Warning
Nag-uusap pa ang dalawa tungkol sa anak ng mga Villiary habang ako napatingin sa cellphone dahil sa isang text. Tiningnan ko ang text, nakita kong si Sam iyun kaya tiningnan ko agad ito. Samantha: Are you done? Ngumisi ako sa tanong niya at nag type. Me: Yes, I'm coming. Pagkatapos kong ma sent iyun bumaling ako sa dalawa na ngayon nakatingin na pala sa akin. Nakita nila kung paano ako ngumisi habang nag type. "Hindi ko talaga kung ano pa ang hinintay mo Dinnese. Nakita ko namang mahal mo yang girlfriend mo pero hindi ka pa nag propose," litanya na naman ni Juyeth. Daig pa ang nanay ko. Dinaig niya rin si Sam, hindi nga namin iyun napagusapan pa. Maybe, hindi rin siya ready. "Hindi pa namin napagusapan," simpleng sabi ko. Paulit ulit nalang siya kaya tumayo na ako. Nagsisi kong bakit pumunta pa dito kung iyun lang pala ang kailangan ng babaeng iyun sa akin. "Hinintay ka lang ni Sam," sabi ni Dexter. Isa pa itong lalaking to. Sunod sunoran sa asawa, sus. Kaya ayaw ko munang magpatali. Hindi na nga ako madalas lumabas dahil magalit si Sam ngayong girlfriend ko pa, mas lalo pa sigurong asawa ko na iyun. Hindi naman sa nag reklamo, gusto ko pang sulitin lahat. Dadating rin kami agad diyan sa gusto nila. "Pupuntahan ko lang," paalam ko at naglakad na papunta sa pintuan. "Tsaka na siguro yan magpatali kung nabuntis na," parinig ni Juyeth sa akin bago ako tuluyang lumabas. Paanong nabuntis, hindi ko nga iyun nagalaw. Hanggang halikan lang kami. Pinigilan ko kang ang sarili ko dahil sa gusto niyang married before child. Sumakay ako sa sasakyan at pinaharurot agad ito. Hindi kagaya kanina, nakikita ko pa ang mga tao sa labas. Madilim na kaya wala na akong makita, puro ilaw nalang sa sasakyan ang nakikita ko. Hindi naman masyadong traffic pero natatagalan parin akong dumating sa condo ni Samantha. Tumawag na siya habang nasa daan pa ako. Sinagot ko agad ito para magpaliwanag. Ganito naman dapat, para hindi siya magalit sa akin. "[Nasaan kana Gray?]" tanong nito agad. Nandoon na naman iyung nang aakit niyang boses. "Malapit na ako," simpleng sagot ko. Pinatay niya ang tawag pagkatapos kong sabihin iyun at nagpaalam siyang maghanda lang. Hindi ko alam kung akong ihanda niya. Tapos na akong kumain. Pumasok agad ako sa parking lot at bumaba agad. Uuwi pa ako pagkatapos nito, hindi pwedeng hindi uuwi baka talagang may magagawa ako kay Sam. Napangisi nalang ako sa na isip. Hanggang isipan nalang ako. Umakyat ako gamit ang elevator at pinindot and floor kung saan ang condo niya. Minsan lang ako nagawi dito, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kung madalas ako dito. Madalas din naman akong busy, ngayon lang hindi dahil holiday. Nag doorbell ako at ilang sandali pa pinagbuksan niya ako. Agad kong pinagmasdan ang kabuohan niya. Nakasuot lang siya ng sleeveless na pantulog at short. Pumasok ako habang nakatitig sa kanya, siya naman ngumisi sa akin at umatras habang papasok ako. Sinirado ko ang pintuan at agad siyang hinila at hinalikan. Agad niya naman itong tinugunan ng halik. "Talagang inaakit mo ako," bulong ko sa tainga niya at hinalikan ito at balik sa kanyang labi. "Gusto mo naman," bulong niya rin pabalik habang naramdaman kong ngumisi siya sa akin. Huminto ako sa paghalik at diniin siya sa akin. Tiningnan ko siya na parang nalulunod sa halikan namin. "Gusto mo atang hindi matulad ang married before child," nakangising bulong ko. Ngumisi rin siya pabalik sa akin at inabot ang labi ko bago ako sinagot. "Bakit, mabubuntis ba ako agad sa gagawin mo," nakangising sabi niya. Hindi mawala ang ngisi kong hinaplos ang kanyang buhok at yumuko para halikan bago nagsalita ulit. "Sa tingin mo may ilalabas ako kung gagawin ko yun sayo." Nakangisi lang akong tumingin sa kanya at madiin siyang hinalikan habang ang dalawang kamay niya nasa dibdib ko. Kung saan saan na rin napunta ang kamay ko sa likod niya at huminto ulit sa halikan at medyo lumayo sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya kaya ngumisi ako lalo. 'Not now, kailangan kong sundin ang pangako ko sa kuya mo.' "The hell Gray?" inis niyang sabi, nabitin ata sa ginawa ko. Umatras ako papunta sa pintuan at umiling sa kanya. "Married before child," nakangising sabi ko bago binuksan ang pintuan at lumabas. Pang ilang beses na itong nangyari sa amin. Napailing nalang ako, pati ako nabitin sa ginawa.Juyeth POVInasahan ko ng hindi papayag si Dinnese kahit anong pilit ko. Ngayon pupunta ako sa mansyon ng Villiary. Namiss ko si Irriene dahil hindi ako pinapasok ng dalawang araw ni Mrs. Villiary para makapagpahinga si Irriene. Nakarating ako sa mansyon, hanggang ngayon hindi parin ako sanay sa gate nilang sobrang taas. Automatic lang itong bumukas kong naka register iyun mukha mo. Apat na buwan lang ako dito, tatanggalin rin nila iyan pagkatapos kong turuan si Irriene.Nakapasok pa ako at kailangan ko pang mahabang byahe bago makarating talaga sa mansyon nila. Noong unang beses ko dito, nagpahatid lang ako sa asawa ko. Ending naglakad lang ako sa mahabang bakuran nila. Nakakahiya iyun, first day ko pero sobrang late. Nagpaliwanag naman agad ako. Nag-alala pa si Irriene bakit daw hindi tinawagan ang driver nila. Kaya kahit anong sabihin nilang baliw si Irriene, hindi ako naniwala. Kilalanin muna nila ang inosente kong studyante bago nila sabihan ng ganun.Pinagmasdan ko ang malaw
Bakit ko nga ba gustong maging math teacher ni Irriene si Dinnese? gaya ng sinabi ko magaling iyun si Dinnese at gusto kong kilala ko ang magiging teacher niya para makibalita ako kung anong nangyari sa loob ng mansyon. Ayaw kong maputol ang connection namin ni Irriene.Para ko na siyang anak, palagi kong kinwento ni Jazz si Irriene at gusto na niya itong makita. Makikita niya si Irriene pero hindi ko pa alam kung kailan, sinabi ko nalang sa anak ko na maghintay na lang siya kung kailan pwede.Kinabahan ako pero nagsalita ako ng may binanggit si Mrs. Villiary na mga Engineer. Professional rin at magagaling, at alam kong mapapantayan iyun ni Dinnese."May kilala akong Engineer," singit ko sa kanila kahit kinabahan ginawa ko parin ang lahat para hindi mag mukhang kabahan sa harap nila. Mababait naman sila pero kapag inisip ko kung gaano kalaki ang pagitan ng pamumuhay namin, hindi ko mapigilang kabahan dahil mataas ang tingin ko sa kanila."Oh right, naalala kong binanggit mong Engineer
Kusa akong nagising. Isa lang itong ordinaryong araw ko. Binati ko ng good morning ang girlfriend ko sa Girlfriend. Kinusot ko ang mata ko at tumayo para magluto na para sa breakfast. Dinala ko ang laptop ko sa kusina para tingnan kung may update ba sa office.Kumunot ang noo ko ng may nag email sa akin. Bago ko la tiningnan iyun tumunog ang cellphone ko na nasa sala kaya mabilis ko itong kinuha para tingnan kong sino. Nakita ko namang si Juyeth iyun. Ano naman ang kailangan nitong babaeng to? tamad ko itong sinabi."[Dinnese!]" masiglang bungad niya sa akin."Ano?" tamad kong tanong nito medyo nagtataka sa kanyang masayang boses. Ngumisi ako ng may inisip. "Bakit ka masaya? masarap siguro ang gabi niyong mag-asawa no?" nakangising tanong ko. Narinig kong humahalakhak siya."[Gabi gabi yan masarap Dinnese, ikaw lang iyung boring ang gabi,]" natatawang pang-aasar niya. Nawala ang ngisi ko sa huling sinabi niya. "Minsan inisip kong may gusto ka sa akin these past few days, palagi kang
Irriene Fay Villiary"Miss Irriene tinawag kana po ng daddy niyo," sigaw ng katulong namin galing sa labas ng kwarto ko."Yes po lalabas na!" sigaw ko pabalik at pinagmasdan ulit ang sarili ko sa salamin. Palagi kong naririnig na maganda ako pero inosente pa. Well.. I understand why, ikaw kaya nasa mansyon lang for 20 years. Hindi ako hinayaan nila mommy at daddy ma lumabas ng mansyon. May narinig na akong balita na akala ng lahat baliw ako kaya hindi ako nilabas ng mansyon. Nasasaktan pero wala akong nagagawa kundi sundin sila. Maghintay na lang ako kung kailan na ako pwede.Home school lang at sobrang boring sa bahay. Hindi rin ako natutong mag ayos ng sarili dahil para saan pa? hindi rin naman ako makalabas ng bahay.. alangan naman mag-ayos ako para ma impressed sa akin ang mga katulong at driver namin.Ngumuso ako habang pinagmasdan ang sarili sa salamin dito sa kwarto ko.Tiningnan ko ang mata kong kulay gray.. nag mana ako kay mommy, dahil si daddy brown eyes siya. Yung balat ko
"Bakit ka natagalan?" mahinahong tanong agad ni Daddy sa akin nang makaupo ako. Natatakot ako kay daddy kaya sinunod ko lahat ng gusto nila."Kasi po tiningnan ko po ang sarili ko sa salamin," nakangiting sabi ko. Kung gusto nila akong maging bata kahit twenty years old na, maging bata ako para sa kanila kahit pa palagi akong pinagchismissan ng mga katulong namin. Akala siguro nila hindi ko sila maintindihan."Bakit?" takang tanong ni mommy sa akin. Ngumiti ako ng mas malaki sa kanya."Kasi mommy ang ganda ko!" masayang sabi ko na parang bata talaga. Natawa naman sila mommy sa akin at umiling sila."Saan nagmana ang baby Irriene namin?" nakangiting tanong ni mommy sa akin para bang isa akong bata.Palagi silang ganito pero hindi ako nag reklamo dahil inisip kong alam nila kung ano ang nakakabuti sa akin, kaya susundin ko sila. Ngumuso akong tiningnan silang dalawa."Mommy! pareho ko kayong love kaya nagmana ako sa inyon
"Kasi tapos kana niyang turuan," sagot ni daddy sa akin, para talagang wala akong alam."Pero daddy, gusto ko si ma'am Juyeth lang teacher ko," malungkot kong sabi sa kanya. "Hindi ba pwedeng siya nalang daddy forever?" malungkot kong dagdag.Sana siya nalang para malaman ko ang mga dapat kong malaman. May mga advice na sinasabi si ma'am Juyeth sa akin, hindi niya alam na nakikinig ako at nilagay sa utak para hindi makalimutan ang mga sinabi. Kaya doon ako natuto."Hindi pwede anak, iba ang teacher mo sa math," sabi ni Daddy kaya yumuko ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na kailangan pang pilitin siya.Sabi ni ma'am hindi niya ako iiwan pero naintindihan ko kung bakit niya gagawin ang pag-alis ngayon. Inisip ko, paglabas ko rito siya ang unang pupuntahan ko."Anak, wag kang malungkot may bago ka namang teacher," mahinahong sabi ni mommy, inisip niyang nagtatampo ako."Pero mommy gusto ko si ma'am Juyeth," malungkot kong sabi
"Talaga po?" inosenteng tanong ko habang pinahid ang luha ko sa mga mata. Napatingin ako sa bukana ng kusina. Nakita ko si ma'am Juyeth doon, pinagmasdan kami habang ang mata nuya naaawa sa akin. Mapait akong ngumiti, next day may bago akong teacher.. kaibigan ni ma'am na engineer. Lalaki ata base sa narinig ko, pero hindi ko lang alam kung itutuloy iyun nila daddy. Kung matutuloy siya, first time kong magkaroon ng lalaking teacher."Yes anak," sagot ni daddy. Tumango ako at bumugtong hininga. Bakit ba ako nagkaganito? "Tumahan kana anak, tapusin mo ang pagkain mo," mahinahong sabi ni mommy at bumalik sa kanyang upuan.Kanina ko pa napansin si ma'am pero wala akong lakas para batiin ito ng masaya na boses pero ngayong napansin na siya ni daddy lumingon ako sa pintuan para tingnan siya at ngumiti ng malaki kunwari hindi siya napansin kanina."Ma'am Juyeth," masayang tawag ko sa kanga nang makita ko ito. "Good morning ma'am, sir.. good morning Irriene," nakangiting bati niya sa amin.
"Wala na akong ibang rason para pumunta pa dito Irriene. Nandito ako para turuan ka at tapos na tayo kaya hindi na ako babalik dito," seryosong sabi niya. Mas lalo akong nasasaktan sa narinig."Hindi na tayo magkikita ulit?" gusto ko pang marinig ang mga paliwanag niya sa mga bagay na hindi ko alam. Sa paraan na iyun natuto ako at naintindihan ko lahat."Magkikita tayo sa labas," seryoso sabi ni ma'am habang nakatitig sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanya, hindi naman ako makakalabas, alam niya iyun."Bawal po ako sa labas," malungkot kong sabi. Totoong lungkot ang naramdaman ko sa kaalamang hindi ako pwede sa labas. Tanggap ko na pero hindi ako makakahinga sa higpit ng kapit nila sa akin para lang hindi ako makalabas. Wala na silang paki kung maipit ako dito para dito lang ako sa loob.Sobrang laki ng mansyon pero para akong naiipit, hindi ako makahinga dito.. kailangan ko ng hangin sa labas pero hindi pwede kahit mamatay ako dito sa loob.Tipid siyang ngumiti sa akin at hinawaka