Share

KABANATA 31

Alexena

Napatingin ako kay Hero nang marinig ko ang tawa nito.

Bakit ito tumatawa? Walang namang nakakatawa, ah?

Sipain ko kaya ito palabas sa opisina nito mismo?

Tumigil lamang ito nang makitang nakatingin kami pareho ni Mikey nang masama kaya ikinumpas pa nito ang kamay. "Sige ituloy ninyo lang 'yang paggagamutan na 'yan. Habang ako ay babalik na sa trabaho, may ginagawa nga pala ako," nakangising udyok pa nito.

D*mn. Bakit mukhang wala itong kabalak-balak na tulungan ako? Akala ko ba ay kakampi ko ito? Pero bakit hindi ito gumagawa ng paraan para pigilan ang kapatid nito sa pagpapagamot? At talagang tila itinutulak pa ako?!

"Ano na?" kulit ni Mikey at ginalaw-galaw pa ang kamay naming dalawa na magkadikit pa rin.

Mula kay Hero ay napatingin tuloy ako roon.

Bumuntung hininga ako kapagkwan at sa mukha naman nito itinuon ang mata ko. "Malayo sa bituka iyan. Kagabi pa nga iyan, e. Kung malala iyan, e, 'di sana ay wala ka rito ngayon. Hindi ka naman namatay, 'di ba? Buhay na buhay ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status