Share

KABANATA 30

Alexena

"Ngayon ako nagsisisi kung bakit ko pa ngayon sinabi sa iyo ang mga nangyari. Tss. Dapat pala ay hindi na at hinayaan ko na lang na mamatay ka sa kuryosidad," sikmat ko kay Hero at inis ko itong pinukol ng tingin.

Sa halip na tumigil ay lalo lamang itong humagalpak ng tawa.

Hays.

"Tumigil ka na nga sa katatawa riyan. Nakakaasar, ganitong pati ako ay nasermonan kagabi ni kuya," bawal ko kay Hero.

Umiling-iling muna ito bago unti-unting huminto.

Nang sa wakas ay wala na itong saping masamang espiritu ay napabuga ako ng hangin.

"Bakit ka naman nasermonan?"

Kinunutan ko ito ng noo.

Talagang nakapagtanong pa ito. Hays.

Iniikot ko ang mata ko. "Dahil sa kapatid mo malamang. Hindi ko naman kasi sinabi kay kuya na nagkita na kami at si Mikey pa talaga ang pansamantalang boss ko, gayong ang alam nga ni kuya ay sa iyo ako nagtatrabaho."

Nakakainis. Hindi ko naman talaga balak na itago rito iyon, nawala lang talaga sa isip ko. Saka sa dami ba naman kasi ng iniisip at pinoproblema ko. Hay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status