Share

KABANATA 41

Alexena

Binuksan ko ang pinto ngunit natigilan ako dahil sa naabutan ko si Mikey na prenteng nakaupo sa silya na naroon palagi sa harapan mismo ng mesa ko.

Lumunok ako dahil inunahan na ako ng kaba bigla, lalo pa nga at tumitining sa isipan ko ang huli naming pag-uusap at hindi namin pagpapansinan pagkatapos niyon kahit na madalas ang pagpunta nito rito kay Hero dahil sa pag-uusap tungkol sa project na hawak sa kasalukuyan ng mga ito.

D*mn. Pero bakit kasi ang aga nitong narito ngayon? May usapan ba ito at si Hero? Bakit wala pa si Hero?

Pasimple akong humugot ng hangin.

Hindi ko alam kung nagulat din si Mikey katulad ko pero kung nagulat man ito ay hindi ko na iyon napansin pa at nahalata dahil hindi naman ako nito pinansin, ni hindi nga ito nag-angat ng tingin kahit na alam ko na alam naman nito at ramdam nito na may dumating na ibang tao. Imposible kasing hindi nito narinig ang pagbukas ko ng pinto. Hindi ito bingi sa pagkakaalam ko.

Lumipas ang sandali ngunit patuloy lang ito sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status