Share

KABANATA 5

Bakit ko nga ba gustong maging math teacher ni Irriene si Dinnese? gaya ng sinabi ko magaling iyun si Dinnese at gusto kong kilala ko ang magiging teacher niya para makibalita ako kung anong nangyari sa loob ng mansyon. Ayaw kong maputol ang connection namin ni Irriene.

Para ko na siyang anak, palagi kong kinwento ni Jazz si Irriene at gusto na niya itong makita. Makikita niya si Irriene pero hindi ko pa alam kung kailan, sinabi ko nalang sa anak ko na maghintay na lang siya kung kailan pwede.

Kinabahan ako pero nagsalita ako ng may binanggit si Mrs. Villiary na mga Engineer. Professional rin at magagaling, at alam kong mapapantayan iyun ni Dinnese.

"May kilala akong Engineer," singit ko sa kanila kahit kinabahan ginawa ko parin ang lahat para hindi mag mukhang kabahan sa harap nila. Mababait naman sila pero kapag inisip ko kung gaano kalaki ang pagitan ng pamumuhay namin, hindi ko mapigilang kabahan dahil mataas ang tingin ko sa kanila.

"Oh right, naalala kong binanggit mong Engineer ang asawa mo," mahinahong sabi ni Mrs. Villiary.

"Kaibigan niya po ma'am." Tumingin si Mr. Villiary sa akin.

"Sino?" malamig nitong tanong. Lumakas ang kabog ng dibdib ko pero ngumiti ako para hindi nila mahalata.

"Dinnese Gray Tveros," banggit ko sa buong pangalan ni Dinnese. Tiningnan ko si Irriene na nakikinig na sa amin noong nabanggit ko ang pangalan ni Dinnese. Hindi siya nakikinig sa usapan ng parents niya, ngayon niya iyan ginawa. Do you like his name Irriene? he's your next math teacher.

"That's familiar," sabi ni Mrs. Villiary habang inisip kong saan niya narinig ang pangalan ni Dinnese.

"Siya po ang Engineer noong nag renovate ng bahay ang President sa pilipinas," sabi ko. Bigla namang may naalala si Mrs. Villiary.

"Naalala ko na, nakita ko iyun sa isang vlog ng atista na nag house tour sa bahay ng president, na banggit niya ang pangalan na iyun," nakangiting sabi ni Mrs. Villiary. Tipid akong ngumiti.

"Kung ganun magaling iyang kaibigan mo," sabi ni Mr. Villiary. Tumango ako.

"Pwede rin siyang maging guro ni Irriene," suggestions ko ulit. Napaisip naman si Mrs. Villiary bago tumangong tumingin sa kanyang asawa.

"Pwede hon, math teacher ang hanap natin para kay Irriene," mahinahong sabi ni Mrs. Villiary.

"Kung iyun ang gusto mo," sabi ni Mr. Villiary sa kanyang asawa at tipid na ngumiti. Palihim naman akong nag diriwang sa narinig. Alam kong hindi ito tanggihan ni Dinnese pag nag reached out na sa kanya sa Mr. Villiary. Tanga ang lalaking iyun kung tatangihan niya, sobra pa sa promotion to.

Dinnese POV

Nakarating ako sa condo, hindi ko mapigilang tingnan sa internet ang pamilyang Villiary. Kanina pa naglalaro sa utak ko ang anak nilang babae. Nawawala lang noong nakasama ko si Sam pero ngayon hindi ko mapigilan ang sarili ko, parang may nagtulak sa akin na alamin ang balita tungkol sa kanya.

Kinuha ko ang laptop sa kwarto at dinala sa sala at doon tumingin ng information ng mga Villiary. Hindi na ako nagulat kung madaming lumabas tungkol sa kanila, iba't ibang website. May mga picture ng mag-asawang Villiary pero ni isa wala akong makitang picture ng anak nila.

May nabasa akong isang article kung saan nakasulat doon na may kumalat na picture sa anak nilang babae pero wala pang isang araw na delete agad ito. Kahit yung mga screenshot ng mga cellphone na nakakita, nawala lahat.

Nakita ko rin isang article kung saan nasa interview ang dalawang asawa at tinanong sila tungkol sa anak nilang babae. May video iyun kaya pinanuod ko iyun.

"Maraming nagtataka Mr. & Mrs. Villiary kung bakit hindi niyo pinalabas ang anak niyong babae." Reporter ang nagsabi noon. Nakita ko kanina na binansagan siyang 'Brave reporter' dahil nakaya niyang itanong iyun sa harap ng Villiary. Ngayon naintindihan ko na kung bakit siya tinawag na ' Brave reporter'.

"Para saan pa? para paglaruan? at para masaktan?" malamig na tanong ni Mr. Villiary sa reporter. Ngumiti si Mrs. Villiary sa camera at sa reporter para humingi ng paumanhin sa inasta ng kanyang asawa.

"I'm sorry to say this pero hindi kasali ang anak namin dito sa interview na ito," mahinahong sabi ni Mrs. Villiary.

Habang pinanuod ko ang isang buong interview napansin ko kung paano nila protektahan ang anak nila. Ngumisi ako at sumandal sa likod ng sofa. Dapat lang talagang protektahan ang anak nila.. bata pa ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status