na totoo lahat ng pinakita niya kanina pero bakit hindi ko magawa?Ibang-iba kasi siya sa Krezha na kilala ko. Parang sa isang iglap nawala na lang bigla 'yong maldita at bully na katauhan niya.I came back from my reverie when I heard Irish sighed heavily. Kung hindi pa siya huhugot nang hangin ay hindi pa 'ko babalik sa katinuan ko."She's planning something..." bulong niya na hindi naman nakaligtas sa tenga ko.Napalingon ako sa kaniya at napakunot noo."H-huh?"Mula sa kawalan ay binalingan ako ng tingin ni Irish. Naging malamig ang ekspresyon ng kaniyang mukha pero bakas naman sa mga mata niya ang galit."I knew she was planning something that's why she was acting lik
Chapter 15AKALA ko mas masakit na 'yong mga naranasan ko these past few days. Akala ko ang tamang kahulugan ng sakit ay iyong mga kamalasan na naranasan ko. Pero roon ako nagkakamali.Dahil ang ginawa ni Kairo ay hindi lang isang kahihiyan sa'kin kundi naging rason din upang mas madurog ang puso ko.Pagkatapos niyang sabihin ang salitang 'yon kanina sa harap ng maraming tao ay hindi ko na namalayan na kinaladkad na pala ako ni Irish paalis nang cafeteria. Siguro kung hindi ko lang kasama si Irish baka mas lalo pa akong napahiya roon.I couldn't believe Kairo made fun of me. Nainsulto ako sa paraan nang pagkakasabi niya ng salitang iyon.Alam ko naman na pangit ako eh. Bata pa lang ako alam ko na 'yon. Kaya nga ayaw sa akin ng mga tao dahil sa itsura ko 'di ba? Kaya nga mas sinasaktan ako ng karamihan dahil sa pisikal kong ka anyuan.Pero kailangan ba talagang ipamukha sa akin kung gaano ako ka pangit at walang kwenta? Kail
Chapter 15.1Kinabukasan ay tulad ng sinabi ni Mrs. Romero ay pumunta nga kami sa gym dahil ngayon araw gaganapin ang performance task namin sa subject niya.And I swear buong gabi ko pinag isipan kung anong talent ang ipapakita ko mamaya sa lahat. Sa totoo lang kinakabahan ako dahil hindi ako sure kung may talent nga ba ako o wala.Though, marunong naman akong mag guitara at kumanta pero pakiramdam ko kung ihahalintulad ako sa iba walang-wala 'yong talentong meron ako kaysa sa kanila.Marami akong alam. Marunong din akong mag paint, sumayaw, kumanta, mag guitara, mag piano pero sapat na ba talaga iyon para ipakita ko sa kanila ang kaya kong gawin? Kasi sa totoo lang nahihiya ako.Wala akong lakas nang loob para gawin iyon. Feeling ko hindi ko pa man naipapakita 'yong talento ko pagtatawanan na agad ako ng karamihan.At ayoko ng mapahiya pa ulit.Napabuntong hininga ako dahil sa naisip. Damn, Trixie, ano ba
Chapter 16Napalunok ako ng sunod-sunod nang makita ang seryosong mga mata ni Kairo na nakatitig sa akin. Nakapamulsa at nakatayo siya hindi kalayuan sa hagdan ng stage. Nakatanaw siya rito habang walang emosyon ang mukha.Tumatagos sa buong pagkatao ko ang intensidad ng kaniyang titig. Pakiramdam ko kinikilala niya 'ko sa ginagawa niya.Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi parang nanigas ako rito sa kinauupuan ko at hindi makagalaw.Nang hindi ko na makayanan ang intensidad na binibigay niya ay napaiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin sa paligid.Ganoon na lang ang pagsinghap ko nang makita kung gaano na karami ang narito ngayon. Halos lahat ng bleachers sa gym ay may mga nakaupo na.I blinked my eyes twice. Bakit ganito na karami ang nanonood ngayon? Kami lang naman ang nandito kanina ah?Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang mga tao sa loob ng gym. Halos silang lahat ay nakatanaw sa akin at