Share

Chapter 124:

Thrale’s POV

“Umuwi na tayo.” Pagyayaya sa akin ni Gio.

Nahinto kami rito sa kaniyang kotse. Pinanood nalang namin kung paano umalis ang kotse ni Kein. Ang kamao ko ay nakalapat sa kotse ni Gio dahil sa inis. Nakayuko habang patuloy pa rin ang pagluha. Tumigil na rin ang ulan kaya sa buong kalsada, iyak at sigaw ko lamang ang maririnig.

“Gio...” Napapunas ako ng luha. Napasandal na rin sa kotse. Nanginginig ang boses kong nagsalita. “M-Mali ba ‘yong ginawa ko?” Humarap ako sa kaniya. “Mali ba ang ginawa kong ‘yon?!”

Napalayo-layo siya sa akin. Seryoso ang mukha. “Sa parents niyo, maling-mali dahil magkapatid kayo. Kung hindi mo naman kapatid si Thrizel at kung siya si Arella, mali pa rin dahil magpinsan kayo.” Tumabi siya ng sandal sa akin. “Kung ako ang nasa sitwasyon mo, mawawalan ako ng pag-asa dahil kahit anong pilit mo sa tadhana, hinahadlangan ka. You have two problems or let’s say your options. Of those two, it is also forbidden. Saan ka lulugar? Saan ka kukuha ng pag-asa? Ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status