Share

Chapter 59

Leana’s POV

“Ano po iyon ate?”

Napalingon ako sa isang estudyante na lumapit sa akin at tinanong ako dahil marahil sa kanina ko pang pagsilip sa classroom nila. Kanina ko pa kasi hinihintay si Chance pero hindi ko siya makita sa loob ng classroom nila. Nandon naman ang mga kaibigan niya kaya bakit wala siya?

“Classmate mo ba si Chance?”

Nabuhayan ako dahil sa pagtango niya.

“Alam mo ba kung saan siya nagpunta?”

Nakita ko ang pag-usbong ng pagtataka sa mukha niya.

“Ikaw po ba ang ate niya?”

Tumango ako.

“Hindi po siya pumasok.”

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

“Ano?”

“Hindi po siya pumasok buong mag-hapon.”

Napaawang ang labi ko dahil hindi maiproseso ng utak ko ang nalaman ko ngayon lang.

Bakit naman siya hindi papasok eh nakita ko lang siya kaninang umaga na naka-uniporme at sumakay ng tricycle. Saan naman siya pupunta kung hindi sa eskwelahan hindi ba?

“Sigurado ka ba?” tanong ko muli.

“Madalas po siyang hindi pumasok.”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil doo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status