Share

Chapter 57

“I told you already, you shouldn't force him to remember. Sa ginagawa ninyo, mas lalo siyang mahihirapang maka-recover. You should all work together to help him.”

Paulit-ulit tumatakbo sa isip ko ang bilin ng doktor. Alam kong mali ako. Hindi ko dapat ipinilit na maalala niya ako. Naubusan lang talaga ako ng pasensya kahapon.

Hindi ko kasi matanggap na nakalimutan niya ako. Sobrang sakit.

Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Sinamahan ako ni mama dito sa condo dahil nag-aalala raw siya sa akin.

“Lian, wala ka bang lakad ngayong araw?” tanong ni mama.

Umiling ako. “Wala po.”

“Hindi mo ba...dadalawin si Arc?”

Hindi ako kumibo. Galit siya sa akin kahapon pa lang. Kaya alam kong ayaw niya akong makita. At para saan pa? Hindi naman niya ako maaalala. Baka ako pa ang maging dahilan kung bakit tuluyang mabura ang alaala niya.

“P’wede mo naman siyang dalawin. Pero iwasan lang nating ma-stress ang isip niya,” sabi pa ni mama.

Bumuntonghininga ako. Alam kong kukuliti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status