Juyeth POV
Inasahan ko ng hindi papayag si Dinnese kahit anong pilit ko. Ngayon pupunta ako sa mansyon ng Villiary. Namiss ko si Irriene dahil hindi ako pinapasok ng dalawang araw ni Mrs. Villiary para makapagpahinga si Irriene. Nakarating ako sa mansyon, hanggang ngayon hindi parin ako sanay sa gate nilang sobrang taas. Automatic lang itong bumukas kong naka register iyun mukha mo. Apat na buwan lang ako dito, tatanggalin rin nila iyan pagkatapos kong turuan si Irriene. Nakapasok pa ako at kailangan ko pang mahabang byahe bago makarating talaga sa mansyon nila. Noong unang beses ko dito, nagpahatid lang ako sa asawa ko. Ending naglakad lang ako sa mahabang bakuran nila. Nakakahiya iyun, first day ko pero sobrang late. Nagpaliwanag naman agad ako. Nag-alala pa si Irriene bakit daw hindi tinawagan ang driver nila. Kaya kahit anong sabihin nilang baliw si Irriene, hindi ako naniwala. Kilalanin muna nila ang inosente kong studyante bago nila sabihan ng ganun. Pinagmasdan ko ang malawak nilang bakuran na madaming bulaklak. Hindi naman kami mahirap dahil may magandang trabaho ang asawa ko pero pag nandito ako sa mga Villiary sinampal ako sa kahirapan. Napailing nalang ako at naalala si Irriene, hindi naman din ata masayang maging mayaman. Mukhang masaya tingnan si Irriene ngayon pero pag nakaisip iyun, tingnan natin kung hindi iyun magagalit sa parents niya. Nakarating ako sa harap ng mansyon nila. Bumaba na ako sa sasakyan ko at may sumalubong agad sa akin na bodyguards para samahan akong papasok. Ito ang ayaw ko sa mansyon nila, isang galaw mo lang may bodyguard susunod sayo. Maging masaya lang siguro ako pag nasa loob na ako kasi wala na akong makitang nakaitim na nakasunod sa akin. Noong bago pa ako dito hindi ko mapigilang isipin na holdapers sila. Pumasok ako sa mansyon, nakita ko kong gaano ka dami ang kanilang katulong, naglilinis. Dumating ang mayordoma ng mansyon. Agad silang huminto at pumunta sa harapan nito. "Kakain na ang mga Villiary," formal nitong sabi sa mga katulong. Agad silang humiwalay sa isa't isa para pumunta sa headquarters and iba, habang ang iba hinanda na ang pagkain ng mga Villiary. Kumurap ako sa nakita. Ngayon ko lang nasaksihan iyun sa apat na buwan ko dito. Jusko. Tumingin sa akin at mayordoma at lumapit. Hindi kagaya ng palagi nating napanood na mayordoma ay pwede nating makausap pero itong papalapit sa akin parang papanis ang laway ko dito. Yumuko pa ito kaya awkward akong ngumiti sa kanya. "Pwede kang umupo sa sofa ma'am Juyeth," formal nitong sabi habang tinuro ang sofa. Agad ko namang sinunod, ayaw kong makipagtalo. Yumuko ulit ito sa akin bago umalis. Hindi parin ako sanay sa kanya. Yuyuko talaga ang mga katulong dito, parang nasa pelikula lang ang peg. Narinig kong may yapak pababa sa hagdan. Agad akong tumayo at inaabangan kung sino man sa Villiary ang pababa. Pero base sa mabilis na yapak, kilala ko na kung sino ito kaya agad akong napangiti. Ilang sandali pa lumabas na ang ulo nito na may malaking ngiti sa labi. "Ma'am Juyeth!" sigaw nito at agad tumakbo sa akin para yakapin ako. Natawa akong niyakap siya mabalik hinaplos ang ulo niya. "How are you Irriene?" nakangiting tanong ko. "Very very fine ma'am! I miss you," parang batang sabi niya. "I miss you," nakangiting sabi ko. Ilang sandali pa narinig ulit namin ang yakap, parang dalawang tao ang baba. Alam ko na kung sino ito. Umayos ako ng tayo habang si Irriene bumalik kung saan ang huli para salubungin ang parents niya. Malaki ang ngiti niya at niyakap ang dalawa at hinalikan sa kanilang pisngi. "Mommy, nandiyan si ma'am Juyeth," masayang sabi nito. Sabay silang lumingon sa akin. Yumuko ako kunti, parang ginaya lang ang katulong nila. Niyaya nila akong kumain. Kahit busog hindi ako tumanggi. Nakakahiya silang tanggihan. Habang nasa hapag panay kwento ni Irriene sa kanyang magulang sa cartoon na pinanuod niya. Nakikinig naman ang dalawa habang ako seryoso lang pinagmasdan si Irriene na masayang nagkwento. Kung alam lang ng dalagitang ito ang kailangan niyang matutunan. "Hon, kulang yung Engineer," sabi ni Mr. Villiary pagkatapos mag kwento si Irriene at tinanong siya ng kanyang asawa tungkol sa bagong itatayo nilang hotel sa bago nilang bili na island. Bigla akong nabuhayan sa sinabi ni Mr. Villiary. Parang alam ko na kung paano ko mapapayag si Dinnese. Bad boy iyun tingnan pero magaling iyun na Engineer. Magna Cum laude yun noong grumaduate.Bakit ko nga ba gustong maging math teacher ni Irriene si Dinnese? gaya ng sinabi ko magaling iyun si Dinnese at gusto kong kilala ko ang magiging teacher niya para makibalita ako kung anong nangyari sa loob ng mansyon. Ayaw kong maputol ang connection namin ni Irriene.Para ko na siyang anak, palagi kong kinwento ni Jazz si Irriene at gusto na niya itong makita. Makikita niya si Irriene pero hindi ko pa alam kung kailan, sinabi ko nalang sa anak ko na maghintay na lang siya kung kailan pwede.Kinabahan ako pero nagsalita ako ng may binanggit si Mrs. Villiary na mga Engineer. Professional rin at magagaling, at alam kong mapapantayan iyun ni Dinnese."May kilala akong Engineer," singit ko sa kanila kahit kinabahan ginawa ko parin ang lahat para hindi mag mukhang kabahan sa harap nila. Mababait naman sila pero kapag inisip ko kung gaano kalaki ang pagitan ng pamumuhay namin, hindi ko mapigilang kabahan dahil mataas ang tingin ko sa kanila."Oh right, naalala kong binanggit mong Engineer
Kusa akong nagising. Isa lang itong ordinaryong araw ko. Binati ko ng good morning ang girlfriend ko sa Girlfriend. Kinusot ko ang mata ko at tumayo para magluto na para sa breakfast. Dinala ko ang laptop ko sa kusina para tingnan kung may update ba sa office.Kumunot ang noo ko ng may nag email sa akin. Bago ko la tiningnan iyun tumunog ang cellphone ko na nasa sala kaya mabilis ko itong kinuha para tingnan kong sino. Nakita ko namang si Juyeth iyun. Ano naman ang kailangan nitong babaeng to? tamad ko itong sinabi."[Dinnese!]" masiglang bungad niya sa akin."Ano?" tamad kong tanong nito medyo nagtataka sa kanyang masayang boses. Ngumisi ako ng may inisip. "Bakit ka masaya? masarap siguro ang gabi niyong mag-asawa no?" nakangising tanong ko. Narinig kong humahalakhak siya."[Gabi gabi yan masarap Dinnese, ikaw lang iyung boring ang gabi,]" natatawang pang-aasar niya. Nawala ang ngisi ko sa huling sinabi niya. "Minsan inisip kong may gusto ka sa akin these past few days, palagi kang
Irriene Fay Villiary"Miss Irriene tinawag kana po ng daddy niyo," sigaw ng katulong namin galing sa labas ng kwarto ko."Yes po lalabas na!" sigaw ko pabalik at pinagmasdan ulit ang sarili ko sa salamin. Palagi kong naririnig na maganda ako pero inosente pa. Well.. I understand why, ikaw kaya nasa mansyon lang for 20 years. Hindi ako hinayaan nila mommy at daddy ma lumabas ng mansyon. May narinig na akong balita na akala ng lahat baliw ako kaya hindi ako nilabas ng mansyon. Nasasaktan pero wala akong nagagawa kundi sundin sila. Maghintay na lang ako kung kailan na ako pwede.Home school lang at sobrang boring sa bahay. Hindi rin ako natutong mag ayos ng sarili dahil para saan pa? hindi rin naman ako makalabas ng bahay.. alangan naman mag-ayos ako para ma impressed sa akin ang mga katulong at driver namin.Ngumuso ako habang pinagmasdan ang sarili sa salamin dito sa kwarto ko.Tiningnan ko ang mata kong kulay gray.. nag mana ako kay mommy, dahil si daddy brown eyes siya. Yung balat ko
"Bakit ka natagalan?" mahinahong tanong agad ni Daddy sa akin nang makaupo ako. Natatakot ako kay daddy kaya sinunod ko lahat ng gusto nila."Kasi po tiningnan ko po ang sarili ko sa salamin," nakangiting sabi ko. Kung gusto nila akong maging bata kahit twenty years old na, maging bata ako para sa kanila kahit pa palagi akong pinagchismissan ng mga katulong namin. Akala siguro nila hindi ko sila maintindihan."Bakit?" takang tanong ni mommy sa akin. Ngumiti ako ng mas malaki sa kanya."Kasi mommy ang ganda ko!" masayang sabi ko na parang bata talaga. Natawa naman sila mommy sa akin at umiling sila."Saan nagmana ang baby Irriene namin?" nakangiting tanong ni mommy sa akin para bang isa akong bata.Palagi silang ganito pero hindi ako nag reklamo dahil inisip kong alam nila kung ano ang nakakabuti sa akin, kaya susundin ko sila. Ngumuso akong tiningnan silang dalawa."Mommy! pareho ko kayong love kaya nagmana ako sa inyon
"Kasi tapos kana niyang turuan," sagot ni daddy sa akin, para talagang wala akong alam."Pero daddy, gusto ko si ma'am Juyeth lang teacher ko," malungkot kong sabi sa kanya. "Hindi ba pwedeng siya nalang daddy forever?" malungkot kong dagdag.Sana siya nalang para malaman ko ang mga dapat kong malaman. May mga advice na sinasabi si ma'am Juyeth sa akin, hindi niya alam na nakikinig ako at nilagay sa utak para hindi makalimutan ang mga sinabi. Kaya doon ako natuto."Hindi pwede anak, iba ang teacher mo sa math," sabi ni Daddy kaya yumuko ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na kailangan pang pilitin siya.Sabi ni ma'am hindi niya ako iiwan pero naintindihan ko kung bakit niya gagawin ang pag-alis ngayon. Inisip ko, paglabas ko rito siya ang unang pupuntahan ko."Anak, wag kang malungkot may bago ka namang teacher," mahinahong sabi ni mommy, inisip niyang nagtatampo ako."Pero mommy gusto ko si ma'am Juyeth," malungkot kong sabi
"Talaga po?" inosenteng tanong ko habang pinahid ang luha ko sa mga mata. Napatingin ako sa bukana ng kusina. Nakita ko si ma'am Juyeth doon, pinagmasdan kami habang ang mata nuya naaawa sa akin. Mapait akong ngumiti, next day may bago akong teacher.. kaibigan ni ma'am na engineer. Lalaki ata base sa narinig ko, pero hindi ko lang alam kung itutuloy iyun nila daddy. Kung matutuloy siya, first time kong magkaroon ng lalaking teacher."Yes anak," sagot ni daddy. Tumango ako at bumugtong hininga. Bakit ba ako nagkaganito? "Tumahan kana anak, tapusin mo ang pagkain mo," mahinahong sabi ni mommy at bumalik sa kanyang upuan.Kanina ko pa napansin si ma'am pero wala akong lakas para batiin ito ng masaya na boses pero ngayong napansin na siya ni daddy lumingon ako sa pintuan para tingnan siya at ngumiti ng malaki kunwari hindi siya napansin kanina."Ma'am Juyeth," masayang tawag ko sa kanga nang makita ko ito. "Good morning ma'am, sir.. good morning Irriene," nakangiting bati niya sa amin.
"Wala na akong ibang rason para pumunta pa dito Irriene. Nandito ako para turuan ka at tapos na tayo kaya hindi na ako babalik dito," seryosong sabi niya. Mas lalo akong nasasaktan sa narinig."Hindi na tayo magkikita ulit?" gusto ko pang marinig ang mga paliwanag niya sa mga bagay na hindi ko alam. Sa paraan na iyun natuto ako at naintindihan ko lahat."Magkikita tayo sa labas," seryoso sabi ni ma'am habang nakatitig sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanya, hindi naman ako makakalabas, alam niya iyun."Bawal po ako sa labas," malungkot kong sabi. Totoong lungkot ang naramdaman ko sa kaalamang hindi ako pwede sa labas. Tanggap ko na pero hindi ako makakahinga sa higpit ng kapit nila sa akin para lang hindi ako makalabas. Wala na silang paki kung maipit ako dito para dito lang ako sa loob.Sobrang laki ng mansyon pero para akong naiipit, hindi ako makahinga dito.. kailangan ko ng hangin sa labas pero hindi pwede kahit mamatay ako dito sa loob.Tipid siyang ngumiti sa akin at hinawaka
Tumango lang ako sa sinabi ni ma'am at nag kunwari na lang na wala akong alam sa sinabi niya. Ang hirap ng buhay na ganito. Kailangan mo pang makahanap ng kagaya ni ma'am Juyeth na maawa sa kalagayan mo para maintindihan ka nila at ipaliwanag ang mga bagay na hindi ko naintindihan.Sinalubong kami ni daddy at mommy nang makababa na kami. Nagkaharap sila daddy, mommy at ma'am Juyeth. Tumabi ako kay mommy at hinarap na rin si ma'am Juyeth."Salamat ma'am sa pagtuturo sa anak namin," pasalamat ni mommy kay ma'am. Tumango si ma'am at sumulyap sa akin bago sumagot."Nahanda ako parati para kay Irriene. Tawagin niyo lang ako kung gusto niyo ulit akong magturo kay Irriene," nakangiting sabi ni ma'am. Nagtaas ako ng kamay bigla. Tumingin silang tatlo sa akin.. tumingin rin sa akin ang mga kasambahay namin habang nakikinig."Ako ma'am gusto ko," nakangiting sabi ko. Hinawakan ni mommy ang kamay ko at binaba ito. Ngumuso ako at tumingin nalang ulit kay ma'am Juyeth."Thank you," nakangiting sab