Share

Chapter 76:

Ryke’s POV

Matapos kong ihatid si Thrizel, dumiretso ako kay Kein na tinatawag din na Brooks. Kahit hindi niya ipagsabi na iisa sila, kaya kong malaman iyon. Kung si Gio marunong maghanap ng ebidensya. Kung si Thrale magaling magdeduction. Ako naman ay mabilis makakilatis. Kaming tatlo ang malalakas ang pakiramdam sa ganito. Kung ipapasok sina Brooks at Elkhurt, puro kalokohan lang ang alam nila. Kahit gano’n, may ambag ang personality nilang ‘yon.

Kaming limang magkakaibigan, ang apat kong kaibigan ay kaya kong basahin at punahin. Gano’n din naman si Thrale pero masyado siyang tumutuon sa iisang tao kaya gumugulo ang pakiramdam niya. Sa ganitong punahan, hirap akong kalabanin sina Dominic at Link. Hindi pa kami nag-uusap pero nang makita ko ang dalawang magkasama. Grabe ang coordination nila. Lahat ay kayang ibulgar. Iyon ang hindi ko mabasa kung paano nila nagagawa iyon.

"Napadalaw ka?" Bungad sa akin ni Kein nang buksan ko ang pinto ng kaniyang hideout. Hindi na siya magtataka kung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status