(AMUSED)
NANG makauwi kami ni Fiandro sa bahay ay pareho kaming walang imik sa isa't-isa. Nagsimula iyon noong pinaalam niya ako kay Kurt na i-uuwi niya ako para i-ayos ang konting problema sa dinisenyo kong gyproc ceiling.Hindi lang rin iyon ang aasikasuhin ko. Pati na ang mga nakulangang materyales at pag-update sa mga pagawaan ng furnitures."Mag-bihis ka na muna bago tayo aalis ulit." utos niya ng tanggalin ang coat nito at nilapag sa mesa."Saan tayo pupunta?" kuryoso ko naman."Pupuntahan natin iyong mga pinag-pagawaan mo ng mga furnitures. At irerequest natin na madaliin na nila." sagot niya ng tinutupi ang sleeve ng puting polo hanggang siko.I gulped as I saw his visible veins. Tina, calm your inner you! Ugat lang 'yan! Wag kang tumameme diyan!"P-Pero imposible iyang sinasabi mo. Hiniling ko na din iyan sakanila bago pa nila gawin 'yon. Noong huling update ko sakanila sa sofa eh ang sabi gagawin pa lang. Tapos(CELEBRATION WITH A TWIST)ILANG araw ang lumipas ng sa wakas ay natapos na ang aming proyekto. Hindi ko lubos maisip na magagawa namin iyon bago mag-isang linggo. All of us were so happy because all of our efforts and sleepless nights are worth it.Tumili si Harley ng buksan ni Albert ang champagne wine tsaka kinukog sa ere. Nabasa kami ng konti sa talsik non.Dali-daling kinuha ang mga champagne glass at isa-isang ibinigay samin. "Let's celebrate for our successful project!" diwang niya ng itaas ang kopita sa ere at binangga ang aming kopita para mag-toast.Ininom namin ang wine. Ako lang ata sa amin na narito sa office ang pumait ang itsura dahil sa lasa. Ang tapang naman nito!Binaba ko ang kopita ko sa aking table, di pa rin nawawala ang pait sa aking mukha at naghanap ng makakain para matanggal ang lasa na nanuot sa aking dila.Kinuha ko ang barbecue na nasa hiwalay na mesa. Nang makain iyon ay sumarap na ang panlasa ko at nawala ang pait ng alak.Mahina akong binangga ni Harley
(DECISION)AFTER that epic night, the next day I became the headline. What happend last night it spreads like a wildfire. Lahat ng aking nadadaanan ay di pinapalagpas na di ako matitigan. Minsan pa nga eh may naririnig na bulungan.Ineexpect ko na ganito ang mangyayari. I won't blame them for looking at me with curiosity because of Kurt's confession. Kailangan makagawa ako ng paraan para makausap ko ng maayos si Kurt. So this should be settled properly.Pagkatapos kasi ng speech niya kagabi, di na siya bumalik sa amin. Basta nalang umalis ng walang pa-abiso. Kaya hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya o gumagawa ng way para asarin si Fiandro.Speaking of him, nang matapos ang party di na kami nagka-usap ni Fiandro. Pagka-uwi sa bahay ay hindi nako iniimikan para pang iniiwasan ako. Baka nag-iisip 'yon ng kung ano-ano.Pag-pihit ko sa pinto ng cubicle office lahat sila ay umikot ang kanilang ulo sa akin. Nalunok ako sa mga titig nila. Dinumog ko ang aking ulo para iwasan ang
(THE BOOK OF REVELATION)"BAKIT ganoon nalang palagi ang trato mo sa kanya? Lagi mo na lang ini-insulto o bwinibwisit. Wala namang ginagawa iyong tao sayo ah." sambit ko sa iritableng tono.He turned to me properly and tilt his head a little bit. His facial expression was formal, but cold eyes were visible."Pake ko?" he said coldly. He even rolled his eys before turning his back at me and went inside the house.Uminit ang aking tainga sa sinagot niya. Aba! Bastos!Sumunod akong pumasok sa loob. Sinundan kung saan siya pupunta.Umupo si Fiandro sa sofa at pinag-krus ang binti sabay kuha ng magazine na nasa mesa non. Nilapitan ko siya at tinitigan ng di maganda."Ano bang problema mo kay Kurt? Lagi ka nalang ganyan sa pinsan mo. Di ko alam kung anong gusto mong mangyari." asik ko rito.Kalmado lang ang itsura niya. Nakaka-bilib at nagagawa pang ipakita sakin ang ganoong mukha, habang may naiinis na sakanya.Ang tagal kong nakatayo sa tabi niya, hinihintay na sumagot sa aking hinaing. N
(CANCELLED)PAGHATID ng driber sakin pauwi sa bahay ni Fiandro ay agad akong naghanda ng mga gamit na aabot hanggang tatlong araw.Sinigurado ko munang naka-alis na sina manang Linda at Pipay para di mapansin ang aking binabalak na pag-alis.Dapat ay di ako maabutan ni Fiandro dahil pag nangyari iyon ay malilintikan ako.Di nako magkanda-ugaga sa kwarto. Kanan-kaliwang naglalakad at nag-iisip ng kung ano-ano sa nalaman. I need to move now. I can't waste any time here. Sana makaalis na sila agad.Lumabas ulit ako ng kwarto. Kunwari'y kukuha ng maiinom sa kusina na ang totoo ay para makita sila manang at Pipay na aalis na talaga."Hija, aalis na kami. Iwan ka na namin dito ha?" paalam ni manang Linda. Lumuwag ang aking pakiramdam nang sa wakas ay aalis na sila."Sige po maam, tuloy na kami." si Pipay bago lumabas ng pinto.Sinamahan ko pa sila sa labas para siguraduhing makasakay na sa van na naghihintay sa kanila. Nakita ko ang pagpasok ng dalawa sa loob ng van at ng makaalis na doon a
(FOLLOW)DALAWANG araw akong nanatili sa bahay bago tuluyang gumaling si Fiandro sa sakit. Sa dalawang araw na iyon ay hindi ako pumasok ng school o trabaho. Talagang tinutukan ko siya hanggang sa gumaling.Nagpupumilit pa noon si manang Linda sakin na siya nalang ang magbabantay ngunit hindi ako sumang-ayon. Kahit si Fiandro sinabihan ako, at ganoon din, hindi ako pumayag sa kanyang gusto.Naalala ko ang kwinento ni manang na binantayan ako ni Fiandro noong ako ang nagkasakit ng di ko alam. Ganoon ang gagawin ko sakanya. Just returning the favor. Now he is fine. The next day, he went to his work to continue the paperwork he left there.As I went home, I walked hurriedly to the room where I put my things to get before I leave the house. Hinintay kong maka-alis ang van na sumusundo kay manang Linda at Pipay.Nang masaksihan ko ang kanilang pag-alis ay doon din ako gumalaw ng mabilis. May dalawang gwaryda na nagbabantay sa gate. Kabado ako na baka pagdudahan ang aking dala na bag na la
(FIRST DAY WITH YOU)AKO ang naunang nagising. Habang natutulog pa si Fiandro ay naghanda nako ng agahan. Bumili ako ng tuyo, bigas, at ilang pampalasa para sa lulutuing fried rice.Medyo may kalauyan kasi ang palengke dito samin. Itong mga pagkain na nabili ko ay sa tindahan lang binili. Gusto ko kasing pag-gising niya'y may makakain na siya kaagad. Kung ako lang ang narito eh malamang may oras pa akong mamalengke.Nailapag ko na ang napritong tuyo o dried fish kasabay ang fried rice ng lumabas sa kwarto si Fiandro. His hair was so messy. I can tell by his face that he didn't get enough sleep, or he literally didn't sleep the whole night.Kunot ang kanyang noo at busangot ang mukha. Iritang-irita ang itsura na para bang isang tapik sakanya'y magwawala na.That kind of face I know he wants to complain but he tried to restrain. Walang gana at parang pagod ang kanyang lakad papunta sa mesa. Tumiim pa ang bagang nito ng tuluyang maupo."Uhm..." pinunasan ko ang basang kamay ko sa likod n
(VISIT)BINIGYAN nila ako ng daan ng akmang papasok sa loob ng bahay. Kahit hindi ko sila tinitignan, sa gilid ng mga mata ko ay nakasunod ang kanilang tingin sakin.Nakangisi pa din si Fiandro ng makalapit nako sakanya at hinablot ang kamay papasok sa loob. Sinara ko ang pinto at hinarap siya. Bigla akong pumikit ng mariin ng shorts lang pala ang suot nito."Please, magsuot ka ng pang-itaas mo!" mahina ngunit madiin kong utos."You forgot to give me new clothes. Umalis ka agad ng bahay. Kaya nilabhan ko iyong ginamit ko para iyon ang uulitin ko mamaya kung wala kang maibigay na damit sakin." suminghap ako sa kanyang paliwanag. Nakapikit pa din ako at walang balak imulat.Ang dami kong iniisip kaya siguro nawala na sa isipan ko na kuhaan ng damit. Tsaka bisita siya. Hindi ko hahayaang gumawa siya ng kahit anong gawaing bahay dito.Nilagpasan ko siya ng nakapikit. Tsaka ko minulat ang mata ko ng pasukin na ang kwarto ni papa para kumuha ng damit.Isa pa, walang dapat makaalam na narit
(IRRITATION)BUMABA kami sa palengke. Pagka-abot ko ng bayad sa driber ay naabutan kong tulala na si Fiandro. Lihim akong nalunok nang makita niya ang itsura ng palengke. Ngayon lang siguro nakakita ng ganitong palengke."Ayos ka lang?" tanong ko ng may pag-aalala.Kung pwede sanang mauna na siyang umuwi sa bahay para ako na ang mamalengke, eh di pwede. Baka dumugin ulit ng mga kapitbahay.I saw how his Adam's apple moved as he swallowed hard. "Is this...the market?" sa tanong eh sinasabi nitong ayaw pumasok sa loob. Bukod sa medyo mainit na, marami pang tao. Araw ng palengke ngayon kaya aasahang madaming mamimili. Tinutop ko ang aking bibig bago sumagot. "Oo." nahihiya kong tugon.Lumunok ulit siya. "Wala kayong mall dito?" tumingin sakin ng may pagka-ilang.Napapikit ako at suminghal. "Mahal doon. Doble ang presyo sa mall kaysa dito mismo sa palengke. Mas makakatipid ako kahit konti." ani ko ng imulat ang aking mata."I have my wallet here. Ako na ang bibili-""Hindi kita pipiliti