AlexenaBumuntung hininga ako. "Tama na, Mikael. Tigilan mo na kung naglalaro ka man, I don't want to play your game," sa halip ay nakikiusap na sagot ko.Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito at sinamantala ko ang pagkakataon para makaalis sa pagkakakulong sa bisig nito.“Kung seryoso ka talaga sa sinabi mong babawi ka. Then, do me a favor. S-Stay away from me,” pilit na pinatatag ang tinig na turan ko bago nagmamadaling tinalikuran ito at iniwan.I can't afford to lose again, to lose him. Not again. Not this time. Not at this moment, never and ever. Dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pa. Mas mabuti pang hindi ko na ito makasama kung maiwawala ko na naman ito sa bandang huli. Mas mabuti pang hindi ko na ito hawakan kung bibitawan ko lang din pala ito sa katapusan. Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang naglalakad.Hindi na ako dumiretso sa mesa na kasalo ang mga ito sa halip ay lumipat na lang ako kung saan may bakante, ayoko munang makaharap ito pagkatapos ng nangy
AlexenaNaalala kong bigla ang sinabi ni Mikey noong minsan, may nalalaman pa itong babawi. Nakakatawang isipin, mabuti na lang at hindi ako naging uto-uto sa mabulaklak na salita nito kahit na gusto ko na sanang umasa, pigil na pigil akong bumigay. Ang hirap kasing hindi pansinin at hindi umasa kahit na sa mga simpleng bagay na ginagawa nito at sa mga binibitawan nitong salita na mapamasama o mabuti man ay hindi kayang baguhin ang nararamdaman ko. Wala, e. Talong-talo ako kung laban man ito. Kasi sarili ko mismo ang kalaban ko, hanggang ngayon kasi ay hindi ko maitatanggi na mahal ko pa ito. Bwisit na pagmamahal, napakapapansin, makulit, ang hilig sumingit sa isip at ang hilig kumalabit sa pusong nananahimik. It always longed to be noticed. Kailangan na mapansin mo, kung hindi ay pilit kang guguluhin. Nakakabaliw isipin at maramdaman. Ibinalik ko na lang ang atensyon at tingin ko kay Hero. Nang makaayos na ang mga ito ay ngumiti ito sa akin.Pinanuod ko kung paano ito humawak sa mi
Alexena“Baka naman pang-birit ‘yan?” may pag-angal ko kaagad na tanong habang naghihintay kami sa hudyat ng mga kasamahan nito na mag-uumpisa na.Ayokong maging kahiya-hiya lalo pa at hindi naman talaga ako kumakanta nang matataas, ‘di ko keri, baka pumiyok ako o mawala na lang bigla sa tono. Dyahe ‘pag gano’n.“Nah. Just wait and I’m sure that you’ll enjoy this song,” sagot nito na siguradong-sigurado.“You guys ready?” singit na tanong ni Pierce.Gusto ko sanang sumagot ng hindi pero nandito na ako, nakakahiya namang umatras at ipahiya hindi lang si Hero kundi pati na ang buong banda nito.Tumango na lang ako.“Yeah,” nakangising tugon naman ni Hero.Napailing na lang ako at humigpit ang pagkakahawak ko sa mikropono nang marinig ang intro noong kakantahin namin—Bad Things by Machine Gun Kelly and Camilla Cabello.F*ck, is he serious? Ito talaga ang kakantahin namin? Talagang wala man lang kaming practice at biglaan?Kahit kabado ay inihanda ko ang sarili ko at nag-ipon ng hangin pa
AlexenaNaiikot ko na lang ang mata ko dahil mukhang 'di ako nito ma-gets. "Na na-miss mo rin ako! Ano ka ba naman?! Ang tagal kaya nating hindi nagkita! Hindi mo ba ako na-miss kahit kaunti lang?!" bulalas ko.Sa halip na sumagot ay tumawa ito at pinisil muli ang pisngi ko.Hindi makapaniwala ko itong tiningnan. "Hala siya. Ayaw akong sagutin.”“Na-miss siyempre, sobra. Kailangan pa bang itanong ‘yon?”“Talaga ba?” paninigurado ko, may pagdududa."Yeps.""Parang hindi naman...""Oo nga kasi, kahit na mamatay pa 'yong ilaw ng mga kapit-bahay mo."Natawa ako at nailing-iling. "Grabe ka. Idinamay mo pa 'yong mga taong walang muwang.""Ikaw kasi, ayaw pang maniwala. Iyan tuloy. Saka kesa naman sila ang mamatay, ang bait ko nga, 'yong ilaw lang nila. Pero, kumusta ka naman?" usisa nito sa huli habang nakatunghay sa mukha ko."Maayos naman."Lumayo ito nang bahagya at inayos ang pagkakatali ng buhok nito na nagusot. "Hmm? Totoo ba? Kung maayos ka, bakit kaya ako pilit na kinokontak at pina
AlexenaBinuksan ko ang pinto ngunit natigilan ako dahil sa naabutan ko si Mikey na prenteng nakaupo sa silya na naroon palagi sa harapan mismo ng mesa ko. Lumunok ako dahil inunahan na ako ng kaba bigla, lalo pa nga at tumitining sa isipan ko ang huli naming pag-uusap at hindi namin pagpapansinan pagkatapos niyon kahit na madalas ang pagpunta nito rito kay Hero dahil sa pag-uusap tungkol sa project na hawak sa kasalukuyan ng mga ito.D*mn. Pero bakit kasi ang aga nitong narito ngayon? May usapan ba ito at si Hero? Bakit wala pa si Hero?Pasimple akong humugot ng hangin.Hindi ko alam kung nagulat din si Mikey katulad ko pero kung nagulat man ito ay hindi ko na iyon napansin pa at nahalata dahil hindi naman ako nito pinansin, ni hindi nga ito nag-angat ng tingin kahit na alam ko na alam naman nito at ramdam nito na may dumating na ibang tao. Imposible kasing hindi nito narinig ang pagbukas ko ng pinto. Hindi ito bingi sa pagkakaalam ko.Lumipas ang sandali ngunit patuloy lang ito sa
AlexenaNaikuyom ko ang kamao ko.Hindi ko talaga mapigilang mapikon, hindi lang kay Mikey at sa inaasta nito kung hindi mas lamang sa sarili ko."Babe?" untag ng tinig sa akin ni Hero.Taka ko itong nilingon nang makitang nakakunot ang noo, lumunok muna ako bago nagtanong. "B-Bakit?”Umiling ito at may pagtataka akong tiningnan. "Wala. Nakasimangot ka kasi riyan, e. Anong problema?" Mabilis akong ngumiti nang pilit at umiling. "W-Wala. Wala naman. Ano naman ang magiging p-problema ko?" May pagdududa ako nitong tiningnan. "Sure?""Oo naman."Mula sa pagkakatingin sa mukha ay bumaba ang mata nito. "Hmm? E, bakit lukot na 'yang papel na hawak mo?" puna nito.Napatingin ako sa hawak kong papel at... sh*t, bakit lukot nga?"U-Uh... ano, s-sorry. I-print ko na lang ulit 'to." hindi magkandaugaga na sabi ko habang pilit na inuunat ang papel na wala nang pag-asang maging maayos.Tumawa ito nang malakas. "Huy! Ano ka ba? Ano bang nangyayari sa iyo?"Ano bang nakakatawa? Hays, isa pa itong na
Alexena"Aalis muna ako, Babe. I'll call you later na lang, okay?" kaswal na paalam ni Hero.Pinagmasdan ko muna ito bago tumugon. "Okay. Pero teka, huwag mong sabihing aalis na kayo para i-meet sina Mr. Fulgencio?" nagtataka kong tanong dahil kapansin-pansin na nagsuot ito ngayon ng coat na madalas talaga ay palamuti lang at swivel chair lang nito ang nakikinabang kapag hindi ito lumalabas ng opisina.Pero dahil bihis na bihis ito, it means lang talaga na aalis ito at may kakatagpuing tao. Tumango ito. "Yeah."Kumunot ang noo ko bago binuklat ang schedule nito na nasa ibabaw lang ng lamesa ko, ang alam ko kasi ay mamaya pang after lunch iyon.Ibinalik ko agad ang tingin dito noong makumpirma na tama ang naalala ko. "Ang aga pa, ah? Mamaya pa ang meeting ninyo," pagbibigay alam ko rito, just in case lang na baka nalimutan nito.Kumamot ito sa pisngi. "Dapat, kaso may aasikasuhin daw kasi si Mr. Fulgencio mamaya. Emergency raw, kaya nakiusap na ipa-move na lang 'yong oras na mas maaga
AlexenaHindi ako makakilos hanggang sa mabagal na inalis ko na lang sa tapat ng tenga ko ang telepono at tuluyang ibinaba iyon nang marinig na bigla na lamang naputol ang linya.Bumangon ako.What the fck was that?Para sa akin ba 'yon? Anong nangyari rito at bakit nito sinabi iyon sa akin? O nagkamali lamang ito ng taong tinawagan?Sht. Here I go again. Ilang salita lang pero natataranta na at sobrang apektado na.Napakarupok, Alexena! Umayos ka nga!Napahinga ako nang malalim bago walang lakas na humigang muli at tumitig sa kadiliman na bumabalot sa silid.Punyemas. Napakabilis na matibag no'ng kagustuhan kong maging masaya na, napakabilis magulo ng isip at nararamdaman ko dahil sa mga simpleng salita na sinabi nito na ni hindi ko nga alam kung para sa akin ba talaga.Naihilamos ko na lang ang dalawang kamay ko sa mukha ko dahil sa nakaka-frustrate na pakiramdam.Fck. Paano pa ako nito makakatulog? Hindi na nga ako dinadapuan ng antok kanina pa, paano pa kaya ngayon? Dinagdagan pa