Leana’s POV “Ate, sabi ni tito uuwi na si papa mamaya.” Dapat ay naka concentrate ako ngayon sa papel ko dahil kasalukuyan kaming nag qu-quiz pero ngayon pa talaga pinili ng utak ko na isipin ang mga problema ko sa buhay. Paulit ulit na pumapasok sa utak ko ang sinabi ni Chance kaninang umaga na uuwi na raw si papa. Dapat ay excited ako pero bakit parang may mali? Parang ayokong maniwala na uuwi na talaga siya. Paano uuwi si papa kung ayaw niya sa amin ni mama? Uuwi lang siya para kay Chance? Uuwi lang siya dahil hindi na niya matiis ang kapatid ko na araw araw pumupunta sa kinaroroonan niya dahil ayaw niyang umuwi? Epekto man ng alak ang pagiging ilag sa akin ni papa, sumasama pa rin talaga ang loob ko. Kailangan ko silang intindihan dahil hindi lang naman ako ang nahihirapan pero bakit nadadamay kami sa mga away nila? Nananahimik lang naman kami ni Chance pero siya itong nananakit na para bang hindi niya kami anak. Kinakabahan ako sa magiging eksena sa bahay mamaya kung talaga n
Leana’s POV Pinanood ko kung paano mahigpit na niyakap ni Chance si papa. Hindi na ako nagtaka nung makita kong umiiyak siya dahil bukod sa siya ay isang papa’s boy, antagal niya kasing nawala. Kahit gustong-gusto kong tumakbo palapit sa kanila at yumakap din ay hindi ko magawa dahil ayaw sa akin ni papa. Kaya ko nga pinipigilan ang sarili kong magpunta sa bahay nina tito nitong mga nakaraang araw dahil binantaan niya ako na hindi siya uuwi sa susunod na bibisitahin ko siya ron. Parang tuod lang akong nakatayo mula rito sa pwesto ko at pinapanood silang dalawa. Pasimple kong sinulyapan si mama at kumunot ang noo ko dahil hindi man lang niya tinitignan si papa kundi nakatitig lang siya sa sahig. Wala man lang akong makitang galak sa mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahan naman siyang napatingin sa akin. “Hindi niyo po ba sasalubungin si papa?” mahinang tanong ko at hindi siya umimik. Hinila ko siya palapit sa pwesto nina Chance at napatingin naman sa amin si papa.
Leana’s POV Dahan-dahan akong umalis mula sa kama dahil wala rin naman silbi itong paghiga na ginagawa ko. Hindi ako makatulog sa dami ng mga iniisip ko. Hindi tuwid ang paraan ng pag-iisip ko ngayon. Hindi tulad noon na kaya ko pang isantabi ang mga naiisip ko. Ngayon kasi ay para na akong nakikinig sa isang mismong tao na nagsasalita sa tabi tenga ko dahil sa sobrang lakas ng mga ito. Isinuot ko ang hoodie ko at nilagay ang magkabilang kamay papasok sa bulsa nito bago sinulyapan ng tingin si Chance. Nakakadagdag bigat sa dibdib ang mga pinapakita niyang pag-uugali ngayon pero hindi ko siya mapuna dahil alam kong nasasaktan siya mula sa pag-alis ni papa. Hindi naman siya naging bastos. Naging tahimik nga lang at hindi na madalas makipag-usap. Maski sa akin na lagi niyang kinakausap gabi gabi kahit walang kwenta ang mga pinagsasasabi niya. Natatakot ako na kapag hindi niya sinabi ang laman ng isip niya ay magkaroon ng problema. Wala nang maingay dito sa bahay. Kapag nasa bahay, ma
Nico’s POV Hindi ako nag-abala na itago ang inis ko mula sa tanong ng mga kapwa ko estudyante. Bakit ba kasi malaking isyu iyon sa kanila? “Are you guys dating?” tanong ng isa. Paulit-ulit! Ang sakit sa tenga at utak! Napakamot akong muli sa pisngi bago sila nilagpasan at nagsimulang maglakad papunta sa music room. Did I really do something wrong? But Leana appreciated it. Did I make those people feel uncomfortable because of the way I comforted my friend? What if they’re talking bad behind our backs? I don’t care if they will hate me or anything. What I’m scared of is about Leana’s reaction to it. What if this would be the reason again that she will distance herself from me? I felt fear all of a sudden. I was just unbothered a while ago. I bit my lip in frustration and quickly changed my pace and decided to just go and lock myself in my room. I’ll just go home and hopefully, I’ll get peace of mind. I rolled my eyes because I know that having a peace of mind right now is impos
Leana’s POV “Ano po iyon ate?” Napalingon ako sa isang estudyante na lumapit sa akin at tinanong ako dahil marahil sa kanina ko pang pagsilip sa classroom nila. Kanina ko pa kasi hinihintay si Chance pero hindi ko siya makita sa loob ng classroom nila. Nandon naman ang mga kaibigan niya kaya bakit wala siya? “Classmate mo ba si Chance?”Nabuhayan ako dahil sa pagtango niya. “Alam mo ba kung saan siya nagpunta?” Nakita ko ang pag-usbong ng pagtataka sa mukha niya. “Ikaw po ba ang ate niya?” Tumango ako. “Hindi po siya pumasok.” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Ano?” “Hindi po siya pumasok buong mag-hapon.” Napaawang ang labi ko dahil hindi maiproseso ng utak ko ang nalaman ko ngayon lang. Bakit naman siya hindi papasok eh nakita ko lang siya kaninang umaga na naka-uniporme at sumakay ng tricycle. Saan naman siya pupunta kung hindi sa eskwelahan hindi ba? “Sigurado ka ba?” tanong ko muli. “Madalas po siyang hindi pumasok.” Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil doo
Chance’s POV Sabi ko noon ay pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya kapag nasa tamang edad at kaya ko na. Pero hindi na ata mangyayari iyon. Nasira na ang imahe ng pagmamahal sa paningin ko dahil sa nangyari sa pamilya namin. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na masisira ang tila napakasaya at mapagmahal na pamilya namin? Hindi lang isa ang nagloko kundi dalawa. Silang dalawa at halos nagsabay pa. Wala na atang mas masakit pa kaysa sa makita ang pamilya mong masisira na. Noong gabi na tuluyang umalis si papa mula sa amin, tila isang parte mula sa pagkatao ko ang nawala at namatay. Masakit para sa akin na nandon ako at pinapanood lang ang mga pangyayari dahil wala akong magawa. Pamilya ang kahinaan ko sa lahat kaya bakit ito pa ang nangyari? Mas matatanggap ko na lang na lagi silang mag-away ngunit hindi totoo ang mga hinala nila kaysa iyong ginawa nila na umastang parang mahal na mahal ang isa’t-isa pero nagloloko pala. Hindi na tulad ng dati ang bahay na kinaroroonan ko. Hi
Leana’s POV Sa eskwelahan ay medyo okay naman ang pakiramdam ko. Hindi tulad kapag nasa bahay ako na para bang namamanhid ang dibdib ko. Nakakangiti pa naman ako kapag pumapasok. Dahil ba kasama ko si Nico? Dahil ba kapag kasama ko siya ay nadi-distract ako mula sa sakit na nararamdaman ko? Nakaka-guilty. Bakit sa bahay na nandoon ang kapatid ko ay hindi ako makaramdam ng saya? Hindi pwede iyong ganito. Kailangan kong samahan ang kapatid ko. Tsaka ano pa bang silbi ng pagpasok ko? Ayaw ko naman ang strand na pinasukan ko. Ayoko naman ‘yung kursong kukunin ko. Tsaka hindi ko pa alam kung makakapag-aral pa ba ako sa kolehiyo dahil mag-isa na lang si mama na nagtataguyod sa aming magkapatid. Baka ibigay ko na lang sa kapatid ko ang tyansa na makapag-aral. Tutal, unti-unti naman nang nawawala ang mga pangarap ko. Para silang nawawala ng parang bula. Isang bagay na hindi ko kailanman naisip na mangyayari sa akin. Nawawalan ako ng pangarap. Kilala ko ang sarili ko. Alam ko na ako ‘yung
Leana’s POV Pinanood namin kung paano halos umusok ang ilong at tenga ni mama dahil sa galit. Nakakatawa lang na sabay pa siyang tinawag ng mga advisers namin para kausapin kung ano ang dahilan kung bakit hindi kami pumapasok. Alam kong hindi siya makapaniwala dahil hindi naman kami kailanman naging ganito. Lalo na si Chance na halos ilang linggo na hindi pumasok. Pumapasok pa naman ako. Tatlo o dalawang beses nga lang sa isang linggo. Hindi ko na nga alam kung ano pa ang silbi ng pagpasok ko sa mga araw na iyon dahil wala rin naman akong natututunan. Hirap na hirap na akong humabol sa mga lectures nila kaya wala akong maintindihan. At kung wala akong maintindihan, sasama lang ang loob ko at mas pipiliing tumulala sa teacher kahit pa hindi naman talaga ako nakikinig. Nakaka guilty na rin dahil ginagawa lahat ni Nico para bumalik ulit ang motivation ko para mag-aral. Pinapahiram niya sa akin ang notes niya at minsan pang sinabi na willing niya akong samahan mag-aral kung gusto ko ng