Share

Chapter 56

Mabilis na lumipas ang isang linggo pero wala pa ring pagbabago sa sitwasyon ni Arc. Pinayagan na ako ng doktor na ma-discharge noong ikatlong araw ko dito sa ospital. Kaya naman nakakapasok na rin ako sa kwarto ni Arc.

Sa loob ng pitong araw niyang pagtulog, ni minsan hindi ako umalis sa tabi niya.

Palagi ko siyang kinakausap at hinihintay na sumagot siya. Ako rin ang nagpupunas sa katawan niya. Tuwing ikalawang araw naman, inaahitan ko siya para hindi humaba ang mga facial hairs niya. Si Arc kasi, mahilig siyang mag-ahit. Alam niyang mabilis mairita ang balat ko sa bigote o balbas niya.

Isang linggo na. At sobrang sakit pa rin. Walang araw na hindi ako umiyak. Gabi-gabi akong hindi makatulog. Umaasa kasi ako na gigising siya bigla. Gusto ko...kapag nagising siya, ako ang una niyang makikita.

“Arc, gumising ka na, please. Idilat mo na ‘yang mga mata mo. Miss na miss na kita. Durog na durog na ang puso ko sa bawat araw na hindi ka gumigising. ‘Di ba ayaw mo akong umiiyak? Kaya gumisi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status