Share

KABANATA 45

Alexena

Napabaling ako kay Mikey at napaayos bigla ng upo. Hindi naman ito nakatingin sa akin at nakatuon lamang ang mata nito sa kape.

Nagsalita ba talaga ito? O kung anu-ano lang ang naririnig ko? Guni-guni ko lang?

Hindi ko na sana papansinin pa pero nakita ko ang pagkibot ng labi nito habang nakayuko nang bahagya at nakatutok pa rin ang mata sa kape. "Bakit, Alexena?" ulit nito.

Bakit? Anong bakit? Nag-uusap ba kami? Sa pagkakatanda ko ay nananahimik ako. Huwag nitong sabihin na may sinabi ako nang hindi ko namamalayan ang sarili ko?

Kumunot tuloy ang noo ko. "W-What do you mean? Anong bakit?" naguguluhang tanong ko.

Lasing pa ba ito? Hindi pa rin ba ito nahuhulasan?

"Bakit mo ako nagawang iwan noon? Paano mo nagawa sa akin 'yon, Alexena?" garalgal ang boses na tanong nito na sobrang hindi ko inaasahan.

Hindi ako nakakibo.

At fck. Teka nga, bakit parang naiiyak ito?

Nakagat ko ang labi ko bago nag-iwas ng tingin.

Parang ayoko nang malaman pa ang sagot sa tanong ko dahil sa pagkag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status