Share

Chapter 40

Chapter 40

"Trix, tama na. Ako 'yong nasasaktan para sa'yo eh," 

Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Irish bagkus ay nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Kung siya nasasaktan na nakikita akong umiiyak ako naman ay nadudurog na dahil sa sinabi ni Kairo kanina.

Ganoon lang ba talaga ang tingin niya sa akin? Isang babaeng mahilig maglaro ng damdamin ng isang tao? 

Kailan ko ba siya pinaglaruan? Kailan ba ako hindi naging seryoso sa nararamdaman ko sa kaniya? 

"Trix..." 

"Ang sakit, Irish... sobrang sakit," my voice cracked. Napahawak ako sa dibdib ko ng bahagyang kumirot 'yon. "Hindi ko m-matanggap..."

Hindi umimik si Irish at patuloy lang siya sa paghaplos sa likod ko. Nandito kami ngayon sa garden ng school at yakap yakap niya 'ko. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming narito. 

"K-kailan ko ba siya pinaglaruan? Simula noon hanggang ngayon hindi pa rin naman nagbabago ang n-nararamdaman ko sa kaniya..." hikbi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status