Share

KABANATA 13

Alexena

Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko at kinabahan dahil sa narinig.

D*mn. Hindi naman sa pag-a-assume pero hindi naman siguro ako. Saka ayoko rin! No! Big NO!

"Mas prefer ko na babae ang pansamatalang assistant na makakasama ko, bukod sa malikot at makulay ang utak, ang gusto ko ay competitive. Saka walang work experience ang ipinapahanap ko sa HR na iha-hire nila upang maging assistant ko. Gusto ko kasi ay baguhan, walang sungay at madali pang mapasunod. At dahil do'n siyempre ay makakasama sa trabaho ng pansamantalang magiging assistant ko ang pagte-train sa baguhan na makakapasa sa standards ko. So, hindi si Mathos ang gusto kong kuhanin at ang tingin kong kuwalipikado sa posisyong iyon."

Lalong kumakabog ang dibdib ko dahil sa mga naririnig ko.

Kung hindi si Mathos? Sino pa ang kasama sa pagpipilian? Sh*t. Kahit na pansamantala pa 'yon ay ayoko pa rin na makasama ako sa choices! No talaga!

Please, Lord!

"So, I think itong girlfriend mo talaga ang perpektong tao para pu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status