Share

TTPCIAM; Chapter 3

AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA

HINDI NAGTAGAL PINATAWAG NA AKO ni Sir Clinton kaya naman umakyat na ako sa ikalawang palapag diretso sa opisina nito.

"Salamat po, manang.." pasasalamat ko at umalis na ito.

Kumatok naman at hinintay itong sumagot. "Come in.." utos nito kaya binuksan ko na ang pinto.

Bumungad sa akin ang mukha ng Fiance ni Sir. Clinton na hinayaan ko na lang. Yumuko ako bilang paggalang sa amo ko. "Nabasa mo na siguro ang laman ng kontrata at mga hindi mo pwedeng gawin diba?" tanong nito agad.

"Yes sir, wala naman akong plano na ala Cinderella story dito sa bahay mo at ang kontrata ko lang naman ay isang taon.." pag sagot ko dito.

Tiningnan ako nito ng matalim kaya ngumisi ako. "Yung nangyari sa bar kagabe hangga't maaari ayoko na malalagay ka sa mga ganung gulo. Mas lalo nag ta-trabaho ka sa pamamahay ko.." utos na naman nito

"Bakit Sir? Labas na kayo doon at kahit kailan hindi ko naman sinasabi sa mga kaaway ko ang tungkol sa personal na bagay. Sino bang tangang gagawa nun?" tanong ko dito at tanong ko sa hangin.

"Lahat ng ginagawa ng tauhan namin ay kailangan namin pakialamanan dahil din ay dito kayo nakatira.. " pag mamatigas nito

Ngumisi ako at bago pa ako mag salita nag salita yung si Ma'am Britney. "Babe, parusahan mo siya hindi man lang galangin ang rules ng pamilya niyo.." sulsol nito sa Fiancé niya.

Sa isang banda sumagi din sa isip ko ang tanong kung sino ba ang pamilya Clemenza? Sa tunog kasi ng babaeng ito parang sila ang ruler of the family.

"Do me a favor hmm? Will you shut up?" tanong ni Sir Clinton sa fiance niya.

Gusto ko tumawa ng mawala ang ngiti ng babae, mukha ang relasyon ng dalawang ito ay for business lang. Another nakaka-awa babae na naman ang iiyak dahil sa walang katapusang pangingialam ng mga magulang..

"Pasensya kana sir, pero sa personal kong gawain hindi ko hahayaan na pati yun ay pakialamanan niyo na rin. Kung ano man ang gulo na pinasok ko o papasukin ko, that's mine. Wala sa kontrata na ito ang sinasabi niyo.." pag laban ko at binagsak ko ang folder sa mesa nito.

"Baduy din ang rules mo sir. Daig mo pa nasa high school, kasi gangster na gangster ang kalalabasan nito. Sir, ipapaalala ko po sa inyo na Chef ako hindi ako katulong at hindi ako alalay mo at hindi rin ako taga gawa ng paperwork mo para mag ka gusto ako sayo.. " taas noo kong paliwanag dito.

Napa nganga naman ang babae na Fiance nito sa gulat. " Pinirmahan ko na ito Sir, sa sahod okay ako dun makatarungan naman para maka buhay ako ng pamilya at alaga kong pusa at aso.. " sagot ko at inikot ko ang folder para maka harap ito dahil baliktad ang pagka lagay ko.

"How dare you na bastusin ang Fiancé ko? Sino ka para gawin yan? Isa ka lang maruming babae!" sigaw ni Ma'am Britney.

Tiningnan ko naman ang sarili ko bago mag salita. "Marumi? Ma'am, bago ako dumating dito naligo ako hindi naman ako naputikan. Pinagsasabi niyo?" tanong ko dito.

Nakita ko na pinirmahan na si Sir Clinton at kinuha nito ang papel kung saan nakalagay ang mga condition niya. Inabot sa akin nito ang manipis na tingin ko ay journal. "Rules and Regulations ng mansion. Kabisaduhin mo.." utos nito.

"And you may go.. " utos nito kaya naman kinuha ko ang copy ng kontrata at lumabas na ako

" Bakit mo hinayaan na bastusin ka ng babaeng yun?! " narinig kong tanong ni Britney.

"Pwede ba huwag kang mangialam pa?! Hindi ka naman naka tulong.. " huling narinig ko at sinara ko na ang pinto.

Bumaba na ako habang hawak ko ang folder at ang mga list ng rules sa mansion na ito. "Nay? Can you give me a sample of menu ni Sir. Clinton? I just want to see and read pati mga bawal gusto ng pamilya nito para hindi na ako mangapa?" habang wika ko habang naglalakad ako patungo sa kitchen para kumuha ng tubig na malamig.

"Mabuti at napa alaala mo, kagabe pa ito naka handa. Ito kabisaduhin mo yan ha?" sagot ni nanay. Tumango ako at binasa ko muna ito habang umiinom ako.

Doon ko napansin na mas mahilig sila sa meat and fish. Sa rice they want brown rice, "So kumakain naman pala sila ng kanin?" tanong ko at nilipat ko ng pahina ang list na ito.

"Oo pero hindi ganun karami o lagi, ayaw kasi nila ang tumataba sila. Mas lalo ang anak na dalawang babae ng mga Clemenza.." sagot ni nanay sa akin.

"Akala ko ba nag iisa lang siya?" tanong ko at binasa ko muli ito.

"Oo, adopted ang dalawang babae." sagot ni Nanay Merlita.

"Merlita po ang pangalan niyo diba? Asan na po pala yung babaeng nag asikaso po sa amin kahapon?" tanong ko dito.

"Sa mag asawang Clemenza ito naglilingkod ito lang ang namuno kahapon.. oo hija ikaw ano ba itatawag ko sayo?" tanong nito.

Ngumiti ako at humarap dito. " Savvy na lang po. " pakilala ko.

Bago pa ito makapag salita biglang nag flash sa tv ang isang report na nagpa gulat sa akin.

"Pitong babae ang patay, nakita sila sa isang bakanteng lote nakatali ang mga kamay at naka duck tape ang bibig at may mga blindfold ang mga bata. Maraming natamo na gunshot, matapos patayin iniwan na lang ito.. " pagbabalita ng babaeng reporter

"Kinilala naman ang mga biktima na mga Chef's ng malalaking restaurant at kumpanya ng bansa. Hanggang ngayon nanatili pa rin palaisipan kung sino ang may gawa nito.. " dagdag ng reporter.

Nang ipakita ang mga mukha nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang mga babae. "Sila yung kahapon diba?!" gulat na tanong ko nang lumingon ako kay Nanay.

Umalis na ito at parang walang nakita o narinig. Bago pa ako maka alis narinig kong nag salita si Sir. Clinton sa taas. "Patayin niyo ang tv! Wala kayong karapatan para manood hangga't oras ng trabaho! " dumagundong ang barito nitong boses sa buong mansion.

Kaya napa tingin ako ng masama dito, "Kung ako ikaw? Babawiin ko ang tingin na yan sa akin.." makahulugan na babala ni Sir Clinton sa akin.

Binawi ako ang tingin ko at nakita kong naka ngisi ang babaeng kasama niya. Umalis na ako at nag tungo sa kwarto ko upang mag palit ng t-shirt na puti, inipit ko ang buhok ko ng maayos. Nag suot na lang ako ng apron at lumabas.

Kung ganun namatay bigla mga yun? Hindi nagkataon yun, imposible para sa sabay sabay? Hindi ako tanga kriminal din ako alam ko na hindi yun nagkataon.

Lumabas ako muli at nag handa na ako para sa kakainin nila ng tanghalian, nakita ko ang nakasulat sa ref kung anong gusto nila, simple lang naman kung tutuusin.

Lemon Garlic Butter Scallops lang and rice, hinanda ko na ang fresh ingredients na kailangan ko. Kumuha din ako ng scallops sa isang tank nila dito kung saan bumibili sila ng fresh at ilalagay dito upang manatiling fresh.

Para itong fish tank, may mga lobster din silang buhay pa na nakalagay. Importante sa Lobster na buhay pa dahil kapag ito ay namatay na hindi na ito pwede lutuin o kainin man lang.

Nag umpisa na ako mag luto hanggang naramdaman ko na may taong parating. Bukod din ang kusina kung saan ako mag luluto o ang nakuha nilang chefs.

"Nakita mo ba ang nangyari sa mga babaeng yun? Ganun mangyayari sayo kapag hindi ka sumunod.." wika ng Fiancé ni Sir Clinton.

Nilingon ko ito at binigyan ko ito napag larong ngiti. "I would love to see that happen.." sagot ko at binalik ko ang seryoso kong mukha at nag focus mag luto.

"Maraming natatakot sa pamilyang ito. Dahil makapangyarihan sila, ikaw ano ba ang meron ka? Akala mo ba kaya mo sila? You're just a chef katulad ka din ng ibang mababang katulong nag kakasya sa pinapasahod ng amo! You're just a dog.." pang iinsulto nito

Kinuha ko ang kitchen knife at hinagis ko ito sa ere at kinuha ko ang parsley. Nakatingin ako dito ng saluhin ng kaliwa kong kamay ang handle ng kutsilyo.

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo, una dahil hindi ikaw nagpapasahod sa akin. Isa ka lang babae na ang hihintay ang rasyon ng pera galing sa mayaman mong magulang. Ano bang kaya mo? Umarte? Mag paganda? Mag hintay ng ibibigay sayo? Mas nakaka awa ang ganun laki mo ng tao pero sa magulang ka parin umaasa.. " putol ko at nginisian ko ito.

Nakita ko ang galit at pagka pahiya sa mata nito. " Uulitin ako, I don't give a damn on you Miss Britney pero wag mo ako subukan baka makalimutan ko na tao ka pala.. " pag babanta ko at nag luto na ako ng maayos..

" I will make your life a living hell here! Sa oras na ikasal ako kay Clinton! " parang bata nitong banta.

Natawa na ako at nag salita.." Gusto mo ako na mag kasal sinyo? Para valid na ang lahat at mapabilis ang proseso? " hamon ko dito.

“Mukhang yun lang kasi kaya mong gawin, at ibala sakin ang ikasal ka at ang maging reyna dito. Kung ganun? Magsisimula na akong maawa sayo..” pang iinsulto ko pa lalo dito.

Nag damog ito paalis ng kusina. Natawa lang ako at umiling kumuha na ako ng plate at kung ilan silang kakain, nag prepare an na ako sa mga plato.

" Nay? Paki kuha na po ang mga ito.. " pakiusap ko.

" Sige, kami na ang bahala d'yan.. " narinig kong sagot ni Nanay,

Nang makuha nila lahat saka naman ako sumunod upang makita ang pagkain kung maayos itong nailagay sa mesa ng maayos. Sa rice si Nanay na ang gumawa nito ang importante kasi sa main course nila.

Kapag lunch they don't eat sweets unless sa dinner, kaya wala akong hinandang dessert nila. Nang maayos na ang lahat pumasok na si Sir Clinton ang fiancee niya at ang dalawang lalaki pa. Tingin ko barbaka ito ng amo ko, pamilyar sila kung tama ako sila yung kagabi.

Gumilid ako at nag paalam akong lalabas, ayoko tumayo doon habang kumakain sila. Pag hawak ko sa doorknob biglang nag salita si Sir Clinton.

"Umupo ka dito at kumain ka. Chef Corpuz.. " wika nito

Umiling ako at humarap muli. " Sorry sir, hindi yan pwede wala sa pinag aralan namin. Pasensya na.. " yumuko ako at humingi ng pasensya.

Napa angat ang ulo ko sa gulat ng bigla nitong ibagsak ang hawak nitong knife and fork. " Uulitin ko pa ba ang sinabi ko?!" pag tataas ng boses nito.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa nito. " Kung ako sayo? Uupo na ako.." napa tingin ako sa lalaki na naka ngisi pa ito at tinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya.

"Umupo kama Chef Savvy.." utos ni nanay at hinila na ako nito at pinaupo.

Nabato ako sa ginawa ni Sir Clinton kaya nag padala na lang din ako. "Satisfied!" wika nito. Huminga muna ako ng malalim at kumain ako ng konti lang.

"Sarap nito lahat!" wika ng lalaking katabi ko. Hindi ko ito pinansin at nang matapos ako uminom ako ng tubig.

"I'm done, thank you.." pasasalamat ko at tumayo na ako. Lumabas ako ng dining nila at huminga ng malalim.

Nag tungo ako sa likod at hinawakan ko ang ulo, gusto ko manapak sa totoo lang, "What’s the wrong with that man? He's fucking crazy dick head! " inis na wika ko at umupo lang ako sa step o hagdan sa likod ng bahay.

Nakatingin ako sa may pool nila. " Kung nagtataka bakit ganun si Clinton. Masanay kana, he can take no for answer.. " napa lingon ako at nakita ko yung lalaki.

"I know too, na kaya mo siya suntukin anytime.. " naka ngisi ito at umupo ito sa likod.

" Baliw lang kaibigan mo.." sagot ko at inalis ko ang ipit sa buhok ko dahil delikado ang tattoo ko na makita nito.

Nasa batok ko kasi ito nakalagay. "Pagpasensyahan mo na lang, I'm Steve Morgan." pakilala nito at nilahad nito ang kamay niya.

Tumayo ako at pinunasan ko ang kamay ko. "Ciara Savannah Corpuz.. Savvy na lang.." pakilala ko at nakipag kamay ako dito.

"Nice name.. but i feel na hindi yan pangalan mo medyo nakikita ko sa mga mata mo at paano mo ito bigkasin.. " ngumiti ito na kina angat ng isang kilay ko.

"Nah, pagod lang ako.." maikli kong sagot. Binitawan ko na ang kamay nito nakita ko pa ito na ngumisi.

Mukhang hindi biro ang mga taong nasa paligid ko ngayon. Nagkibit balikat ito at nag salita. "Okay, as you said.." hindi naalis ang mapag laro na ngisi nito.

I know may hindi tama sa lalaking ito..

-

AUTHOR’S NOTE:

Hi po. Nag babalik na naman po ako! Sana po basahin niyo po at suportahan niyo din po ang kwento ni Ava. Salamat po!!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status