Share

KABANATA 6

Kusa akong nagising. Isa lang itong ordinaryong araw ko. Binati ko ng good morning ang girlfriend ko sa Girlfriend. Kinusot ko ang mata ko at tumayo para magluto na para sa breakfast. Dinala ko ang laptop ko sa kusina para tingnan kung may update ba sa office.

Kumunot ang noo ko ng may nag email sa akin. Bago ko la tiningnan iyun tumunog ang cellphone ko na nasa sala kaya mabilis ko itong kinuha para tingnan kong sino. Nakita ko namang si Juyeth iyun. Ano naman ang kailangan nitong babaeng to? tamad ko itong sinabi.

"[Dinnese!]" masiglang bungad niya sa akin.

"Ano?" tamad kong tanong nito medyo nagtataka sa kanyang masayang boses. Ngumisi ako ng may inisip. "Bakit ka masaya? masarap siguro ang gabi niyong mag-asawa no?" nakangising tanong ko. Narinig kong humahalakhak siya.

"[Gabi gabi yan masarap Dinnese, ikaw lang iyung boring ang gabi,]" natatawang pang-aasar niya. Nawala ang ngisi ko sa huling sinabi niya.

"Minsan inisip kong may gusto ka sa akin these past few days, palagi kang tumawag sa akin," pag iiba ko sa usapan. "Boring ba yang asawa mo?" nakangising tanong ko.

"[Fvck you Dinnese!]" rinig kong sigaw ni Dexter sa kabilang linya.

"[Shut up Dexter, maririnig ka ni Jazz!]"

"[Tulog pa.]"

"Bakit ka ba tumawag Dam," pang gagaya ko sa kanilang call sign.

"[Yakk Dinnese! tumigil ka!]" nandidiring sabi ni Juyeth. Tumawa ako ng malakas. "[Alam mo tingnan mo nalang ang email mo kung nag email ba Mr. Villiary sayo.]"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at biglang naalala ang email na dumating kanina. Hinain ko muna yung hatdog bago ko binalikan ang laptop.

"Bakit siya mag email?" seryosong tanong ko.

"[Basahin mo nalang boy! thanks me later.. bye!]" masiglang sabi nito. Kumunot ang noo ko at binaba ang cellphone. Nagulat ako ng makitang kompanya nga ito ng mga Villiary.

Villiahotelry's.company715@g***l.com. Pinindot ko ito at binabasa ang laman. Kumurap kurap ako at ilang beses kong inulit ang letter galing sa kompanya ng Villiary. Tinawagan ko si Juyeth.

"Anong ginawa mo?" agad kong tanong ng sinagot niya ito agad sa isang ring palang. Parang inaabangan ang tawag.

"[Naghahanap yan sila ng Engineer, naalala lang kita,]" simpleng sabi nito. Alam ko kung bakit niya ito ginawa kaya tinanong ko na siya.

"Anong kailangan mong gawin ko?" tanong ko habang nakangisi na. Ito ang gusto kong trabaho. Kaya kong mag turo sa bata nilang anak habang Engineer naman nila ako.

"[Balitaan mo lang ako tungkol kay Irriene,]" seryosong sabi nito. Simple.

"K." tipid kong sagot habang hindi na mawala ang ngisi labi. Makikita ko na ang anak nila. Kagabi ilang oras kong naghanap ng picture pero wala akong makita, ito ang panahon para makita ko kung anong itsura ng batang iyun.

Marami akong meetings ngayong araw for renovation sa bahay nila. Pagkatapos ng schedule ko dederitso na ako sa kompanya ng Villiary para magpasa ng resume. Iyun ang sinabi sa email, kailangan parin nila tingnan ang background ko.

Sinuot ko ang pinakamagandang suit para ngayong araw. Pinagmasdan ko ang kabuohan sa sa whole body na salamin.

"Hindi kapa pwedeng magpakasal, simula pa lang ito sa mga achievements mo. So far sa dalawang taon mong Engineer renovation ng bahay sa President pa lang ang na abot, ngayon nadagdagan na. Gumawa ka ng sarili mong pangalan Dinnese, wag mong isipin ang kasal na iyan." Nakangisi kong kinausap ang sarili ko.

Maraming naging Engineer ang Villiary na hinabol na ng mga bigating negosyante pagkatapos. Nakita ko iyun sa isang article kagabi kaya ganito ako kasaya ngayon.

Tinawagan ko si mama na nasa probinsya. Hindi ko sila natawagana kahapon.

"Ma."

"[Anak Dinnese, kumusta kana diyan? hindi ka tumawag kahapo.]"

"[Si kuya Dinnese yan mama?]" rinig kong tanong ng bunsong kapatid ko.

"[Oo,]" sagot nito. Hindi nagsalita ang bunso namin, binigay ulit ni mama ang attention sa akin. "[Bakit ka napatawag Dinnese?]"

"Bukas uuwi ako diyan, may magandang balita ako sa inyo," nakangiting sabi ko.

"[Ikakasal kana?]"

Humahalakhak ako sa sinabi niya. Bago ko palang sinabi sa sarili nq tsaka na iyan yun may ipagmamayabang na pangalan.

"[Hindi,]" natatawang sagot ko. Kinulit pa ako ni mama kung anong sasabihin ko bago niya pinatay ang tawag.

Noong nabasa ko ang mga article tungkol sa Villiary, doon ako na inspire na gumawa ng sariling pangalan.. ni minsan hindi ko na isip dati. Lalo na yung article tungkol sa gusto nilang lalaki para sa anak. Kailangan mapantayan sila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status