ATHENA’S POV NAPAATRAS ako nang humakbang si Lester palapit sa akin. Ayokong lumapit siya sa akin dahil baka hindi ko mapigilan ang galit ko. May mga customer pa naman kami ng mga sandaling iyon. Saglit siyang sumulyap kay Kim bago tumingin sa akin at ngumiti. Pero iba ang hatid sa akin nang ngiting iyon. Ngiting aso na hindi ko makayang tingnan. Sinapo ko ang ulo mayamaya dahil sa kirot. Gaya nang kirot nang umamin sa akin si Graeson. “A-Athena?” untag sa akin ni Kim. Saglit lang iyon nawala at muling sumakit. Hanggang sa nag-flashback sa aking isipan ang nangyari sa pagitan namin ni Lester after ng summon namin sa korte. Kakapanganak ko lang noon. *** “Akala mo ba makakalaya ka na talaga sa akin? Hindi, Athena. Marami akong hawak na ikakasira mo– ninyo ng kabit mo na ‘yon.” Hinila niya bigla ang aking buhok. “B-bitawan mo ang buhok ko, Lester,” pakiusap ko sa kanya. “Bibitawan kita kapag nagawa ko na ang gusto kong gawin sa ‘yo.” Lalong humigpit ang paghawak niya sa aking bu
ATHENA’S POV “HEY, hinahanap ka na ni Ayden.” Biglang lumabas si Kim sa pintuan. “H-huh? S-sige.” Bahagya akong ngumiti sa kanya. Tumingin ako kay Prince at ngumiti. Pero nang tumingin ako kay Chamae ay nakasimangot siya kaya hindi ko na tinanggal ang ngiti. Hindi siguro akalain ni Chamae na magkakilala kami ni Prince. Pero nang maalala ang tanong sa sarili kung sino nga ba ang ina ni Prince ay natigilan ako. Si Chamae nga ba? Dinama ko ang dibdib ko sa isiping iyon. So… talagang may nangyari sa kanila noon? Nagsinungaling talaga sa akin si Graeson nang tanungin ko. Hindi pala talaga siya mapagkakatiwalaan. Nawala sa isipan ko si Graeson dahil sa children’s party. Nalibang ako sa mga palaro at ibang trip ng mga clown. Kahit sa mga kwento rin ni Kim na nasa tabi ko. Pero nang lumabas kami sa restaurant na iyon, napatingin ako sa restaurant na pinasukan kanina ni Graeson. Obvious na kasama niya si Chamae at Prince. “Mama, ang saya-saya ko po!” untag sa akin ni Ayden sabay hawak s
ATHENA’S POV BAKAS pa rin ang kaligayahan sa mukha ni Ayden hanggang sa makauwi kami galing Bulacan. Walang ahuhan talaga sa tubig ang mga bata. Kaya naman pagod na pagod ako. Minsan nga, humahalili sa akin si Fiona sa pagbantay kay Ayden, since kasama ang anak niya. Invited din kasi ang dalawang kasama ko sa karinderya at ang pamilya nila. Para naman masaya. "Thank you, Mama! I love you." "Basta para sa 'yo, anak, lahat gagawin ko." Ngumiti pa ako kay Ayden. "The best Mama ka po talaga!" May pa-thumbs up pa siya sa akin kaya napangiti ako. "Tapos sa Sabado rin po, sa tingin ko po, sasaya din ako dahil makikita ko si Papa. Sabi ni Granny." Ngiti lang ang binigay ko sa kanya. Ilang araw na lang kaya iyon. Kung siya, excited. Ako, kinakabahan. Hindi ko alam talaga ang gagawin. At dahil wala akong maisusuot na damit para sa dinner na iyon, nagpasya akong pumunta ng mall kinabukasan. Marami na si Ayden kaya hindi ko na sinama. Isang simpleng bestida lang ang binili ko. Hindi nam
ATHENA’S POV "MAMA, bilis! Nasa labas na po ang sundo natin!" "Ang aga naman," komento ko habang nasa loob ng silid namin. Kukuha lang ako ng towel ko na dadalhin sa banyo. Basang-basa na kasi ang isa na ginamit ni Ayden kanina Pasado alas tres pa lang kaya ng hapon. "Ayden!" sigaw ni Ate Chona nang makitang tumalon ang anak mula sa upuan. "Hindi naman po ako nasaktan, Mommy Chona!" "Kahit na. Delikado. Paano kung nasaktan ka?" "Sorry na po." Yumuko si Ayden habang nakaharap sa kapatid Umiling ang kapatid at inayos ang damit ni Ayden. Napangiti ako sa kanila. Iginiya ko na ang aking sarili sa banyo. "Magsuot ka na ng sapatos habang naliligo na ang Mama mo," dinig kong sabi ni Ate. Nandito siya kasi magpapatulong ako sa buhok ko at kolorete ko sw mukha. Pangit naman kung hindi ako mag-aayos. Mukhang darating ang mga kapatid ni Grae. Ayoko namang maging kahiya-hiya sa harap nila. Akmang papasok ako sa banyo nang marinig ang pagsigaw sa labas. Sumilip ako. Nasa baba ako noo
ATHENA’S POVPILIT na inignora ko ang nararamdaman kong galit ng mga sandaling iyon. Lumapit ako kay Graeson na noo'y huminto din nang makita ako."H-hon, anong ginagawa mo dito?" nauutal na tanong ni Grae sa akin nang makalapit ako."Actually, sinadya kitang puntahan dahil sa Mommy mo. Gusto ka niyang umuwi ngayon din dahil nami-miss ka na niya— ng pamilya mo. Kaya sana umuwi ka naman sa kanila kahit na saglit." Akmang tatalikod ako nang may nakalimutan akong sabihin. "Kasama nila ngayon si Ayden, pero susunduin ko na."Tumalikod na ako kaagad. Ni hindi ko nagawang ngumiti kay Prince nang kawayan niya ako.Hindi ko hahayaang makita ni Ayden ang babaeng kasama ng ama niya. Wala akong choice kung hindi ang ilayo na sa kanya ang anak namin. "Pupunta kami ni Graeson sa bahay nila kasama si Prince. Hindi ka ba naimbitahan?" Natigilan ako sa sinabi ni Chamae. Nilingon ko siya. Nilagyan ko rin nang matamis na ngiti."Inimbitahan ako ni Ma'am Grazie. Maaga niya nga kami pinasundo, e, wala
GRAESON’S POV “I WANT YOU out of my life now!” sigaw ko kay Chamae nang dahilhin siya sa likod na bahaging iyon ng ospital. “As if kaya mo akong mawala sa landas mo, Graeson.” Ngumiti pa si Chamae noon kaya nanggigil ako. “Wala sa usapan natin ang saktan si Athena o kahit sa pamilya ko. Kaya lumagpas ka na. Kaya makakaalis ka na sa buhay ko habang may awa pa akong natitira sa 'yo!” may diing sabi ko sa kanya. "Pero oras na may mangyari kay Athena, pasensyahan na lang tayo, Chamae." “Sige, aalis ako, Grae. Pero hindi mo na makikita ang audio na sinasabi sa ‘yo ni Lester. Ako mismo ang maglalabas niyon sa publiko kahit na ang video na ginamit ni Athena nang gabing iyon sa sapa.” “Fvck you!” sigaw ko sa kanya sabay kuyom ng dalawa kong kamao. Hindi naman si Chamae ang nakatalik ko noon sa bahay na iyon malapit sa barangay hall kung hindi si Athena. Natuklasan ko nang magsarili akong imbestiga. Ang problema ko nga lang, may hawak na bagay si Lester. Iyon ay ang audio noong unang ga
ATHENA’S POV“TAMA na ang pagpapahirap sa sarili mo, Athena. Kung ganito man lang lagi. Mas mabuti pang–”“Tama na po, ‘Tay. Please?” Pigil ko kay Tatay. Nakakahiya sa mga Santillan.“I-I’m sorry po.” Tumingin sa akin si Grae. “I–inaamin kong marami akong naging kasalanan kay Athena. P-pero hindi ko naman po iyon ginusto at mas lalong hindi ko po sinasadya. May mga bagay lang po talaga na hindi namin napag-usapan kaya po umabot sa puntong ito.” Sa ama ko naman siya nakatingin. “S-sinubukan ko pong magpaliwanag sa kanya pero hindi pa po handa si Athena. Alam kong huli na, pero kung bibigyan lang po ako ng pagkakataon ng anak niyo na kausapin siya– na pag-usapan ang lahat, maipapaliwanag ko po ang lahat,”“G-Grae…” Sumingit na rin ang Ginang dahil sa tensyon sa loob ng aking silid. Parang gusto kong lumubog na lang sa kinauupuan kong hospital bed. Nasa loob ng silid ko ang magulang ni Grae, maging ang mga kapatid at asawa ng mga ito. Ako ang nahihiya dahil sa nasimulan ni Tatay. Mas g
ATHENA’S POV “IBIG sabihin, ngayon lang niya nai-report sa ‘yo ang mga nangyari sa hearing noon?” tanong niya kay Graeson. Kakalabas lang ni Attorney Lorenzo noon. Hindi na ako nakinig sa usapan ng mga ito dahil kay Prince at Ayden na naliligo sa may pool. Tapos sabay ding natapos ang mga bata magbihis nang matapos sila sa pag-uusap kaya wala na akong naabutan. “Yeah, hon. Lahat-lahat. Ang bilin ko kasi sa kanya, ipapatawag ko na lang siya kapag handa na ako. Eh, ngayon lang ako tumawag, kaya ngayon lang siya nagpakita sa akin.” “Oh. Ang tagal, a.” Ngumiti si Graeson sa akin pero sumeryoso din kapagkuwan. “Anyway, bakit hindi mo sinabi sa akin ang ginawa sa ‘yo ni Lester sa ‘yo sa banyo?” Madilim na ang mukha niya ng mga sandaling iyon. “G-Grae…” “Why?” “Dahil ngayon ko lang din naalala. Hindi lang mukha mo ang nakalimutan ko kung hindi ang pangyayaring iyon. Ang alam lang ng mga kapatid ko nahimatay lang ako.” “Patong-patong na talaga ang kasalanan niya sa akin! Kaya dapat ma