Alexena"Baka lumamig na ang kape ko kakahalo mo," basag ng tinig sa pag-iisip ko sa bandang likod na ikinapitlag ko.Bwiset. Bakit nandito na naman 'to? Natatakot ba talaga ito na lagyan ko ng lason ang inumin nito? Akala ko ay hindi na ito sumunod pa dahil iniwan ko na ito at ni hindi ko nga rin narinig o namalayan ang presensiya nito.Mariing naglapat ang labi ko nang dinampot ko ang tasa at humarap dito, alam ko naman na nasa gawing likod ko ito noong nagsalita ito pero ang hindi ko inaasahan ay nakalapit na pala ito sa mismong likuran ko at halos nakadikit na sa akin, sa gulat ko dahil nasa harapan ko na ito pag-ikot ko ay nanginig ang kamay ko at muntikan ko nang maitapon dito ang hawak ko. Pero naging mabilis ang reflexes ko, sa kaayawan kong makahanap na naman ito ng rason upang singhalan ako ay pakabig ang ginawa ko na ang naging resulta tuloy ay sa akin tumapon ang kape nito na itinimpla ko."Oh, sh*t!" mura nito at hinawakan agad ako sa magkabilang braso.Napasinghap ako a
AlexenaIlang araw na akong nababalisa at hindi makatulog nang maayos. Sa tuwina kasi ay naaalala ko ang naganap sa pagitan namin ni Mikey at ang pag-aalok nito ng dalawang beses upang maging babae nito.Kung biro man kasi para rito ang ginagawa nito, puwes para sa akin ay hindi na iyon nakakatuwa. Sino ba kasi ang matutuwa kung nakakapanliit sa pakiramdam 'yong paraan kung paano ako nito tanungin?Ang lakas ng loob nitong alukin ako na maging babae nito, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit ako nito niyon inaalok? Gayong ayaw na ayaw nga nito sa akin, hindi ba? Ano 'yon, gano'n ba kaimportante si Hero para rito kaya okay lang dito na maging babae ako nito para lang mailayo ako sa kapatid nito?Napaka-noble at ang gulo nito!Pero hindi ko talaga maalis sa isip ko ang kawalanghiyaan nito, malapit na yata akong mabaliw. Lalo pa nga at araw-araw ko itong nakakasalamuha at nakikita dahil may mga kailangan pa akong ituro kay Miranda kaya hindi pa ako makaalis. Nagtitiis na lang ako, h
AlexenaLumunok muna ako bago sumagot. "I'm not wedded to any man you’re referring to, okay? Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang mga ibinibintang mo sa akin kanina pa," pagsuko ko.Nag-iwas naman ito ng tingin. "If you’re telling the truth, how come you're a Dela Rama now?" nalilito nitong tanong.Napakurap-kurap ako.So, may surname issue kami, gano’n? At dahil lang do’n kaya kung anu-anong pang-aakusa na agad ang ibinato nito sa akin? Hindi ko napigilan at napatawa tuloy ako nang pagak. "I can’t believe this, is that it? You've accused me of a lot of wrong doings simply because I'm a Dela Rama? Nakakatawa, dahil lang doon ay nag-conclude ka na agad na may asawa na ako at kabit ko pa talaga ang kapatid mo? Pathetic. Puwede mong tingnan ang records ko sa HR department para ma-confirm mo na hindi ako kasal kanino man at lalong hindi ko kabit si Hero. At para naman sagutin ang tanong mo kung paano ako naging Dela Rama. Well, simply because I’ve already acknowledged my father’s family
AlexenaNaramdaman ko ang paggalaw ni Mikey na hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayapos sa beywang ko. Nakakaasar. Para itong tanga. Inilipat ko ang tingin ko rito at naabutan ko naman itong nakatingala sa akin."Sino siya?" tanong pa nito at wala pa ring pakialam kahit na mukha itong tanga.Pinandilatan ko ito ng mata at pilit na hinahatak patayo. "Tumayo ka na kung ayaw mong malintikan tayo pareho!" gigil kong bulong.Sa halip na sundin ako ay umiling-iling ito. D*mn. Ang kulit ng impakto.Napalingon ako sa bagong dating nang marinig ko ang papalapit nitong yabag sa puwesto namin ni Mikey. Napalunok akong muli at nakaramdam ng init, parang gusto ring pagpapawisan ng katawan ko nang malapot habang patuloy kong naririnig ang yabag papalapit."Sino naman 'yan, sweetheart? Bakit nakayakap? Special child?" sunod-sunod na tanong nito nang makalapit na sa amin.Special child talaga?Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Mikey sa beywang ko.Ngumiti ako sa nagtanong, hindi ko nga lang a
Alexena"Ngayon ako nagsisisi kung bakit ko pa ngayon sinabi sa iyo ang mga nangyari. Tss. Dapat pala ay hindi na at hinayaan ko na lang na mamatay ka sa kuryosidad," sikmat ko kay Hero at inis ko itong pinukol ng tingin.Sa halip na tumigil ay lalo lamang itong humagalpak ng tawa.Hays."Tumigil ka na nga sa katatawa riyan. Nakakaasar, ganitong pati ako ay nasermonan kagabi ni kuya," bawal ko kay Hero.Umiling-iling muna ito bago unti-unting huminto.Nang sa wakas ay wala na itong saping masamang espiritu ay napabuga ako ng hangin."Bakit ka naman nasermonan?"Kinunutan ko ito ng noo.Talagang nakapagtanong pa ito. Hays.Iniikot ko ang mata ko. "Dahil sa kapatid mo malamang. Hindi ko naman kasi sinabi kay kuya na nagkita na kami at si Mikey pa talaga ang pansamantalang boss ko, gayong ang alam nga ni kuya ay sa iyo ako nagtatrabaho."Nakakainis. Hindi ko naman talaga balak na itago rito iyon, nawala lang talaga sa isip ko. Saka sa dami ba naman kasi ng iniisip at pinoproblema ko. Hay
AlexenaNapatingin ako kay Hero nang marinig ko ang tawa nito. Bakit ito tumatawa? Walang namang nakakatawa, ah?Sipain ko kaya ito palabas sa opisina nito mismo?Tumigil lamang ito nang makitang nakatingin kami pareho ni Mikey nang masama kaya ikinumpas pa nito ang kamay. "Sige ituloy ninyo lang 'yang paggagamutan na 'yan. Habang ako ay babalik na sa trabaho, may ginagawa nga pala ako," nakangising udyok pa nito.D*mn. Bakit mukhang wala itong kabalak-balak na tulungan ako? Akala ko ba ay kakampi ko ito? Pero bakit hindi ito gumagawa ng paraan para pigilan ang kapatid nito sa pagpapagamot? At talagang tila itinutulak pa ako?!"Ano na?" kulit ni Mikey at ginalaw-galaw pa ang kamay naming dalawa na magkadikit pa rin. Mula kay Hero ay napatingin tuloy ako roon.Bumuntung hininga ako kapagkwan at sa mukha naman nito itinuon ang mata ko. "Malayo sa bituka iyan. Kagabi pa nga iyan, e. Kung malala iyan, e, 'di sana ay wala ka rito ngayon. Hindi ka naman namatay, 'di ba? Buhay na buhay ka
AlexenaNaabutan ko si Hero na abala sa harap ng laptop nito, nag-angat ito ng tingin nang makalapit na ako rito ng tuluyan. Ngumisi itong bigla. "Tagal, ah. Anong ginawa ninyo, ha?" mapanuksong tanong nito.Bully alert!Sinimangutan ko ito bago ibinaba sa mesa nito ang kape. "Nagtimpla ng kape siyempre, ‘yan ang ebidensya,” asar na tugon ko.“Bukod sa pagtitimpla ng kape at paggagamutan ninyo siyempre ang itinatanong ko,” halata ang pang-iinis na pag-e-elaborate nito.Lalo akong napasimangot. Napaka-bully talaga nito.“Tigil-tigilan mo ako, Hero Buenavista. May laman ‘yang tanong mo. Ano namang gagawin namin ng kapatid mo?" sikmat ko.Nagkibit-balikat ito pero naroon pa rin sa mukha nito ang ngisi habang nakabantay ang tingin sa mukha ko.May pagkainis na pumalatak ako. "Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan," pagbabawal ko rito.Painosente ako nitong tiningnan. "Bakit?" natatawa pa nitong tanong.Nakuha pa talagang magtanong, napakagaling.Pumalatak akong muli. “Stop it. Tigil-ti
AlexenaNapakurap-kurap ako bago umiling at dumampot ng bulak. “Alocohol or betadine?”“Betadine na lang.”Sinunod ko ang nais nito at nilagyan ang bulak ng betadine.Tahimik naman na inilahad nito ang braso na may kaunting gasgas dahil sa pagkakasadsad yata nito sa pader o sa sahig kagabi. Tsk. Napapala kasi ng mga makukulit. Para itong bata, ang sarap paluin.Nang matapos na ako ay tumingin ako sa mukha nito para tingnan ang kailangang gamutin roon. Hinawakan ko ang mukha nito bago ipinaling at sinipat-sipat iyon.Huminga ako nang malalim at pasimpleng lumunok kalaunan.It felt surreal being close to him like this when I knew from the very beginning that he didn't belong to me. Noon at magpasahanggang ngayon.Pinalis ko sa isipan ang mga bagay at pinagtuunan na lamang ng pansin ang dapat kong gawin para matapos na kami at upang makalayo na rin ako rito.Inuna kong dampian sa mukha nito ang putok sa labi pero una pa lamang ay nagrereklamo na ito. “Aw!”Tss. Ang arte."Masakit, ba