AlexenaNapabaling ako kay Mikey at napaayos bigla ng upo. Hindi naman ito nakatingin sa akin at nakatuon lamang ang mata nito sa kape.Nagsalita ba talaga ito? O kung anu-ano lang ang naririnig ko? Guni-guni ko lang?Hindi ko na sana papansinin pa pero nakita ko ang pagkibot ng labi nito habang nakayuko nang bahagya at nakatutok pa rin ang mata sa kape. "Bakit, Alexena?" ulit nito.Bakit? Anong bakit? Nag-uusap ba kami? Sa pagkakatanda ko ay nananahimik ako. Huwag nitong sabihin na may sinabi ako nang hindi ko namamalayan ang sarili ko?Kumunot tuloy ang noo ko. "W-What do you mean? Anong bakit?" naguguluhang tanong ko.Lasing pa ba ito? Hindi pa rin ba ito nahuhulasan?"Bakit mo ako nagawang iwan noon? Paano mo nagawa sa akin 'yon, Alexena?" garalgal ang boses na tanong nito na sobrang hindi ko inaasahan.Hindi ako nakakibo.At fck. Teka nga, bakit parang naiiyak ito?Nakagat ko ang labi ko bago nag-iwas ng tingin. Parang ayoko nang malaman pa ang sagot sa tanong ko dahil sa pagkag
AlexenaIkinurap-kurap ko ang mata ko upang pigilan ang mainit na likido na gustong kumawala mula roon, ngunit hindi iyon nakatulong nang sunod-sunod nang pumatak ang malalaking butil. Maagap na pinahid ko ang luha kong nagpapalabo sa paningin ko at lumunok ng ilang beses kahit na ramdam ko ang panginginig ng labi ko bago nagpatuloy."M-Mahal kita, tanggap ko naman kahit na may mahal ka pang iba, sumugal pa rin ako kahit na alam kong malaki ang posibilidad na matalo lang ako sa huli, kaya kong tanggapin ang pagkatalo kaya nga sumubok ako. Alam mo ang hindi ko kaya? 'Yong makipagkompetensiya sa isang taong patay na para lang mahalin ako ng taong mahal ko! Hindi ko 'yon kaya! Hindi ko kayang habang-buhay na lokohin ang sarili ko na ako ang mahal mo kahit na alam ko naman ang totoo na hindi at nakikita mo lang siya sa katauhan ko. Mahal kita, kaya iniwan kita! Gano'n kita kamahal na hindi lang ang sarili ko ang nagawa kong saktan kundi pati na ang pamilya at ilang kaibigan ko. Hindi kita
AlexenaAkala ko ay ako lamang ang may dapat na sabihin. Pero ito rin pala, naipon ang mga salita para sa aming dalawa sa mahabang panahon. Ngayong sumasambulat ay pareho lamang kaming nagugulat at nasasaktan."I want you to be genuinely h-happy, Mikael. I want you to move on from the past, per—" "Move on?! Move on?! The hell with moving on! I can't! How can I move on?! Tell me!" gigil na putol nito sa sinasabi ko. Hindi ako makakibo.Hindi ko rin kasi alam. Kung alam ko... sana ay hindi na ako nasasaktan ngayon. Sana ay hindi ko na ito mahal ngayon."How can I move on when I'm still crazily in love with you?! D*mn it! Sobrang sakit na! Honestly, I don't want this feeling anymore. P*ta, sa dami ng babae. Bakit ikaw pa?! Bakit isang katulad mo pa ang minahal ko?!" puno nang hinanakit at pagsisisi na sabi nito pagkatapos ay tuloy-tuloy na itong lumabas nang walang paalam.Naiwan akong tulala dahil sa mga narinig mula rito habang nakatingin sa pinto ng kusina na nilabasan nito.Should
AlexenaInayos ko ang pagkakatapat ng telepono sa tenga ko. "Maayos na ako. Huwag ka nang masyadong mag-alala sa akin. I'm really fine."Narinig ko ang pagpalatak ng pinsan ko dahil sa sagot ko, na alam kong hindi naniniwala sa sinabi ko."Puwede naman kasing ipagpaliban mo muna ang pagpasok, ba't ba atat kang bumalik sa trabaho? Saka siguradong ayos lang naman kay Hero na mag-leave ka muna dahil alam naman no'n ang nangyari," dada nito mula sa kabilang linya.Totoo naman iyon, pero kahit na kasi magkaibigan pa kami at malapit sa isa't isa ay boss ko pa rin ito, nahihiya na talaga ako rito at kay Mathos dahil ilang araw na rin ang lumipas pero hindi pa rin ako bumabalik sa trabaho.Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa nakapatay pang computer ko. "Nahihiya na ako. Tambak na 'yong trabaho ko na alam kong si Mathos ang sumasalo. Unfair 'yon sa tao," katwiran ko.Narinig ko ang pagpalatak nito. "Nahihiya ba talaga? Baka naman hindi lang iyon? 'Langya ka, itinaon mo talaga na natutu
AlexenaFck. Mukhang tama nga ang pinag-isipan kong desisyon—ang mag-resign para hindi na kami parehong mahirapan pa ng ganito, lalo na ito.Hays. Alam ko na parang tinatakbuhan ko na naman ang mga bagay at napakaduwag ko. Pero iyon lang kasi ang kaya kong gawin at naiisip na paraan para pagaanin ang sitwasyon sa pagitan namin lalo pa at nakikita kong nahihirapan ito, kung gaano ito nilalamon ng galit dahil sa akin. Mas mainam talaga siguro na mawala na lang ulit ako sa eksena, sa buhay nito mismo ng tuluyan, 'yong totohanan na talaga para sa ikabubuti nito.Dumaan ang mahabang katahimikan, ngunit hindi pa rin ako mapakali. Alam ko kasing ayaw nito sa presensiya ko, ramdam ko naman at alam na alam ko iyon. Nang magtagal pa ay tumayo na ako nang hindi pa rin dumadating ang mga kasama namin sa opisina. Hindi ko mapigilang isipin na parang nananadya ang pagkakataon.Gusto ko tuloy magmura nang sobrang lutong.Nag-umpisa na akong maglakad at pasimple itong tiningnan nang malapit na ako
AlexenaIbinalik din nito ang tingin sa akin, parang naghahanap ng senyales kung nagbibiro lamang ako."Magre-resign na ako, Hero," turan ko nang hindi ito makakibo at nanatiling nakatitig lamang sa akin.Huminga ito nang malalim bago inalis ang tingin sa akin at binuksan ang sobre.Nagbaba ako ng tingin noong buklatin nito ang papel na laman niyon at tahimik na pinasadahan nito ng tingin ang nakasulat na mga salita roon.Makalipas ang ilang sandali ay narinig kong muli ang paghinga nito nang malalim. "Sa durasyon ng naging pagkakaibigan natin at simula noong magtrabaho ka rito sa kompanya, never kong naisip na iiwan mo ako rito. Ang alam ko kasi, sasamahan mo ako rito hanggang sa sabay tayong magretiro," malungkot ang tinig na saad nito.Nilaro ko ang daliri ko.Iyon din ang akala ko, wala naman talaga kasi sa isip ko ang umalis at iwanan ang kompanya dahil sa totoo lang ay parang hindi naman pagtatrabaho ang ginagawa ko dahil nag-e-enjoy akong masyado at naging masaya ako sa pananat
AlexenaInilibot ko ang paningin ko sa bagong unit na tinutuluyan ko, rather... namin pala ng pinsan ko.Nakatambay lamang ako simula noong makapag-resign ako at sa mga panahong iyon ay ginugol ko ang mga araw sa paglilipat namin ng gamit sa aming matitirhan.Hindi naman sa assumera ako na baka puntahan pa ako ni Mikey sa dati naming tinutuluyan dahil alam nito iyon, mas mainam na lang 'yong sigurado ako. Saka mas okay na ito, na ganito... kumbaga ay bagong simula. Huminga ako nang malalim noong mapagod sa pagmamasid ang mata ko.Nakakabagot lang dahil nag-iisa lang ako ngayon, umalis kasi si Zelle. Isinasama naman ako nito pero ako ang makailang tumanggi sa paanyaya nito.Napatingin ako sa telepono ko na nakalapag sa center table noong tumunog iyon.Napailing ako nang maisip na malamang ay ang magaling kong kapatid iyon.Tinatamad tuloy akong bumangat para sagutin, paano nga ay puro kasi kaabnormalan ang sinasabi sa akin. Katanda na ay napakaisip-bata pa rin. Kalaunan ay nababagot
AlexenaNaikurap-kurap ko ang mata ko. Teka. 'Yong movie ba talaga ang tinutukoy nito o may iba pa?"Ikaw, Ma'am? Alin ang pipiliin mo kung sakali? Mang-iwan o maiwan?" patuloy na tanong pa nito.Lumunok ako at hindi makuhang kumibo."Ma'am? Ano na ang pipiliin mo kung ikaw 'yong nasa gano'ng sitwasyon?" untag nito.Napangiti ako nang mapait. "W-Wala," tugon ko.Suminga muna ito dahil mukhang nagbabara na ang ilong bago sumagot. "Bakit naman wala? Kahit isa lang, Ma'am."Huminga ako nang malalim. "Wala akong gustong piliin, because they're both painful. Maiwan o ang mang-iwan, kung mahal ninyo ang isa't isa, gano'n pa rin naman, may masasaktan. Walang ipinagkaiba dahil pareho lang naman na malalayo ka sa taong mahalaga sa iyo." Napatango-tango ito."But the thing is, madalas na nahuhusgahan kaagad ng mga tao kapag nalaman na ikaw ang nang-iwan, lalo na kung walang paalam, walang pasabi at 'yong basta-basta," dugtong ko na hindi maiwasang tumakas ang lungkot sa tinig.Tahimik at mata