Share

Chapter 123:

Thrizel's POV

Balik na naman ako sa trabaho. Ito na ang huli kong pasok dahil kailangan ko nang umalis. Ayos lang naman kay Gio, bago naman ako pumasok dito nabanggit niya kila manager na pansamantala lang ako rito. Sinusulit ko na ang pakikisalamuha ko kay Chef Sanchez dahil hindi naman kami gaano malapit sa isa't isa. Hindi hadlang 'yon para makisalamuha ng sobra sa kaniya ngayon.

"Hindi ko akalain na hindi na kita makasasama." Mula sa aking gilid 'yon, kay Chef Sanchez. Abala siya sa paghihiwa ng mga gulay dahil ako ay naghahalo ng kaniyang niluto. Siya naman ang nagtitimpla at tumitikim nito.

"Oo nga po." Sagot ko. Binitawan ko ang sandok at kinuha ang kaniyang ginagawa. "Kailangan kasi dahil uuwi ang aking mga magulang. Sa totoo lang, hindi nila alam ito." Tinuon ko nalang ang paningin ko sa ginagawa.

Sabay kaming napatingin ni chef sa pintuan nang bumukas 'yon. Nakita ko ang aming manager na seryoso ang mukha. May pagkasungit pa rin sa kaniya. Kakabalik ko lang sa trabaho, simu
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status