Share

Chapter 45

Leana’s POV

“Leana, ikaw na muna ang maghugas dito. Babalik na ako sa trabaho.”

Umuwi si mama para mag lunch dito dahil na-miss daw niya kaming kasama na kumain. Aba, ilang araw na kaya kami ni Chance na kaming dalawa lang ang sabay na kumakain sa hapag kainan. Kung darating sila mula sa trabaho, lagi na silang tapos kumain. Kailan pa sila nahilig kumain sa labas?

“Opo mama.”

Humalik siya sa pisngi namin ni Chance bago tuluyang umalis at humiga naman ako sa sofa. Ayokong gumawa ng kahit na ano sa ngayon. Wala naman akong problema. Hindi naman mabigat ang mga ginagawa ko dahil bakasyon nga pero saan nanggagaling itong pagod na hindi mawala wala?

Ganito na naman ako noong nakaraang bakasyon. Talagang hindi maganda sa feeling. Wala akong motivation sa lahat ng gagawin ko at ang gusto ko lang ay humiga. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko at mukhang tama nga si Nico. Kailangan ko nga atang magpahinga.

“Chance, naghugas ako kaninang umaga. Ikaw naman.”

Narinig ko pa ang ilang pagrerekl
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status