Share

Chapter 74:

Thrizel’s POV

"Aray!" Sigaw ko nang madiinan ni Link ang aking sugat.

Ginagamot niya ito ngayon, akala ko ay hindi niya nakitang dumudugo ang paa ko kanina. Sinundan pala ako nito papunta sa aking kwarto. Ayokong si Thrale ang makakita, dahil ang aking akala ay gagamotin niya, baka tumaliwas at hayaan lang ako nito. Baka roon bumuhos ang aking luha, ayoko ng umiyak sa kaniyang harapan. Ayoko ng makita niya ang mga luha kong bumabagsak na siya ang dahilan.

"Wala talagang kwenta ang kuya mo."

Hindi ako tiningnan ni Link nang sabihin niya iyon. Masama ang loob niya kay Thrale base sa tono ng pananalita nito. Kung maintindihin lang ako ‘gaya ni Ate Anissa, baka maayos kami ni kuya ngayon. Pero hindi, ayaw mawala ng mali kong nararamdaman. Kahit anong gawin ko, umiwas man o pigilan ‘to, hindi ako nananalo. Nananalo ang mali kaysa sa mga naiisip kong tamang gawin.

"Bakit mo ba kasi sinabihan ng gano’n si Arella? Malay mo siya ang pinsan natin, ‘di ba? Kahit ako nainis sa sinabi mo no’ng g
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status