Share

KABANATA 52

Alexena

Naikurap-kurap ko ang mata ko.

Teka. 'Yong movie ba talaga ang tinutukoy nito o may iba pa?

"Ikaw, Ma'am? Alin ang pipiliin mo kung sakali? Mang-iwan o maiwan?" patuloy na tanong pa nito.

Lumunok ako at hindi makuhang kumibo.

"Ma'am? Ano na ang pipiliin mo kung ikaw 'yong nasa gano'ng sitwasyon?" untag nito.

Napangiti ako nang mapait. "W-Wala," tugon ko.

Suminga muna ito dahil mukhang nagbabara na ang ilong bago sumagot. "Bakit naman wala? Kahit isa lang, Ma'am."

Huminga ako nang malalim. "Wala akong gustong piliin, because they're both painful. Maiwan o ang mang-iwan, kung mahal ninyo ang isa't isa, gano'n pa rin naman, may masasaktan. Walang ipinagkaiba dahil pareho lang naman na malalayo ka sa taong mahalaga sa iyo."

Napatango-tango ito.

"But the thing is, madalas na nahuhusgahan kaagad ng mga tao kapag nalaman na ikaw ang nang-iwan, lalo na kung walang paalam, walang pasabi at 'yong basta-basta," dugtong ko na hindi maiwasang tumakas ang lungkot sa tinig.

Tahimik at mata
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status