Share

CHAPTER 47

Naistorbo na rin ang tulog ni Inigo. Hustong baba ito at paakyat na si Nadja.

“Sino ba ‘yung bisita mo? Gabing-gabi na ah!”

“Alam mo naman kapag artista, ugali nilang tumakas sa kanilang mga manager.”

“You seemed to know a lot about artists. Artista ka rin ba?”

“Mukha ba akong artista? Teka, saan ang punta mo?”

“Hindi na ako makatulog.”

“Bahala ka na nga diyan. Malaki ka na at kaya mo na ang sarili mo.”

Humiga si Nadja at napaisip sa nangyari. Talagang sinusubukan ni Rosanna si Peter. Anglakas ng loob nitong makipagkita kay Carlos. Nagawa pa niyang bumiyahe ng Cavite. Napakadelikado naman ng ginagawa niya. Posible siyang mapahamak sa daan. Sinubukan niyang makatulog ngunit kahit anong baling niya kaliwa’t kanan sa kanyang kama ay hindi siya mapalagay dahil gising pa si Inigo. Alam niyang nasa ibaba ito. Para lang makasigurado ay bumaba si Nadja upang silipin kung anong ginagawa ng binata ngunit nakita niya itong natutulog na sa sopa.

“OMG! Inigo! Ano bang ginagawa mo? Bakit di
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status