Share

Chapter 17.2

Chapter 17.2

Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Gulong-gulo na 'ko. Maraming katanungan gumugulo sa utak ko pero lahat ng iyon ay hindi ko magawang hanapan nang sagot.

"Trixie," tawag ni Kairo sa atensiyon ko. "Kumain ka na," 

Doon lang sumagi sa isip ko na hindi ko pa rin pala ginagalaw ang pagkain na inorder niya. Sinulyapan ko 'yon bago dahan-dahan dinampot na hindi tinitignan si Kairo. 

Ayoko siyang tignan dahil sa t'wing nakatingin ako sa kaniya hindi ko maiwasan makaramdam nang kakaiba.

Ayoko nang magpaalipin pa sa nararamdaman nang litseng pusong 'to. Ayokong maniwala dahil una sa lahat hindi dapat ito nangyayari ngayon. 

Matagal na panahon kong iniwasan na bumalik sa nakaraan dahil puro pasakit lang ang dulot no'n sa akin. Pero kahit anong iwas ko ay pinaglalaruan pa rin ako ng tadhana. 

Kahit anong pigil ko na huwag makaramdam ulit sa kaniya pero heto at tumitibok na naman ang puso ko. Kahit anong iwa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status