Share

Chapter 18

Chapter 18

HINDI NA NAWALA sa isip ko ang huling sinabi ni Kaizer pagkatapos niya akong ihatid kagabi. Buong gabi kong inisip ang sinabi niya na siyang naging dahilan kung ba't hindi ako nakatulog nang maayos. Mas lalong nadagdagan ang mga katanungan sa isip ko. Mas lalo lang din nito pinapasakit ang ulo ko. 

Bakit naman sasabihin ni Kaizer na layuan ko si Kairo? Anong dahilan? May alam ba siya kung bakit biglang nagkaganito si Kairo sa akin? 

Tinanong ko siya kagabi kung bakit pero hindi niya 'ko sinagot. Pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yun ay nagpaalam na siyang umalis kaya naiwan akong nakatulala sa labas ng bahay namin habang puno ng katanungan ang isip.

Hanggang sa nagising ako kinabukasan ay gano'n pa rin ang iniisip ko. Kahit ngayon na kumakain akong mag-isa rito sa cafeteria ay pakiramdam ko nakalutang ako sa ere habang malalim ang iniisip. 

Gulong-gulo na ang utak ko sa mga biglaang nangyayari sa buhay ko. Ang magulo kong

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status