Share

Chapter 36

Leana’s POV

It’s valentine's day. At isa lang ang ibig sabihin nun para sa akin. Ngayon ‘yung performance nila Nico! Wala akong pakialam sa mga pakulo sa araw ng mga puso. Ang mahalaga sa ngayon ay makita si Nico na magpe-perform sa stage!

Habang hinihintay na magsimula ang event, wala akong kausap mula rito sa kinauupuan ko. Sinadya ko iyon dahil ang gusto ko ay makapag concentrate sa panonoorin ko.

Nilingon ko si Nico at nakatitig lang siya mula sa malayo. Wala talaga akong kausap dahil ayaw niya akong pansinin. Sinasabihan niya ako ng shut up kapag kinukulit ko siya dahil ayaw niya raw ng maingay. Pero ang totoo, alam kong kinakabahan lang siya.

Idinapo ko ang isang daliri ko sa palad niya at agad naman siyang napalingon sa akin.

“Ang lamig naman ng kamay mo. Kinakabahan ka?”

Tumango siya.

“Huwag kang kabahan.”

“Wow, it helped me a lot, Leana,” sarkastikong aniya at napangiwi naman ako.

“Mamaya hindi ka makatugtog ng maayos ah. Nanginginig pa kamay mo oh,” turo ko sa kamay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status