Nagkatitigan sila Larry at Claire habang nasa loob sila ng malamig na kuwarto na tanging maliit at kulay pulang bombilya lamang ang nagbibigay ng liwanag.
Unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha hanggang sa dumampi ang mga labi sa isa’t isa. Nakapikit ang mga mata habang dinadamdam ang kasakabikan sa mga malalambot na labi ng bawat isa. Habang kumikilos ang mga kamay ni Larry upang tanggalin ang mga butones na nakakabit sa damit ni Claire.Maya-maya ay tumambad ang buong katawan ni Claire. Lalong kuminang ang kaputian sa makinis na balat nito dahil sa kulay pulang bra na suot. Maganda ang pagkakurba ng katawan dahil sa may kaunting kalakihan ang dibdib kaya naman hindi na napigilan ni Larry ang mas lalong mag-init sa nakitang alindog ng kasintahan.Muling sinunggaban ni Larry ng halik ang kasintahan. Pagtapos nitong panggigilan ang labing mapula ni Claire ay gumapang ang bibig nito sa leeg hanggang sa makarating ito sa nakaumbok at malusog na dibdib ni Claire matapos nitong tanggalin ang kulay pulang bra na nakatakip.Naghalinhinan ang bibig at kamay nito sa parteng iyon na naging dahilan upang hindi na mapigilan ni Claire ang ungol na kaganina pa niya pinipigilan.Sinamantala ni Larry ang pagkakataong iyon kaya unti-unti niyang hinatak pababa ang suot na panty nito dahil alam niyang hindi na ito tatanggi sa oras na iyon.Lumipas ang ilang oras ay nagising si Claire na hubo’t hubad, habang nakayakap sa kanya si Larry na wala rin saplot kundi ang kumot na nakabalot sa kanilang dalawa.Hinawi ni Claire ang kamay nang natutulog na si Larry na nakayakap sa kanya at mabilis na tumayo upang damputin ang mga damit niyang nagkalat sa sahig at sabay tumuloy sa comfort room na nasa loob ng kuwarto ni Larry upang maligo.Nang matapos maligo at naisuot na ni Claire ang kanyang mga damit ay dahan-dahan na itong naghanda para lumabas ng kuwarto.Ngunit nagising si Larry nang marinig ang pintong bumubukas.“Saan ka pupunta? Aalis ka nang hindi ka man lang nagpapaalam sa akin?” tanong ni Larry habang inaabot ang sariling salamin na nakapatong sa maliit na mesa sa tabi ng kanyang kama.“Sinadya ko talagang hindi na magpaalam para hindi ka na maistorbo sa pagtulog mo.” Muling isinara ni Claire ang pinto na nakabukas nang bahagya.“Halos 1:30 AM na, delikado na sa daan kaya bukas ka na umuwi,” awat ni Larry.“Ano ka ba Honey! Hindi naman ako magko-commute, may sarili akong sasakyan.”“Hon, ayaw ko lang na mag-alala atleast dito safe ka dahil kasama mo ako.”“Anong safe? Naka-iskor ka na nga sa akin sasabihin mo pang safe,” pabirong sagot ni Claire habang nakangiti itong nakatingin sa kanyang nobyo.“Ikaw talaga Hon, nagawa mo pang magbiro, ang pinag-uusapan natin ang kapakanan mo.”“Makasarili ka Hon alam mo ba ‘yon? Gusto mo lang na hindi ka nag-aalala pero ako pinag-aalala mo,” malambing na sagot ni Claire.“Hon, anong sinasabi mo?” tanong nang naguguluhan na si Larry.“Mr. Larry Evangelista, nabasa ko ang usapan ninyo ni Nathan na sasama ka sa pag-akyat nila ng bundok. Di ba nagpaalam ka sa akin at hindi ako pumayag?” Lumapit si Claire sa boyfriend niyang nakaupo sa kama at sabay yumakap.“Ms. Claire Reyes, alam mo naman na minsan ko lang makasama ang mga kaibigan ko,” malambing na sagot ni Larry na sinabayan ng halik sa labi sa kasintahan.“Mukhang hindi na kita mapipigilan sa pag-alis ninyo nila Nathan at Gilbert, siguro ang masasabi ko na lang ay mag-ingat kayo at huwag mong pababayaan ang sarili mo.” Tumayo si Claire upang ituloy ang naudlot niyang pag-alis sa kuwarto ng kanyang boyfriend. “Alis na ako, bago pa akong tuluyang abutan ng araw dito sa condo mo,” dugtong ni Claire.Hindi na naawat ni Larry si Claire sa pag-alis sa condo niya.Ang akala ni Larry na uuwi sa sarili nitong bahay ang kanyang girlfriend na si Claire ngunit sa iba ito tumuloy.***Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating si Claire sa isa pang condo.Malakas na hinampas nito ang pinto ng condo na pagmamay-ari ni Nathan.Kahit inaantok ay napilitang bumangon si Nathan upang tignan kung sino ang dumating na bisita.“Bakit napasugod ka? Bigla ka lang sumusulpot dito sa condo ko sa ganitong alanganing oras,” pagtatanong ni Nathan habang nagtataka ito sa biglang pagdating ni Claire.“May nabalitaan akong niyaya niyo raw ang boyfriend ko na umakyat ng bundok?” tanong ni Claire habang bakas sa mukha nito ang galit sa kausap na si Nathan.“Anong masama kung isama namin ang hilaw mong boyfriend? Akala ko ba ako na ang mahal mo at pera na lang ang habol mo sa kanya kaya hindi ka pa nakikipaghiwalay?” Inilapit ni Nathan ang kanyang mukha kay Claire na parang naghahanda para halikan ito.Nang mapansin ni Claire ay biglang nag-iba ang mood nito. Ang kaganinang galit na boses ay nawala at napalitan nang malambing na boses.“Wala naman talaga akong pakialam kay Larry, ang ayaw ko lang na naglilihim ka sa akin,” sagot ni Claire.“Natatakot ka ba na baka sabihin ko kay Larry ang tungkol sa ating dalawa?” pagtatanong ni Nathan. “Kaya hindi ko na sinabi ang plano ko ay para ma-surprise ka sa mababalitaan mo bukas pagkatapos namin akyatin ang tuktok ng bundok na siguradong ikatutuwa mo.” Tuluyan nang hinalikan ni Nathan sa labi si Claire, ngunit tumanggi ito.“Huwag ngayon Nathan,” mahinahong pagpigil ni Claire.“Hindi ako papayag na pumasok sa condo ko ang isang magandang babaeng katulad mo na walang mangyayari sa aming dalawa.”Dahan-dahan na inilapit ulit ni Nathan ang kanyang mukha kay Claire.Napansin ni Claire sa mukha ni Nathan na desidido ito na may mangyari sa kanila kaya sa ikalawang pagkakataon ay hindi na ito nakatanggi.Muling naglapat ang kanilang mga labi na parang uhaw na uhaw sa isa’t isa. Dahan-dahan na dinala ni Nathan si Claire sa kanyang kama nang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi.Mas lalong walang nagawa si Claire nang tanggalin ang kanyang pantaas na damit at isinunod ang ibang kasuotan nito habang nakahiga sa malambot na kama kaya tuluyan na itong nagpaubaya sa gusto ni Nathan hanggang sa matanggal lahat ang nakabalot sa katawan niya.Ilang oras lang ang nakalipas ay dalawang lalaki ang dumaan sa katawan ni Claire. Dahil sa taglay na kagandahan nito ay hindi maikakailang maraming lalaki ang mahuhumaling sa kanya na gagawin ang lahat makuha lamang ang kanyang alindog.Ilang araw ang lumipas. Dumating ang araw nang umakyat na sa bundok sila Larry kasama ang dalawang kaibigan na sina Nathan at Gilbert. Nang marating ng tatlo ang tuktok ng bundok ay nagkatinginan sila Nathan at Gilbert habang nakaupong nagpapahinga at hinahabol ang hininga sa sobrang hingal dahil sa taas nang inakyat. Ang mga tinginang iyon ay senyales na may masamang plano sa kaibigan na si Larry. Walang kaalam-alam na pinagmamasdan ni Larry mula sa mataas na bahagi na kanyang kinalalagyan ang magagandang lugar na nasa ibang bahagi ng kabundukan habang nakaapak sa bandang dulo ng bangin. “Guys, mabuti sumama ako sa inyo napakaganda ng lugar. Kahit nakakapagod ay sulit ang pag-akyat,” nakangiting wika ni Larry habang nakatingin pa rin sa malawak at malalim na lugar. “Medyo nakukonsensya lang ako mga pre dahil sumama pa rin ako kahit hindi pumayag si Claire, pero babawi na lang ako sa pagbalik natin sa siyudad,” dugtong ni Larry. “Paanong bawi ang gagawin mo?” tanong ni Gilber
Dumating si Mang Karding sa lugar kung saan niya nakita si Larry. Agad niyang nakita ang isang malaking bag na halos nabalutan ng alikabok, may kaunti itong punit at talsik ng dugo. Kinuha ito ng matandang lalaki at iginala ang mga mata na baka may makita pa itong ibang gamit na kasama ng bag na makatuulong upang makilala si Larry. Maya-maya ay may narinig si Mang Karding na kaluskos at ingay ng mga taong nag-uusap. Mabilis na kumaripas ng takbo ang matanda upang hindi siya maabutan ng mga taong parating na dala-dala ang bag ni Larry. Mabuti na lamang ay wala sa kanyang nakakita o nakapansin man lang habang palayo ito sa lugar nang pinagbagsakan ni Larry. “Mga Sir, andito na po tayo sa lugar na maaaring pagbagsakan ng kaibigan ninyo, kaya lang sa sobrang lawak nito hindi natin masasabi kung gaano tayo matatagalan sa paghahanap,” sagot ng isang Rescuer na kasama nila Nathan at Gilbert. ”Hindi po ba ninyo kabisado ang lugar na ito o wala man lang ba kayong ibang paraan para mapabil
“Mahigit isang buwan mula noong umakyat kayo ng bundok pero hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ang bangkay ni Larry,” pag-aalala ni Claire habang nakahiga sa kama na katabi si Nathan. “Pumunta ka ba dito sa condo ko para sabihin lang iyan? Iniisip mo bang buhay pa si Larry at bigla na lang magpakita sa atin,” sagot ni Nathan habang hawak ang cellphone. “Baka nakalimutan mo na ako mismo ang tumulak sa kanya. Kitang-kita ko kung paano siya nahulog sa bangin at sinugurado ko iyon dahil ayaw ko na siyang mabuhay para tuluyan na kitang maagaw sa kanya.” “Nararamdaman ko naman iyon kung gaano mo ako kamahal. Hindi lang talaga mawala ang takot ko na baka itong nararanasan natin na kaligayahan ay hindi magtagal,” sagot ni Claire na halatang nag-aalala. Inilapag ni Nathan ang hawak na cellphone matapos nitong makita na nalulungkot si Claire pagkatapos ay humarap kay Claire hinawakan ang mukha at iniharap sa kanyang mukha. Dahan-dahan niya itong hinalikan sa labi. Nawala ang lungkot at p
“Siguro wala ng tututol sa ipapakilala ko na magiging kasama natin sa Board of Director ang papalit sa aking nawawalang anak na si Larry Evangelista, walang iba kundi si Nathan Capriano.” Mas lalong nagulat si Atty. Rene sa ipinalit kay Larry, ang mismong kaibigan na si Nathan. Gustuhin man niyang kontrahin ay wala siyang magawa dahil alam niyang kokontrahin lang siya ng mga kapwa niya Board of Directors. Malakas na palakpakan at sunod-sunod na pagbati ang sumalubong kay Nathan sa pagpasok niya sa Conference Area. "Una po sa lahat maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap. Maraming salamat po sa ating bagong CEO at President Madam Margareth Evangelista. Bago pa ialok sa akin ang posisyon na ito ay pinag-isipin ko muna kong karapat-dapat ba ako na ipalit sa magaling at mabait na matalik kong kaibigan na si Larry,” pagkukunwari ni Nathan na nalulungkot sa pagkawala ni Larry. “Alam ko na may mga hindi sang-ayon at nabigla sa balitang ako ang uupo bilang bagong Board of Direct
Inabutan nang gabi ang dalawa bago ito maghiwalay kaya hinatid ni Nathan si Claire sa kaniyang sariling sasakyan bago ito dumeretso sa sarili niyang sasakyan. “Hon, pagdating mo sa bahay paki-message mo na lang ako na nakauwi ka na para malaman ko kung safe kang nakawi nang hindi naman ako masyadong mag-alala.” Pagkatapos humalik ay nagpaalam na rin si Nathan kay Claire. *** Mabilis na pinaandar ni Claire ang kanyang sasakyan matapos nilang maghiwalay ni Nathan upang puntahan si Gilbert. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating agad ito sa kanyang pupuntahan. Nakahiga si Gilbert sa kanyang kama sa loob ng kanyang condo nang biglang kumatok sa pinto si Claire. Mabilis niya itong pinagbuksan ng pinto at sinalubong niya ito na may magandang ngiti. “Anong nginingiti mo?” mataray na tanong ni Claire habang pumapasok ito sa kuwarto. “Wala naman natutuwa lang ako dahil tinupad mo ang pangako mo,” sagot ni Gilbert habang isinasara nito ang pinto ng sariling condo. “Marunong ta
“Anak, aalis muna ako, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Sabihan mo na lang din ang pinsan mong si Erik kapag dumating mula sa pangunguha ng panggatong na huwag masyadong magpagod dahil hindi pa siya lubos na magaling magpahinga naman siya,” wika ni Aling Cecilia sa anak niyang si Gwen.“Saan po kayo pupunta Nay?” tanong ni Gwen.“Pupunta ako sa bukid para hatiran ng pagkain ang tatay mo,” sagot ni Aling Cecilia sabay labas ng bahay at hindi na hinintay ang isasagot ng anak na si Gwen sa pagmamadali nito.Maya-maya ay dumating si Erik.“Erik, sabi pala ni Nanay magpahinga ka naman muna dahil kaganina ka pa daw nagtratrabaho dito sa bahay baka mabinat ka pa,” malumanay na sagot ni Gwen habang naghuhugas ito ng plato na kanyang kinainan.“Insan, ako nang bahala diyan sa mga plato. Gawain ko naman iyan dito sa bahay,” awat ni Erik sa ginagawa ni Gwen habang hinuhubad ang damit na pang-itaas dahil basang-basa na ito sa pawis.“Ano ka ba dalawang plato lang naman ito, hindi naman sigu
Tinanghali nang gumising si Nathan dahil sa paghihintay at pagpunta nito sa bahay ni Claire. Araw ng Linggo ay naisipan nitong puntahan si Gilbert sa kanyang condo upang ayain itong uminom nang mailabas ang sama ng loob niya kay Claire. Dahil hindi magawang magalit ni Nathan kay Claire ay sa kaibigan na lamang niya ito sinasabi. Napabangon sa kanyang higaan si Gilbert nang marinig niyang tumunog ang door bell ng condo niya. “Si Claire na naman ba ito? Hindi ko naman siya pinapunta dito,” bulong ni Gilbert sa sarili. Sa pagbukas niya ng pinto ay laking gulat ni Gilbert nang makita niya ang mukha ni Nathan. Biglang pumasok sa isip niya na baka alam na ni Nathan ang tungkol sa kanila ni Claire. “Anong nangyari sa iyo Gilbert? Para kang gulat na gulat nang makita mo ako. Lagi naman akong pumupunta dito sa condo mo kapag wala tayong pasok,” ang nagtatakang tanong ni Nathan sa kaibigan. “Hindi naman ako sa nagulat, akala ko lang kasi hindi ka pupunta dito dahil may lakad kayo ni Clair
Patuloy na nagsasalita si Mang Karding sa silid kainan habang nasa sala ang kausap na si Aling Cecilia. Ang hindi niya alam ay lumabas na pala ng bahay si Aling Cecilia at hinanap si Gwen dahil patuloy pa rin itong nag-aalala sa anak na dalaga. Sinadya niyang hindi na magpaalam sa asawa dahil pipigilan lamang siya nito dahil sa malaki ang tiwala nito kay Erik. “Cecilia, naririnig mo pa ba ako?” tanong ni Mang Karding nang mapansin nito na parang wala nang sumasagot sa kanyang mga sinasabi. Napasilip sa sala at nang mapansin niyang nawala ang asawa. “Eto talagang asawa ko kahit isang taon na naming kasama si Erik ay hindi pa rin siya lubos na nagtitiwala dito, wala naman itong ipinakita kahit kaunting panget na ugali,” bulong ni Mang Karding sa sarili habang nakadungaw sa bintana na pinagmamasdan ang asawang naglalakad papalayo sa kanilang tahanan.***Samantala ilang minuto ang lumipas masayang nagbibiroan sila Erik at Gwen habang naliligo sa natuklasang batis nang biglang dumating