Share

Chapter 3

"Dianne, minnie ko, break na tayo" ang mahinang sabi ng isang lalaki sa phone. "hindi ako papayag sa gusto mo" ang utal utal na sabi ni dianne sa kanyang minamahal.

"Hindi tayo bagay dianne, mayaman ka, mahirap ako, langit at lupa tayo." ang paliwanag ng lalaki sa kabilang linya.

"Bakit yan nalang lagi ang rason niyo kung bakit niyo ako iiwan..ang babaw naman..mas matatanggap ko pa kung sabihin mong may ia ka na o sawa ka na sa pagiging immature ko basta huwag lang yang dahilan mo." ang humihikbing usal ni dianne.

"Ayoko masaktan kita,may mas karapat dapat sa pagmamahal mo, at yung lalaking iyon ay hindi ako."

"Ngunit, paano na ang pangrap na binuo naten dalawa?"

"Kalimutan mo na iyon, hindi na iyon mangyayari.."

"Pero..huling tanong na lang, nang naging tayo ba, ni isang beses na magkasama tayo, minahal mo ba ako?"

"Oo minahal kita pero hanggang magkaibigan na lang siguro muna ang pwede saatin, lalo na sa estado ng buhay naten." ang huling sabi ng lalaki at binaba na niya ang telepono.

"Mickey q.."ang huling nasabing salita ni dianne bago siya humagulhul.

"Bakit ganito!bakit ganito nalang lagi!ayoko na!" ang pasigaw habang umiiyak na utal ni dianne.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status