Hindi makapagsalita si Nadja sa nalaman. Magaling na pala si Inigo. All this time, she didn’t have the hint that he is okay now except the fact na hindi na niya nakita ang saklay nito. Adult walker na ang ginagamit nito. Not too soon, he will be free from using it. “Congratulations, magaling ka na pala!” Nalungkot si Inigo sa kanyang natanggap na mensahe. “Pauuwiin mo na ba ako?” “Get ready later. Susunduin kita mamaya.” “Pauuwiin mo na ba ako?” “Kung gusto mo, i-ready mo na rin ang maleta mo.” Nanlumo si Inigo. Nakayuko ito sa dulo ng kanyang kama. Nadatnan siya ng kambal na walang imik. “Tito Inigo, why are you sad?” Umiling si Victor. Niyakap siya ng dalawang bata. Parang bilang na ang mga araw niya sa bahay na iyon. “Hindi naman sad si Tito. Nag-iisip lang ako.” Ngunit napabuntung-hininga siya. “Tito Inigo…” Nagkatinginan silang tatlo. “Bakit, Mackie?” Hinawakan ni Inigo ang kamay ng mga bata. Inihilig ni Holly ang kanyang ulo sa balikat ng lalaki. “Tito, can you be our
Buhat ni Inigo si Nadja pababa ng elevator. May mga sumunod sa kanyang receptionist dala ang gamit ng babae. Mabilis na ipinarada ang sasakyan nito sa entrance ng hotel. “Thank you!” Nagmadaling umalis si Inigo upang hindi makatawag pansin sa ibang kliyente ng hotel. Nag-aalala sina Nessa at Cogie ng dumating na lasing na lasing ang babae. “Ano pong nangyari kay Ma’am?” “Knock out! Mas maraming pang nainom kaysa sa akin.” Si Inigo na ang bumuhat kay Nadja paakyat sa ikalawang palapag at ipinasok siya sa loob ng kuwarto. “Alam mo na ang gagawin mo, Nessa. Tiyak na masakit ang ulo niya bukas. Just give her black coffee.” “Magaling na po ba talaga kayo, Sir?” “Nakita mo bang kaya ko na siyang buhatin mula sa baba hanggang dito sa loob ng kuwarto niya. Hindi mo ba alam kung gaano siya kabigat kahit slim ang katawan niyan? Kasimbigat siya ng isang sako ng bigas na may limampung kilo ang laman.” “Mabigat nga si Ma’am.” Palaisipan kay Inigo ang sinabi ni Nadja. “I had a traumatic ex
Hindi pa nakakabawi ng hang-over si Nadja ngunit napapadalas at napaparami ang kanyang inom. Iniakyat siya ni Inigo sa kanyang kuwarto. “Hindi mo ako responsibilidad.” “But I am willing to take you and be part of my world, Nadja.” Mabilis na nakaidilip si Nadja. Tinitigan ni Inigo ang babae. He doesn’t feel good about what is happening between them. Na-realized niyang iba ang pakiramdam na may taong hindi naniniwala sa mga sinasabi niya. Si Nadja ang klase ng taong hirap nang magtiwala at kailangan mo ng convincing power upang mapaamo mo siya. Nagulantang si Nadja sa magkakasunod na tawag na iyon. Kabilaan ang tawag. Hindi niya alam kung kaninong tawag ang uunahin. Unang tumawag si Rosanna at sinundan ni Peter at huling tawag ay kay Philip. May afternoon guesting daw si Rosanna ng araw na iyon ngunit masama ang lagay ng boses ni Nadja. Gumagaralgal ang boses niya at halatang paos siya. “OMG, what happened to your voice, DJ Anna?” “Hindi ko alam. Angsakit ng lalamunan ko!” Buman
Mabilis na lumipat si Victor sa kotse ni Nadja. Kaliwa’t kanan ang tingin niya sa paligid. Sinigurado niyang clear ang lugar at walang kahina-hinalang sasakyan ang lumiligid-ligid. Pinagbuksan siya ng yaya at sinabing naghihintay ang mga bata sa kanya. “Sige, pupuntahan ko sila sa kuwarto nila. Salamat, Nessa.” Hindi pa rin natutulog si Nadja ng mga oras na iyon. Maging siya ay nag-alala kung saan nagpunta ang lalaki. Kaagad na pinuntahan ni Victor ang kuwarto ng mga bata. Napatalon ang mga ito sa kama ng makita siya. “Do you have pasalubong for us?” tanong ni Holly. Binuhat siya ni Inigo. “Yeah, I have it. Just eat it tomorrow.” “Why are you late, Tito?” Hindi umimik ang lalaki. Hindi napansin ni Inigo na kanina pang nasa pinto si Nadja. Nakahalukipkip ito tulad ng kanyang asta nang minsang na-late itong umuwi. “Bakit ngayon ka lang umuwi?” Parehong tanong ng babae. “I miss the world outside.” Napaismid bigla ni Nadja as if hindi nakakalabas ang lalaki tuwing therapy niya. “I
She is a bit excited kung ano ang dadatnan niya. “Hey, Nadja. Akala ko ba ay gusto mong iwasan si Inigo? Akala ko ba ay ayaw mo siya? Anong problema? Lumalambot na ba ang puso mo para sa kanya?” Iyon ang paulit-ulit ding paalala ni Nadja sa sarili. Nagulat si Nadja ng makita sa terrace ng kuwarto ni Inigo ang lalaki at masayang kumaway sa kanya. Hindi siya makapaniwala na sinalubong siya nito na abut-tenga ang ngiti. Na-impress ang dalaga ng makita ang isang magarang dinner setting sa kanilang bakuran. “What is this?” Nakatayo si Victor at natutuwang pagmasdan ang reaksyon ng dalaga. Manghang – mangha siya. “Let’s eat. Akala ko eh hindi ka na naman darating ng maaga.” Dahan-dahan itong lumapit upang alalayan si Nadja. “I can manage. Ako na lang ang uupo. Maupo ka na. Baka mapagod ka. How about the kids?” “Kumain na sila.” Lumingon ang babae ng marinig ang tawag ng mga anak. Humalik ito sa ina. “Did you enjoy the food?” Tumango ang mga bata at tinawag na sila ni Nessa. “What’s th
Suki na ng RBR sina Nadja at Rosanna. Hindi na sila lumalapit sa counter upang umorder. “Kotse mo po ba ‘yan, Ma’am?” tanong ng manager sa kanya. “Ah, opo. Bakit po?” Umiling ang lalaki at hindi na nag-usisa. Umalis kaagad ito matapos ilapag ang madalas na ang order nilang dalawa. “Hay buhay. Para tayong mga pinagtaksilan ng mundo. Isang problemado at isa pang problemado.” Dinig ni Nadja ang buntong-hininga ni Rosanna. “Nadja, gusto mo bang sumikat?” “Sakit lang ng ulo iyan, Rosanna. Hayaan mo nang sumakit ang ulo ko sa lalaki, huwag lang nang buong mundo.” “Yeah, tama ka! Aanhin mo ba ang kasikatan kung sasakit naman ang ulo mo sa dami ng problema. Akala ko nga, okay na ako pero hindi pala. May iba naman sigurong sisikat dahil maganda talaga ang boses nila. Gusto ko rin namang sumikat pero kahit sa pagsayaw na lang.” “Anong plano mo?” “Anong plano ni Peter para sa akin?” “Uminom na lang tayo ng kape, Mare. Si Peter pa rin naman ang masusunod.” “I don’t know, I was thinking
Dumiretso sa kusina si Inigo at uminom ng malamig na tubig. Binuksan niya ang butones ng kanyang polo at inilislis ang kanyang long sleeves. Naghahanda na si Cogie sa kanyang menu for that night. “What’s our menu for tonight?” “Sweet and sour po.” Nakita ni Inigo na isda iyon. “Huwag kang magluluto ng isda sa gabi. Prepare it for lunch time. Okay lang kung boneless ang isda atleast safe sa mga bata.” “Ah, ganoon po ba?” “May chicken ba sa ref?” “May mga chicken wings po sa freezer kasi paborito po ng mga bata ang chicken.” Pareho pala sila ng paborito. Chicken din kasi ang paborito niya especially deep-fried chicken wings. “Si Kuya po ang nasa kusina kanina. Sabi po ni Sir, siya na daw po ang magluluto.” “Tandaan ninyo na hindi iyan ang trabaho ni Inigo dito.” Yumuko sa hiya ang kasambahay. “Pasensiya na po, Ma’am.” “Nasaan ang mga bata?” “Nasa loob po sila ng entertainment room.” “Bakit hindi mo sila sinamahan doon?” “Nagbaba po ako ng pinagkainan nila.” Pagdating ng o
Naistorbo na rin ang tulog ni Inigo. Hustong baba ito at paakyat na si Nadja. “Sino ba ‘yung bisita mo? Gabing-gabi na ah!” “Alam mo naman kapag artista, ugali nilang tumakas sa kanilang mga manager.” “You seemed to know a lot about artists. Artista ka rin ba?” “Mukha ba akong artista? Teka, saan ang punta mo?” “Hindi na ako makatulog.” “Bahala ka na nga diyan. Malaki ka na at kaya mo na ang sarili mo.” Humiga si Nadja at napaisip sa nangyari. Talagang sinusubukan ni Rosanna si Peter. Anglakas ng loob nitong makipagkita kay Carlos. Nagawa pa niyang bumiyahe ng Cavite. Napakadelikado naman ng ginagawa niya. Posible siyang mapahamak sa daan. Sinubukan niyang makatulog ngunit kahit anong baling niya kaliwa’t kanan sa kanyang kama ay hindi siya mapalagay dahil gising pa si Inigo. Alam niyang nasa ibaba ito. Para lang makasigurado ay bumaba si Nadja upang silipin kung anong ginagawa ng binata ngunit nakita niya itong natutulog na sa sopa. “OMG! Inigo! Ano bang ginagawa mo? Bakit di