Share

KABANATA 17

Alexena

Kahit gaano pa kahaba ang pasensiya ng isang tao ay dumarating din talaga sa punto na nauubos ito. Sa kaso ko, kaunti na lang at mapapatid na talaga... kasing nipis na lang yata ng sinulid, kaunting-kaunti na lang talaga at gusto ko nang pumatol... kung pupuwede nga lang na itali ko na sa leeg ni Mikey para maisabit ko na sana ito nang patiwarik. Bwisit talaga, para matapos na ang paghihirap ko! Tatanggapin ko na siguro kahit na maging kriminal pa ako at kahit na hindi ko kailanman pinangarap na magiging gano'n ako. D*mn.

Dalawang araw ko nang binabasa at hinahanap sa sandamakmak na mga papeles at folders na itinambak sa akin ng bwisit na lalaking 'yon ang kontrata sa ginagawang hotel na sinasabi nito, na ayon dito ay kailangan kong mahanap as soon as possible para raw ma-review nito... na sa palagay ko ay hindi ko magagawa dahil sa sobrang dami talaga ng mga papel, pansin ko pa na wala naman akong namamataan na kahit isa o ibang kontrata na nahalo sa mga papel na natapos ko n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status