Share

Chapter 4

Ilang buwan ng nakakalipas ng maghiwalay sila ng kanyang mahal na si lhem..ang kanyang mickey mouse sa buhay niya.

"bess,nagmumugto nanaman yang mga mata mo..umiyak ka nanaman ba kagabi?"ang biglang sabi ni nicka sa kanyang bestfriend na mukhang ng layo pa din ng iniisip.

"hindi ako umiyak bess..may sipon lang ako..yun lang"ang mahinang sabi ni dianne.

"weh?sipon?ni hindi naman tayo nagpaulan kagabi ah tapos sasabihin mong may sipon ka?bess, kilala kita..at ramdam ko na masakit at hindi mo pa din nakakalimutan si lhem. huwag mo naman iyakan ang lalaking di nagpahalaga sa pagmamahal mo"ang pagpapagaan ng loob sa kaibigan.

"bess..matanong kita..bakit ganun ang love?ang UNFAIR!sobrang unfair talga!"ang walang katigilang pagiyak ni dianne.

"bakit naman UNFAIR bess?"

"kasi, kung sino pang minamahal mo ng sobra sobra..eh sila pa ang nangiiwan..bess nagkulang ba ako sa kanya?di ba hindi?pero bakit ganun?"

niyakap nalang ni nicka ang bestfriend niya dahil ayaw niyang nakikitang umiiyak nanaman yun sa harap niya.

"bess tama na..sige ka magmumukha ka talagang instik niyan sa ginagawa mo..gusto mo bang makita ka ni lhem na nasisisra ka ng mawala siya?diba dapat hindi?dapat makita niya na ok ka kahit wala siya"tugon ni nicka habang pinapatahan si dianne.

"bess naman ang hirap kaya"

"kayanin mo bess para saiyo din yan"

"dianne! dianne!"isang lalaki ang biglang tumatawag sa kanya.

"oh kuya anthony bakit andito ka?"ang biglang tayo ni dianne nung makita niya at makilala ang boses na tumatawag sa kanya.

si anthony ang pinsang close ni lhem at barkada ni dianne.

"may balita ako tungkol kay lhem"sambit ni anthony.

"langya ka anthony bias ka talaga!imbes na makapag move on na bess ko..pinipigilan mo pa..!anong klaseng kaibigan ka!ganyan ba kayong mga lalaki!"ang galit na galit na sabi ni nicka na muntik na niyang masampal si anthony.

"bess,anthony tama na..pati kayo magaaway pa sa harap ko?"biglang awat niya sa dalawa at umalis muna sa kubong inuupuan nila.

"ayan tuloy anthony nagwalkout bess ko!nice move you got there!"ang sarkastikang sabi kay anthony ni nicka na hahabulin ang bestfriend niya.

"nicka hindi ko naman sinasadya..hanggang ngayon ba hindi pa nakakamoveon si dianne?"tanong ni anthony.

"duh?!magrereact ba ako ng ganun kung hindi ko ramdam ang pait na nararamdaman niya?"ang sagot ni nicka kay anthony.

"grabe lakas talaga appeal ng pinsan ko sa bestfriend mo.."ang pangiti ngiting sabi ni anthony.

"kapal.."

"teka nga anthony..anu ba ibabalita mo tungkol sa walang hiyang lalaking lhem na yun?"ang tanong ni nicka kay anthony na patuloy pa din hinahanap si dianne.

"mejo mababadtrip ka lang kung sasabihin ko.."

"anu nga yun anthony.."

"actually dapat pag nalaman ninyo ito dapat makapag decide na si dianne na magmoveon"ang nagdadalawan isip na sabi ni anthony.

"anu ba yun kuya anthony?"ang nakatayong dianne na hinahanap nila ay mabubunggo na nila sa kabusyhang magusap.

"sure ka ba bess na kung anu man yun,kelangan mo ng magdecide."wika ni nicka.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status