Hinayaan ko na lamang siyang yakapin ako. Napapangiti pa ako kasi habang yakap nya ako ay naririnig ko ang pag humming nya ng sound. "Anong kanta yan?" tanong ko sa kanya. "huh?" "Sige kunwari hindi ko na lang narinig." Napansin ko na basa na pala ang kaliwang braso nya. Yun kasi ang sumasalo sa mga maliliit na talsik ng ulan dahil sa pag yakap nya sa akin. "Hindi ka ba nilalamig? Ayos ka lang ba?" "Ayos lang. Hindi naman ako magkakasakit." Napairap na lang ako sa naging sagot nya. Ilang minuto pa kaming nanataling ganon lang ang position. Halos marinig ko na nga ang pag hinga nya kahit na ang lakas naman ang ulan. "About the song? It's one of my favorite songs." "Talaga? Kahit ngayon ko lang narinig ay ang ganda." Naramdaman ko ang pag kilos ng mukha nya na sa tingin ko ay ngumiti ito. "Ikaw may gusto kang kanta?" tanong nya sa akin. Pumihit ako ng pwesto, this time hindi na siya naka yakap sa akin at hindi na ako naka talikod sa kanya. Sa harap nya na ako
Halos hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Anya habang naglalakad ito papasok sa loob ng kanilang bahay. Tumunog ang phone nya na agad nya namang tinignan. Message ito mula kay Oliver. "Mis na kita agad." Para tuloy siyang tanga na ngumingiti habang binabasa ang text nito. "Ano ba yan mag kasama lang kaya tayo kanina. Patay na patay ka talaga sa akin." pabirong reply ni Anya. Halos hindi pa nga umaabot ng limang minuto na hindi sila mag kasama ay ganon na agad ang text nito. "Maybe, pero three years kang nawala kaya mis na kita agad." Mag t-type na sana si Anya ng reply nya nang pansin naman siya ni Irene. "Nandito ka na pala Anya, mis na mis ka na ni Marco. Akala nya iniwan mo na siya." Hindi na nito na ituloy ang pag reply dahil agad na pinuntahan ni Anya si Marco. "Mmy, where have you been?" kumakain ito ng maabutan nya. "May inasikaso lang si mommy anak. Namis kita baby, hindi ka ba nagpatigas ng ulo? Baka naman inaway mo na naman si kuya Tonyo mo." Palagi ny
ANYA POINT OF VIEW Hinatid kami ni Tonyo papunta sa venue ng party. Ang mismong hotel ang venue, syempre yon nga yong mismong party eh dahil sa opening. Kasama ko rin si Irene at Marco. Hindi na sumama pa si Tonyo sa amin, ayaw nya daw kahit anong pilit ko. Pang mayamang party daw kasi ito at baka mag mukha daw siyang magnanakaw. Pumasok na kami sa loob at ipinakita na lang ang invitation card na binigay ni lolo sa amin. Sinalubong kami ni ng isa sa mga staff may mga media din na nandito. "Miss Anya, don pa tayo." itinuro nya sa akin kong saan dapat kami. Nagtaka pa ako dahil iba ang pinuntahan namin hindi kong saan ang mga guest. "Sabi po ng lolo nyo ay antayin nyo na lang po siya dito. Kapag tinawag po kayo mula sa labas ay dito po ang daanan." Itinuro nya ang gawi kong saan parang papasok ito mismo sa isang stage. Yon ata ang mismong harap kong saan nagsasalita ang host. "Mukhang ipapakilala ka na ng lolo mo Anya. I'm so excited." Kong excited si Irene ay ako nam
Sa lagay ng itsura ni Anya kong kanina ay napaka ganda nito ngayon naman ay magulo na ang itsura nito. "Mmy, magiging okay ba si lolo?" Nakagat ni Anya ang ibabang labi. Kahit kasi siya ay hindi nya alam kong magiging maayos ba ang lolo nya. 'Bakit kailangan na lang laging may masamang mangyare sa mga taong malapit sa kanya?' Alam nyang darating talaga ang panahon na mawawala ang lolo nya katulad ng lolo Ronaldo nya. Pero sana hindi pa ngayon yon, kunting oras pa lang ang mga pinagsamahan nila. Ayaw nya ng may mawala sa kanya ulit. "I hope so baby." Nasa waiting area sila at hinihintay ang results sa lolo nya. Katabi nya lang din si Irene at Adrian. "What are you doing here? Ang kapal naman ng mukha mo na magpakita pa dito. It's all your fault?!" sigaw sa kanya ng tita Rhea nang makita siya nito. "Sabihin nyo na po ang gusto nyong sabihin pero hindi ako aalis. Pamilya ko rin si lolo kaya wala kayong karapatan na paalisin ako." Umismid ito kay Anya at tinaasan ito n
Hindi na mapakali pa si Oliver dahil kahit isang message ay walang sagot si Anya. "Mukhang nag tampo na sayo si Anya." nang-aasar pa si Bryce nyan. "Ikaw na lang muna ang maiwan dito. Iba ang kutob ko kinakabahan ako." Hindi rin kasi sumasagot si Anya sa mga tawag nya laging naka off ang phone nito. Hirap kasi siyang maka pag internet kaya hindi nya nakikita ang news. "Babalik na lang ako ulit mamaya o bukas. Ako na lang ang mag wi-withdraw ng pera sa atm. Wala na rin kasi tayong budget dito." "Sige bro, halata naman kasing nag o-overthink kana." pang-aasar na naman sa kanya ng kaibigan nyang si Bryce. "Pa-party ako kapag nangyare sayo to!" inis na sagot sa kanya ni Oliver na tinawanan lang naman ni Bryce. Ilang saglit pa ay nag byahe na si Oliver pauwi. Halos six hours ang byahe bago makarating mismo sa syudad kong saan sila nakatira. Makailang ulit na rin nagtitingin ng phone nya si Oliver pero wala talagang text or tawag ito. Sakto ng makalabas siya sa Barangay ko
Alas-tres ng hapon sa matingkad na sikat ng araw, isang batang lalake ang tumatakbo na walang yapak, halata sa katawan nito ang kapayatan, pamumutla at bitak-bitak na labi. Nakikipagsiksikan sa napakaraming tao at 'di alintana ang init ng semento. Palinga-linga ito habang tumatakbo na parang may humahabol sa kanya. Takbo lang ito ng takbo hanggang sa makarating sa isang iskenita at barong-barong na bahay."Kuya," isang batang babae ang tumawag sa kanya na nakahiga sa sapin na karton. Hingal na hingal siyang umupo sa tabi nito."Pasensya kana nahirapan kasi ako makakuha ng gamot." ani nito. Kinuha nya ang gamot na nasa bulsa nya isang pad ito. Kumuha muna ito ng tubig at ipinainom nya sa kanyang kapatid."Ayos na ba ang pakiramdam mo?" marahan naman itong umiling.Isang malakas na kalabog ang nagpagulat sa magkapatid."Pinapatawag ka ni boss," isang matabang lalaki ang bumangad sa kanila na halos 'di na magkasya sa maliit nilang pintuan. Nagkatinginan naman ang dalawa at halata sa mga
Padilim na ang paligid pero namamalimos pa rin kami ni Tessa. Paparusahan kami ng amo namin. Hindi ko rin alam kong bakit namin siya sinusunod. Bigla na lamang nya kaming ginulo at kinukuha ang kinikita namin sa pangangalakal at panglilimos. Kakarampot na nga lang na kita namin kinukuha nya pa."Nakakapagod Anya." umupo si Tessa sa gilid ng daan at tumabi din ako sa kanya.Napatingin ako sa mga batang naglalakad kasabay ng mga magulang nila. Ano kayang pakiramdam ng may magulang? Ano kayang pakiramdam ng inaalagaan? Hindi ko na kasi alam kong anong pakiramdam.Tinignan ko ang kita ko na nakalagay lamang sa lata na napulot ko. Hindi man lang ito umabot ng isang daan. Hindi kami pwedeng umuwi hanggat hindi namin ito naabot ng dalawang daan. Siguradong papagalitan kami ng amo naming si Herbert. Simula ng dumating siya dito 'di na ako nakaka kain ng maayos dahil kinukuha nya iyon. Natatakot rin kaming lumaban sa kanya dahil marami siyang mga tauhan at baka bogbogin lamang kami."Tessa, A
Magkakasama kami ngayong tatlo ulit ni Adrian and Tessa."Gusto nyo ba ng pagkain?" sa unahan kasi may nagbebenta ng mga street foods. Nandoon din si Tan-tan na nag bigay sa akin ng panyo kasama nya yong kapatid nya. Parang four or five years old lamang yong kapatid nya."Kakasya pa ba? Baka makagalitan lamang tayo." paano kasi 'di pa umaabot ng singkwenta ang kita namin ngayon. Tapos ibibili pa namin ng pagkain."Minsan lang naman kulang yong quota natin. Tsaka 'di pa tayo kumakain." sumunod na lang ako kay Tessa and Adrian."Hello." bati ko sa kanila ng kapatid nya ng makalapit kami. Marahan nya lang ako tinignan. Kumakain sila ng fishball ng kapatid nya at may kanin silang pinaghahatian."Oh," binigay sa akin ni Adrian yong limang pirasong fishball. "Saan kayo nakabili ng kanin?" tanong ni Tessa kay Tan-tan. Hindi siya nag salita sa halip tinuro nya lamang kong saan siya bumili."Akin na yong sampung piso nyo." Inabot ko kay Adrian yong sampu ganon din si Tessa. Umupo kami sa tab