Share

KABANATA 51

Alexena

Inilibot ko ang paningin ko sa bagong unit na tinutuluyan ko, rather... namin pala ng pinsan ko.

Nakatambay lamang ako simula noong makapag-resign ako at sa mga panahong iyon ay ginugol ko ang mga araw sa paglilipat namin ng gamit sa aming matitirhan.

Hindi naman sa assumera ako na baka puntahan pa ako ni Mikey sa dati naming tinutuluyan dahil alam nito iyon, mas mainam na lang 'yong sigurado ako. Saka mas okay na ito, na ganito... kumbaga ay bagong simula.

Huminga ako nang malalim noong mapagod sa pagmamasid ang mata ko.

Nakakabagot lang dahil nag-iisa lang ako ngayon, umalis kasi si Zelle. Isinasama naman ako nito pero ako ang makailang tumanggi sa paanyaya nito.

Napatingin ako sa telepono ko na nakalapag sa center table noong tumunog iyon.

Napailing ako nang maisip na malamang ay ang magaling kong kapatid iyon.

Tinatamad tuloy akong bumangat para sagutin, paano nga ay puro kasi kaabnormalan ang sinasabi sa akin. Katanda na ay napakaisip-bata pa rin.

Kalaunan ay nababagot
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status