Share

Chapter 75:

Thrizel's POV

Tahimik akong nakaupo sa gilid ng aking kama habang iniisip ang napag-usapan namin ni Thrale. Mali ba ang naging sagot ko? Kasalanan ba na ayoko siyang maging kuya? Kasalanan din bang mahal ko siya? Argh, Thrizel, your words.

Napabuga ako ng hangin dahil sa pag-iisip ko sa aking kuya, kayang kaya niya talaga pasakitin ang aking ulo. Lumabas ako ng kwarto, pagbaba ko, salamat naman dahil wala akong Thrale na nakita. Nasaan ba siya? Wala rin akong nakitang tao. May naririnig akong ingay sa may dinning area. Kumakain pala sila.

Nagdadalawang isip ako kung sasabay ba sa kanila o hahayaan lang sila. Wala ako sa magandang kalagayan para makipagtawanan kaya umalis na ako at pumuntang sa hardin. Nakakapagpahinga ako kapag maraming halaman at puno. Ang sarap sa pakiramdam.

“Parang pagod na pagod ka riyan?” Narinig kong pagtatanong ni Link sa akin. Kahit nakapikit ako, alam na alam ko ang kaniyang boses.

Minulat ko ang aking mga mata at sumagot sa kaniya. “Hindi naman gaano.”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status