Share

KABANATA 40

Alexena

Naiikot ko na lang ang mata ko dahil mukhang 'di ako nito ma-gets. "Na na-miss mo rin ako! Ano ka ba naman?! Ang tagal kaya nating hindi nagkita! Hindi mo ba ako na-miss kahit kaunti lang?!" bulalas ko.

Sa halip na sumagot ay tumawa ito at pinisil muli ang pisngi ko.

Hindi makapaniwala ko itong tiningnan. "Hala siya. Ayaw akong sagutin.”

“Na-miss siyempre, sobra. Kailangan pa bang itanong ‘yon?”

“Talaga ba?” paninigurado ko, may pagdududa.

"Yeps."

"Parang hindi naman..."

"Oo nga kasi, kahit na mamatay pa 'yong ilaw ng mga kapit-bahay mo."

Natawa ako at nailing-iling. "Grabe ka. Idinamay mo pa 'yong mga taong walang muwang."

"Ikaw kasi, ayaw pang maniwala. Iyan tuloy. Saka kesa naman sila ang mamatay, ang bait ko nga, 'yong ilaw lang nila. Pero, kumusta ka naman?" usisa nito sa huli habang nakatunghay sa mukha ko.

"Maayos naman."

Lumayo ito nang bahagya at inayos ang pagkakatali ng buhok nito na nagusot. "Hmm? Totoo ba? Kung maayos ka, bakit kaya ako pilit na kinokontak at pina
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status