AlexenaFck. Mukhang tama nga ang pinag-isipan kong desisyon—ang mag-resign para hindi na kami parehong mahirapan pa ng ganito, lalo na ito.Hays. Alam ko na parang tinatakbuhan ko na naman ang mga bagay at napakaduwag ko. Pero iyon lang kasi ang kaya kong gawin at naiisip na paraan para pagaanin ang sitwasyon sa pagitan namin lalo pa at nakikita kong nahihirapan ito, kung gaano ito nilalamon ng galit dahil sa akin. Mas mainam talaga siguro na mawala na lang ulit ako sa eksena, sa buhay nito mismo ng tuluyan, 'yong totohanan na talaga para sa ikabubuti nito.Dumaan ang mahabang katahimikan, ngunit hindi pa rin ako mapakali. Alam ko kasing ayaw nito sa presensiya ko, ramdam ko naman at alam na alam ko iyon. Nang magtagal pa ay tumayo na ako nang hindi pa rin dumadating ang mga kasama namin sa opisina. Hindi ko mapigilang isipin na parang nananadya ang pagkakataon.Gusto ko tuloy magmura nang sobrang lutong.Nag-umpisa na akong maglakad at pasimple itong tiningnan nang malapit na ako
AlexenaIbinalik din nito ang tingin sa akin, parang naghahanap ng senyales kung nagbibiro lamang ako."Magre-resign na ako, Hero," turan ko nang hindi ito makakibo at nanatiling nakatitig lamang sa akin.Huminga ito nang malalim bago inalis ang tingin sa akin at binuksan ang sobre.Nagbaba ako ng tingin noong buklatin nito ang papel na laman niyon at tahimik na pinasadahan nito ng tingin ang nakasulat na mga salita roon.Makalipas ang ilang sandali ay narinig kong muli ang paghinga nito nang malalim. "Sa durasyon ng naging pagkakaibigan natin at simula noong magtrabaho ka rito sa kompanya, never kong naisip na iiwan mo ako rito. Ang alam ko kasi, sasamahan mo ako rito hanggang sa sabay tayong magretiro," malungkot ang tinig na saad nito.Nilaro ko ang daliri ko.Iyon din ang akala ko, wala naman talaga kasi sa isip ko ang umalis at iwanan ang kompanya dahil sa totoo lang ay parang hindi naman pagtatrabaho ang ginagawa ko dahil nag-e-enjoy akong masyado at naging masaya ako sa pananat
AlexenaInilibot ko ang paningin ko sa bagong unit na tinutuluyan ko, rather... namin pala ng pinsan ko.Nakatambay lamang ako simula noong makapag-resign ako at sa mga panahong iyon ay ginugol ko ang mga araw sa paglilipat namin ng gamit sa aming matitirhan.Hindi naman sa assumera ako na baka puntahan pa ako ni Mikey sa dati naming tinutuluyan dahil alam nito iyon, mas mainam na lang 'yong sigurado ako. Saka mas okay na ito, na ganito... kumbaga ay bagong simula. Huminga ako nang malalim noong mapagod sa pagmamasid ang mata ko.Nakakabagot lang dahil nag-iisa lang ako ngayon, umalis kasi si Zelle. Isinasama naman ako nito pero ako ang makailang tumanggi sa paanyaya nito.Napatingin ako sa telepono ko na nakalapag sa center table noong tumunog iyon.Napailing ako nang maisip na malamang ay ang magaling kong kapatid iyon.Tinatamad tuloy akong bumangat para sagutin, paano nga ay puro kasi kaabnormalan ang sinasabi sa akin. Katanda na ay napakaisip-bata pa rin. Kalaunan ay nababagot
AlexenaNaikurap-kurap ko ang mata ko. Teka. 'Yong movie ba talaga ang tinutukoy nito o may iba pa?"Ikaw, Ma'am? Alin ang pipiliin mo kung sakali? Mang-iwan o maiwan?" patuloy na tanong pa nito.Lumunok ako at hindi makuhang kumibo."Ma'am? Ano na ang pipiliin mo kung ikaw 'yong nasa gano'ng sitwasyon?" untag nito.Napangiti ako nang mapait. "W-Wala," tugon ko.Suminga muna ito dahil mukhang nagbabara na ang ilong bago sumagot. "Bakit naman wala? Kahit isa lang, Ma'am."Huminga ako nang malalim. "Wala akong gustong piliin, because they're both painful. Maiwan o ang mang-iwan, kung mahal ninyo ang isa't isa, gano'n pa rin naman, may masasaktan. Walang ipinagkaiba dahil pareho lang naman na malalayo ka sa taong mahalaga sa iyo." Napatango-tango ito."But the thing is, madalas na nahuhusgahan kaagad ng mga tao kapag nalaman na ikaw ang nang-iwan, lalo na kung walang paalam, walang pasabi at 'yong basta-basta," dugtong ko na hindi maiwasang tumakas ang lungkot sa tinig.Tahimik at mata
AlexenaNagulat ako nang mapagbuksan ko si Cloud ng pinto, nakangisi na kumaway pa ito sa akin.Tinaasan ko ito ng kilay bago binitiwan ang seradura ng pinto. "Wala ka bang tinatrabaho?"Halata kasing hindi ito pupunta sa opisina sa pormahan nito na naka-cargo shorts, polo na pang-hawaiian na mukhang sadyang hindi nito isinara ang ilang butones sa gawing taas at tinernuhan pa ng white sneaker shoes. Ang fresh nitong tingnan.Pero saan kaya ang lakad nitong sira-ulong ito pagkatapos akong pestehin muna?"Wala pa namang masyado."Tumuloy ako sa sofa at patamad na umupo roon. "Hindi ka ba hinahanap sa opisina?" "Hindi, nag-file ako ng leave for 7 days."Naks. Sana all. May susuwelduhin kahit hindi pumasok ng pitong araw, na reminder sa akin na kailangan ko na palang maghanap ng trabaho, medyo humahaba na rin ang bakasyon ko.Tiningnan ko ito na nakatayo pa rin sa mismong pintuan. Mukhang wala itong balak na magtagal, mukhang hindi ako pepestehin at mukhang kay tino-tino. Well, sana ng
AlexenaKalaunan ay pinakawalan din ako nito at inayos ang buhok kong medyo nagulo nito. "Nagmumukmok ka na naman dito," pag-iiba nito sa usapan kapagkwan.Ngumuso ako. "Hindi kaya," tanggi ko.Tiningnan ako nito nang hindi naniniwala. "Hindi raw."Umirap lang ako."Sabagay, uso yata 'yan e, 'no? May kakilala pa kasi akong isa na ganyan din, nagmumukmok."Bumalik kaagad ang tingin ko rito, nakita ko ang ngisi sa mukha nito at ang tingin nito na parang inaasahan na ang paglingon kong muli rito.Tss. I rolled my eyes. "Come on! Don't say bad words," hiling ko.Mabilis na tinakpan ko ang tenga ko nang makitang lumaki ang ngisi nito at bubuka na naman ang bibig nito upang maglabas ng mga karumal-dumal na salita na iniiwasan kong marinig.Nakakainis ito. Hindi ba nito nakikita na nahihirapan akong makalimot at mag-move on?Pilit na tinanggal nito ang mga kamay ko pero mabilis na ibinalik ko lang din."I'm trying to move on, okay? So please let me. Stop mentioning anything that will start
AlexenaNakakatukso ang offer nito, lalo pa nga at parang bitin na bitin ako sa pag-upo at sa pamamahingang ginawa namin na saglit na saglit lang talaga.Ngunit sa halip na sunggaban ang alok nito ay humalukipkip ako habang nakatingin dito bago napangiti.Lagi itong nang-aasar pero alam na alam din nito kung paano alisin at burahin ang pagkaasar ko. Lagi itong nangti-trip pero pagkatapos akong pag-trip-an ay gagawa naman ito ng paraan at ako naman ang pasasayahin at papangitiin. Hindi man ito palaging nasa tabi ko, pero alam ko, kahit noon pa mang nag-aaral kami kung gaano ito mapagkakatiwalaan at maaasahan sa lahat ng bagay. Maloko ito at palabiro, oo. Pero never pa akong nadismaya rito 'pag tungkol na sa seryosong bagay ang usapan.I'm so happy that I do have a friend like him. Na kahit lumipas pa ang ilang taon na hindi kami nagkasama at isa ito sa mga taong nasaktan ko, still, heto pa rin ito, ito pa rin 'yong Cloud na sobrang maalaga, maaasahan at mabuting kaibigan. Ito pa rin 'yo
AlexenaHindi ko mapigilan ang ma-frustrate at mainis.Alam ko naman na galit sa akin si Mikey pero bakit tila ba pati si tadhana ay nakikisali at nakikialam na para bang kamping-kampi at pinagtutulungan ako ng mga ito? Ba't gano'n? Ang unfair! Galit rin ba ito sa akin? Bakit kasi kung alin pa 'yong iniiwasan ko, 'yon pa rin 'yong pilit na nakakatagpo ko? Palagi na lang na hindi ako nai-inform kaya nagugulat na lang ako at nagmumukhang tanga. Tuliro pa rin ako dahil sa nangyari at sa kaalaman na narito rin ito, hindi ko naman masisi si Cloud dahil hindi naman ako pinilit nito, kusa akong sumama dahil akala ko ay makakalayo akong pansamantala at makakahinga kahit bahagya. Hindi namin pareho inaasahan ang nangyari.Nagpaliwanag ito sa akin na ang alam nga raw talaga nito ay hindi pupunta ang kaibigan nito. Matagal na raw kasing nagyayaya at plano ang mini reunion na ito kasama ng mga dating kaibigan ng mga ito during highschool days, sa tagal nang pagyayayaan ay ngayon lang daw natulo