Share

Chapter 35

Anika's POV

SA HALIP na gawin ang inuutos ko, hindi ako pinakinggan ni Daryl at lalong pinaharurot palayo ang kotse niya.

"Itigil mo sabi itong sasakyan, bababa ako!"

Kulang na lang ay kumulo ang dugo ko nang makitang diretso lang ang tingin niya at mukhang wala talagang balak huminto.

"Bingi ka ba o sadyang hindi ka lang makaintindi ng Tagalog? Itigil mo ito!"

"Why would I? You're not the boss of me."

Mariin akong nagkagat ng labi sa narinig. Talagang sinusubukan ng taong ito ang pasensya ko. Well, pasensya siya kung makakapagsalita na naman ako nang masama!

"Why would you? Nagtatanong ka pa?"

"Anong gusto mong mangyari? Mag-isa ko lang na magdusa sa kasal na ipinagpilitan mo?"

"Excuse me, Daryl Altagrasia! Wala sa plano ko ang magpakasal sa iyo."

"Ah, talaga?" Tumawa siya. Iyong tawang nang-iinis. "Kaya pala nagmamakaawa kang iwan ko ang lahat at sumama sa iyo."

"At sa tingin mo, totoo ang lahat ng iyon?"

Natigilan siya at napatingin sa akin dahil sa sinabi ko. Kung hindi lang siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Junie
Sa totoo lng, sana hindi tlga buntis si anika kasi sobrang pangit tignan na ung tatay ng anak mo is naka affair ang nanay mo.. ung tatay at lola ng anak mo may relasyon.. kya ewan ko na lng sa author nito pano nya ireredeem un character ni daryl.. hnd na tlga ideal maging endgame
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status