Matapos na umamin ni Claire kay Nathan tungkol sa kanyang pagbubuntis ay agad na nagpaalam si Nathan sa kasintahan. “Claire, pupunta pala ako kina Gilbert dahil may pag-uusapan kami tungkol sa isang project ng Xyclone Mining Inc.,” pagpapaalam ni Nathan na halatang nagdadahilan lamang para mailabas ang sama ng loob sa kaibigan. “Sigurado ka bang trabaho lang ang pag-uusapan ninyo ni Gilbert?” paghihinalang tanong ni Claire. “Napapansin ko sa iyo kapag pupunta ako kay Gilbert lagi kang nagdududa, galit ka ba sa kanya o wala ka lang tiwala sa kanya?” tanong ni Nathan na medyo naaasar sa kasintahan. “Hindi naman sa wala akong tiwala, alam ko kasi na kapag kayo ang nag-uusap madalas puro babae lang naman ang pinag-uusapan ninyo,” pagmamaktol ni Claire. “Hon, hindi naman sa ganoon. Alam mo naman si Gilbert, matagal na natin na kaibigan ang taong ‘yan kaya pinagbibigyan ko na lang kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Kung babae wala naman masama dahil binata naman ang kaibigan ko. Kun
Sa sobrang sama ng loob na nangyari kay Dra. Lorena nang mabasa niya ang sagot sa kanya sa email nang akala niyang anak na si Larry ay dumalaw na lang ito sa kanyang kaibigan na kapwa doktor na si Dr. Miguel Sanchez. “Bakit ka napadalaw?” maiksing tanong ni Dr. Miguel sa kaibigan na si Dra. Lorena. “Kaya kita pinuntahan ay hindi lang para dalawin ko kundi para magpaalam na rin,” maiksing tugon ni Dra. Lorena. “Anong sabi mo magpapaalam ka?” nagulat na tanong ni Dr. Miguel. “Saan ka pupunta? Halos kailan lang na nag-usap tayo na lalakasan mo na ang loob mo para magpakilala sa anak mong si Larry, tapos ngayon sasabihin mo sa akin aalis ka ulit. Para ano? Para magtago at maduwag ulit?” dugtong na sambit ni Dok Miguel na medyo mainit ang ulo dahil sa planong pag-iwas ulit ni Dra. Lorena sa kanyang anak. “Sana naman maintindihan mo ako. Ano pa ang gagawin ko dito kung mismong anak ko na ang ayaw akong kilalanin bilang ina niya?” pagtatampo ni Dra. Lorena. “Lorena, sa isang email lang
Matamlay na dumating si Erik sa bahay galing sa kanyang trabaho nang salubungin ni Niknok. “Kuya Erik, mukhang nanghihina ka, may sakit ka po ba?” pag-aalalang tanong ni NIknok habang tinutulungan si Erik na magbuhat sa dala nitong bag. “Ok lang naman ako, siguro medyo napagod lang sa trabaho dahil hindi pa siguro sanay ang katawan ko sa mga bagong ginagawa. Tingin ko naman isa o dalawang linggo masasanay na ang katawan ko sa araw-araw na pagtratrabaho,” mahinahong sagot ni Erik. “Kuya bakit ka naman nanghihina sa trabaho mo? Kung tutuusin mas mahihirap pa nga ang ginagawa mo noong nasa bundok pa tayo,” pagtataka ni Niknok na nakatitig kay Erik. “Alam ko na Kuya, kung bakit ka nanghihina,” dugtong na wika ni Niknok. “Ano na naman ang naisip mo? Sigurado ako kalokohan na naman ‘yan,” sambit ni Erik na medyo napangiti dahil sa nagkaroon ng hinala kung ano ang posibleng sasabihin ng kanyang kasama na si Niknok. “Kaya ka nanghihina dahil ilang araw mo nang hindi nakikita si Ate
Nakatulog sa tabi ni Erik si Niknok habang sa sobrang asar ni Leslie ay natulog na lang sa kabilang kuwarto. Kinaumagahan maagang nagising si Niknok dahil sa pag-aalala na baka pasukin ng mga magnanakaw ang bahay ni Gwen kaya maagang nagpaalam kay Leslie para umuwi. “Hindi ka ba muna mag-aalmusal?” tanong ni Leslie na medyo nasasabik dahil aalis na ang istorbong si Niknok at nang masolo na niya ang natutulog pa rin na si Erik. “Hindi na siguro Ate, meron namang pagkain sa bahay ni Ate Gwen at medyo nagmamadali ako,” paalam ni Niknok. Sa pag-alis na pag-alis ni Niknok ay agad na nagtungo si Leslie sa kuwartong kinalalagyan ni Erik. Nakasuot pa rin ito ng brief at walang pantaas na damit kaya bakat na bakat ang ipinagmamalaki ng binata. Agad na ni-lock ang pinto ng kuwarto ni Leslie upang wala munang mang-iistorbo sa kanila. Mabilis na hinubad ni Leslie ang suot niyang sando at maiksing short kaya ang natira na lamang sa suot niya ay ang bra at panty. Hinamas nang bahag
Pagkauwi ni Erik sa tinutuluyan niyang bahay galing sa bahay nila Leslie ay napansin siya ni Niknok na parang balisa at hindi mapakali. “Kuya Erik, anong nangyayari sa iyo, bakit parang may malalim kang iniisip at hindi ka mapakali?” pagtatakang tanong ni Niknok. “Pasensya ka na Nok, huwag mo na lang ako pansinin, ok lang naman ako,” pagtatago ng lihim ni Erik. “Maganda siguro Kuya kong kumain muna tayo, sakto at katatapos ko lang din magluto,” pag-aaya ni Niknok habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. Hindi na pinilit ni Niknok na tanungin ulit si Erik kung ano ang pinoproblema. Kung nagtiwala lamang sana si Erik kay Niknok ay malaki ang maitutulong nito sa kanyang iniisip dahil alam lahat ng binatilyo kung ano talaga ang totoong nangyari sa kanilang dalawa ni Leslie. Tinanggihan din ni Erik ang alok na pagkain ni Niknok kaya pumasok na lamang ito sa kuwartong tinutulugan upang makapagsarili at makapagmuni-muni kung ano ang susunod niyang gagawin sa nangyari. *** Ilang araw
Nagkatitigan sila Larry at Claire habang nasa loob sila ng malamig na kuwarto na tanging maliit at kulay pulang bombilya lamang ang nagbibigay ng liwanag. Unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha hanggang sa dumampi ang mga labi sa isa’t isa. Nakapikit ang mga mata habang dinadamdam ang kasakabikan sa mga malalambot na labi ng bawat isa. Habang kumikilos ang mga kamay ni Larry upang tanggalin ang mga butones na nakakabit sa damit ni Claire. Maya-maya ay tumambad ang buong katawan ni Claire. Lalong kuminang ang kaputian sa makinis na balat nito dahil sa kulay pulang bra na suot. Maganda ang pagkakurba ng katawan dahil sa may kaunting kalakihan ang dibdib kaya naman hindi na napigilan ni Larry ang mas lalong mag-init sa nakitang alindog ng kasintahan. Muling sinunggaban ni Larry ng halik ang kasintahan. Pagtapos nitong panggigilan ang labing mapula ni Claire ay gumapang ang bibig nito sa leeg hanggang sa makarating ito sa nakaumbok at malusog na dibdib ni Claire matapos nitong tang
Ilang araw ang lumipas. Dumating ang araw nang umakyat na sa bundok sila Larry kasama ang dalawang kaibigan na sina Nathan at Gilbert. Nang marating ng tatlo ang tuktok ng bundok ay nagkatinginan sila Nathan at Gilbert habang nakaupong nagpapahinga at hinahabol ang hininga sa sobrang hingal dahil sa taas nang inakyat. Ang mga tinginang iyon ay senyales na may masamang plano sa kaibigan na si Larry. Walang kaalam-alam na pinagmamasdan ni Larry mula sa mataas na bahagi na kanyang kinalalagyan ang magagandang lugar na nasa ibang bahagi ng kabundukan habang nakaapak sa bandang dulo ng bangin. “Guys, mabuti sumama ako sa inyo napakaganda ng lugar. Kahit nakakapagod ay sulit ang pag-akyat,” nakangiting wika ni Larry habang nakatingin pa rin sa malawak at malalim na lugar. “Medyo nakukonsensya lang ako mga pre dahil sumama pa rin ako kahit hindi pumayag si Claire, pero babawi na lang ako sa pagbalik natin sa siyudad,” dugtong ni Larry. “Paanong bawi ang gagawin mo?” tanong ni Gilber
Dumating si Mang Karding sa lugar kung saan niya nakita si Larry. Agad niyang nakita ang isang malaking bag na halos nabalutan ng alikabok, may kaunti itong punit at talsik ng dugo. Kinuha ito ng matandang lalaki at iginala ang mga mata na baka may makita pa itong ibang gamit na kasama ng bag na makatuulong upang makilala si Larry. Maya-maya ay may narinig si Mang Karding na kaluskos at ingay ng mga taong nag-uusap. Mabilis na kumaripas ng takbo ang matanda upang hindi siya maabutan ng mga taong parating na dala-dala ang bag ni Larry. Mabuti na lamang ay wala sa kanyang nakakita o nakapansin man lang habang palayo ito sa lugar nang pinagbagsakan ni Larry. “Mga Sir, andito na po tayo sa lugar na maaaring pagbagsakan ng kaibigan ninyo, kaya lang sa sobrang lawak nito hindi natin masasabi kung gaano tayo matatagalan sa paghahanap,” sagot ng isang Rescuer na kasama nila Nathan at Gilbert. ”Hindi po ba ninyo kabisado ang lugar na ito o wala man lang ba kayong ibang paraan para mapabil