Share

Chapter 52

Leana’s POV

Hindi ko talaga kailanman maiintindihan kung bakit lahat ng bagay ay may kapalit. Kung kailan medyo nabawasan na ang bigat sa loob ko dahil nagkausap na kami ni Nico, nabawi rin iyon pagkauwing-pagkauwi ko.

Umalis na si papa sa trabaho niya. Napaka biglaan. Hindi namin alam kung ano ang rason niya. Basta na lang niyang ginawa iyon ng hindi man lang iniisip kung ano ang magiging sitwasyon ng pamilya namin kapag isa sa kanila ay nawalan ng trabaho.

“Ate kahit ikulong mo pa ako rito naririnig ko pa rin ang gulo dyan sa labas!”

Napahawak ako ng mahigpit sa doorknob dahil sa pilit na pagbukas ni Chance sa pinto. Kahit nanginginig at nanghihina ay pinilit kong ipunin ang lahat ng natitirang lakas ko para pigilan siya mula sa paglabas.

“Hindi mo pwedeng makita. Dyan ka lang. Hindi ka pwedeng lumabas.”

“Ate!”

Napapikit ako sa napakalakas na sigaw niya mula sa kwarto. Base sa tinig niya ay umiiyak na siya.

Nagkakasakitan sina mama at papa. Hindi iyon pwedeng makita ni Chanc
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status