Alexena"Paano? Hindi ko na kayo masasamahan pang bumalik sa opisina at ako ay uuwi na," nakangiting turan ni Tita Emma habang nakatayo kami sa labas ng restaurant at hinihintay ang dalawang sasakyan na ang isa ay maghahatid dito pauwi at ang isa naman ay sa amin ni Mikey papuntang opisina.Sinserong nginitian ko ito.Nagulat ako noong lumapit ito sa akin habang nakangiti pa rin at hinaplos-haplos ang buhok ko na para bang inaayos. "I'm so glad talaga na nakita na kita sa personal at nakilala. I'm hoping na mahaba-habang oras na ang susunod nating pagkikita at kuwentuhan. Pero mas masaya sana kung nandito rin si Hero, hano?"Ang kaninang sinsero kong ngiti ay naging alanganin.Ang totoo ay nag-e-enjoy ako sa company nito, nakakaaliw itong magkuwento dahil ang kuwela at animated tapos halatang-halata talaga na sabik ito sa anak na babae. Napakagiliw nito sa akin at ang daming kuwento na parang hindi nauubos. Pero nakakakonsensiya rin at the same time, pakiramdam ko ay niloloko ko ito.
AlexenaKinusot ko ang mata ko dahil pagod na ito at naluluha na nang may magandang babaeng tumapat sa table ko. Sa tantiya ko ay mga kaedaran ko lamang ito.Katulad nang nakasanayan ko na ay naghanda ako ng ngiti, inihanda ko na rin ang sarili at isip ko kung kakailanganin ko na namang magsinungaling o mag-isip ng palusot kapag tinanong ako nitong kaharap ko kung nasaan ang bwisit na nasa loob lamang ng opisina nito na ang bilin na naman ay huwag daw itong iistorbohin.Praktisado ko naman na ang mga sasabihin ko dahil iyon at iyon lang naman din ang sinasabi ko sa mga dumarating na hindi nito gustong pakiharapan pero pumalpak ako one time noong dumating si Tita Emma, na-overwhelm ako sa presensya nito kaya hindi ko nakuhang magtahi ng kuwento tungkol sa whereabouts ni Mikey."Good afternoon, Ma'am!" magalang na bati ko.Ngunit sa halip na sagutin ako at ngitian ay hinagod ako nito ng tingin pagkatapos ay tinaasan pa ng kilay.Aba’t! Bakit pakiramdam ko ay girl version ito no'ng boss
AlexenaPasimpleng iginalaw-galaw ko ang paa kong makirot upang malaman kung nananaginip ba ako, nang maramdaman kong muli ang kirot ay napangiwi ako pero hindi pa rin ako nakuntento at ikinurap-kurap ko naman ang mata ko upang malaman naman kung nagha-hallucinate lang ako, ngunit sa sobrang tuwa ko ay hindi naman nawala ang lalaki sa harapan ko. Totoo ito! Hindi ako nananaginip at hindi ako nagha-hallucinate lang!"D*mn! Cloud?" naninigurado kong tanong bago tumayo upang lumapit dito.Halata ang gulat na nakatitig naman ito sa akin.Nanlalaki pa ang mata na hindi humihiwalay sa mukha ko ang tingin nito at nang tuluyan na akong makalapit dito ay bigla na lang ako nitong niyakap nang mahigpit. "Sh*t! Lexy! My God, ikaw nga! Akala ko ay kahawig mo lang, ikaw pala mismo talaga," natatawang sabi nito.Pinakawalan na rin naman ako nito kapagkwan at halata ang tuwa sa mata namin pareho noong tinitigan naming muli ang isa't isa. Na-miss ko ito. Sobra! Ang tagal ko itong hindi nakita."Munt
AlexenaHindi ko pinansin ang bagong dating kahit nakita kong parating na ito patungo sa sariling opisina, patuloy lang ako sa pagtipa sa harap ng computer ko at nagkunwaring walang nakita.Kung dati ay may pa-good morning at kahit papaano ay ginagawaran ko ito ng ngiti na pabalat bunga kahit pa nga pagsimangot lang ang alam nitong itugon sa akin, ngayon ay wala na at tinigilan ko na ang mga iyon. Totoo pala na nakakasawa rin kapag nasasayang lang 'yong mga effort mo, lalo na kung hindi naman naa-appreciate."Alexena," narinig kong pagtawag nito sa pangalan ko. Hindi ko napansin na nakalabas na pala ulit ito sa opisina nito.Nilingon ko ito at seryosong tiningnan. "Sir?" Himala, dahil nalingunan ko itong hindi nakakunot ang noo saka tinawag ako sa pangalan na madalang nitong gawin dahil pansin ko na parang nandidiri ito kahit na banggitin lang ang pangalan ko. I wonder, maganda ba ang naging tulog nito? Wala ba itong sumpong o baka naman may binabalak na naman ito?Nakakasawa nang
AlexenaNangatog ang tuhod ko at nanginig pati na ang kamay ko.Ano ang ginagawa nito rito? May date pa ito, ah? He's not supposed to be here. Dapat ay kasama na nito ngayon ang espesyal na babae sa buhay nito, kung si Lucy man iyon, masaya na dapat na nagre-reconcile ang mga ito.Nagtataka ko tuloy itong tinapunan ng tingin."Sino ang nagsabi at nagbigay sa iyo ng pahintulot na umalis na? At bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin?" galit na bungad nito.F*ck, ano ang idadahilan ko? Na inatake ako ng pag-iinarte, inggit at panibugho? No way would I ever say it! I should think fast!Napalunok ako at napahinto sa paglalakad. "Uh, sorry p-po, Sir. Ano po kasi, uh... kasi s-sumakit po ang tiyan ko, kinailangan na magpunta at gumamit ng restroom,” pagsisinungaling ko.Nagtagis ang bagang nito. “Hindi ka ba nag-iisip? Mayroon din namang restroom do’n, Alexena!”Pinigilan ko ang mapalabi.Ang sakit naman kasi nitong magsalita.Bahagya kong iniyuko ang ulo ko. “H-Hindi ko po alam kung saa
AlexenaNang mailigpit ko na ang mga gamit ko ay umuwi na rin ako upang magpahinga kahit na saglit lang, pagkatapos ma-relax ang katawan at isip ay naghanap na ako ng maaari kong suotin at nag-ayos na rin ng kaunti habang naghihintay kay Cloud.Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ito at nagtungo na kami sa party.Kapansin-pansin at halatang mayayaman ang mga naroon, mga negosyante, pulitiko at iba pang malalaking tao. Hindi ako humihiwalay kay Cloud dahil wala naman akong kakilalang iba, tahimik lang ako at nakikinig sa pakikipag-usap nito sa kung sinu-sino. Nang mahalata naman ng kasama ko na nangangawit na ako ay niyaya na ako nitong maupo, hindi na ako tumanggi dahil nahihilo ako sa rami ng tao na palakad-lakad."So, kumusta naman kayo ni Mikey?" bungad nito noong sa wakas ay makahanap kami ng bakanteng puwesto.Kami? Wala namang kami, ah? Matagal na. Four years na nga ang lumipas."Kami? Hmm... ayon, may kanya-kanya nang buhay," sagot ko naman.Hinaplos nito ang buhok ko. "Ak
AlexenaTiningnan ko ang babaeng kakalabas lamang sa opisina ni Mikey, ngumiti kaagad ito sa akin nang makitang nakatingin ako rito. Hanggang sa makalapit ito sa puwesto ko ay hindi pa rin naaalis ang pagkakangiti nito."Ma'am, ang bait po ni Sir Mikey, 'no? Mukhang magtatagal po ako rito sa kompanyang ito kung ganyan ang boss," turan nito. Nagbibiro ba ito? Pero bakit sa halip na matawa ako ay parang nakakasuka naman yata sa pandinig ko ang pinagsasasabi nito at parang nakakakilabot? Mabait daw? Saang banda kaya? Hindi ko kasi ramdam, lalong hindi ko rin makita. Ang nakabandera kasi sa paningin ko palagi ay ang pagiging fully developed jerk nito.Sa totoo lang ay dumoble pa ngayon ang pagkaimbyerna ko sa pagmumukha ng impaktong 'yon. Simula kasi nang dumating itong si Miranda na siyang magiging assistant nito ay palagian na itong nakangiti, samantalang noong kami lang dalawa ang magkasama ay todo simangot ito at napakasungit na parang babaeng may dalaw.Nakakainis 'yong singkit na
Alexena"Baka lumamig na ang kape ko kakahalo mo," basag ng tinig sa pag-iisip ko sa bandang likod na ikinapitlag ko.Bwiset. Bakit nandito na naman 'to? Natatakot ba talaga ito na lagyan ko ng lason ang inumin nito? Akala ko ay hindi na ito sumunod pa dahil iniwan ko na ito at ni hindi ko nga rin narinig o namalayan ang presensiya nito.Mariing naglapat ang labi ko nang dinampot ko ang tasa at humarap dito, alam ko naman na nasa gawing likod ko ito noong nagsalita ito pero ang hindi ko inaasahan ay nakalapit na pala ito sa mismong likuran ko at halos nakadikit na sa akin, sa gulat ko dahil nasa harapan ko na ito pag-ikot ko ay nanginig ang kamay ko at muntikan ko nang maitapon dito ang hawak ko. Pero naging mabilis ang reflexes ko, sa kaayawan kong makahanap na naman ito ng rason upang singhalan ako ay pakabig ang ginawa ko na ang naging resulta tuloy ay sa akin tumapon ang kape nito na itinimpla ko."Oh, sh*t!" mura nito at hinawakan agad ako sa magkabilang braso.Napasinghap ako a