Share

Chapter 16

Chapter 16

Napalunok ako ng sunod-sunod nang makita ang seryosong mga mata ni Kairo na nakatitig sa akin. Nakapamulsa at nakatayo siya hindi kalayuan sa hagdan ng stage. Nakatanaw siya rito habang walang emosyon ang mukha. 

Tumatagos sa buong pagkatao ko ang intensidad ng kaniyang titig. Pakiramdam ko kinikilala niya 'ko sa ginagawa niya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi parang nanigas ako rito sa kinauupuan ko at hindi makagalaw. 

Nang hindi ko na makayanan ang intensidad na binibigay niya ay napaiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin sa paligid. 

Ganoon na lang ang pagsinghap ko nang makita kung gaano na karami ang narito ngayon. Halos lahat ng bleachers sa gym ay may mga nakaupo na. 

I blinked my eyes twice. Bakit ganito na karami ang nanonood ngayon? Kami lang naman ang nandito kanina ah?

Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang mga tao sa loob ng gym. Halos silang lahat ay nakatanaw sa akin at

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status