Minabuti ni Victor na huwag nang tumuloy. Tulala siya sa loob ng kotse pagpasok niya roon. Wala rin siya sa sarili habang binabagtas ang hagdan ng ospital patungo sa kuwarto ng kanyang ama. Hinila pa siya ni Sharko. “Boss, bakit po ba parang wala kayo sa sarili? Ano po bang nangyayari sa inyo?” “Pagod lang siguro ako.” “Gusto na po ba ninyong umuwi kina Ma’am Nadja?” Umiling si Victor. Nagdadalawang isip na siya ngayon. Sa loob ng kuwarto ay magandang balita naman ang sumalubong sa kanya. Puwede nang mai-discharge ang ama upang sa mansion na lang ipagpatuloy ang pagpapagaling nito. Mas mainam na masikatan siya ng araw at makalabas sa bakuran. Sa rooftop ng ospital ay puwede silang makapagpaaraw tuwing umaga ngunit hindi magiging maganda kung polluted ang hangin doon. Mahihirapan ang ina na magparoo’t parito kahit naka-wheel chair si Max. “Ipapahanda ko ang mansion, Mama.” “Victor…” “Wala na ang mga ulupong sa mansion. Pinalayas ko na po silang lahat.” Matapang nitong sabi sa i
Napatayong bigla si Victor sa kanyang mga narinig. Bigla niyang hinarang si Nadja. Nangingilid na ang luha ng babae. “Tabi diyan at lalabas na ako!” “Ano ba, Nadja?” “See, I knew it. You are just going to fool me after I have given up everything kasi ano pa ba naman ang tingin mo sa akin gayong may anak na ako. Wala ka naman talagang ipinagkaiba sa iba. MANLOLOKO! MANGGAGAMIT! SINUNGALING!” “Nadja!” Hindi na napigilan ni Victor ang babae dahil galit na galit ito. Napahagulgol si Nadja ng iyak pagdating nito sa parking area. Ayaw lang niyang masyadong mahalata ang kanyang pag-iyak kaya minabuti niyang pahirin ang kanyang luha. “Let’s go! Umalis na tayo.” Pinaharurot ng driver ang kotse at nagmadaling umalis sa lugar. Pagdating ni Djana sa agency ay umuusok na ang ilong ni Philip dahil late na siya sa isang morning show. Maaga ang call time niya kaya pinasundo rin siya ng maaga. Hindi muna niya ito kinastigo bagkus ay nagmamadaling sinamahan ang kanyang alaga sa isang sikat na is
Samantala, muling kumilos ulit si Dianna upang utusan sina Poro at Roro. This is more than knowing Djana. Gusto nilang malaman kung sino ba talaga ang love interest nito. She denied Philip kaya sino ang lovelife niya? Kailangang mas gumawa ng ingay upang mas tumaas ang rating ng OBN. Makikita na nagsimula na ulit silang magkaroon ng interes kay Djana dahil tumaas ang record sales sa iba’t ibang Music Outlet. Usap-usapan sa media platforms ang love life ni Djana for the past 6 years. Mas maraming magkakaroon ng espekulasyon na mayroong nangyayari sa pagitan ni Djana at ng manager nito lalo na sa nakakabitin nitong naging interview noong huli. TRES SOLARES HOTEL SUITE ROOM 104 Nagpumiglas si Nadja. Iniwasan niyang maglapat ang kanilang labi ng lalaki. Naging marahas ang paghawak ni Victor sa babae. Pinilit niya itong yakapin. “Tigilan na natin ito. Umalis ka. Layuan mo ako! Pagtaguan mo ako. Iwasan mo ako kung iyon ang gusto mo! Hindi kita pipigilan. Maghiwalay tayo!” “Nadja, puwed
Napaubo mismo si Victor sa kanyang nasabi. Balak na niyang yayain si Nadja na magpakasal sa kanya ngunit nag-aalangan siya sa kanyang mga nalaman. Sinundan ni Victor ang babae pag-akyat nito sa kuwarto. Naliligo na ito at naghanda sa kanyang pagpasok sa Titan Music. Dinig niya ang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo. Naupo siya sa single sopa doon habang tanaw ang bakuran sa ibaba. Kinuha niya ang maliit na kahon at binuksan ito. It was a limited engagement ring from Tiffany. Napapaligiran ng diyamante ang buong singsing habang may tila diamond cut sa gitna ang pearl of Allah, isang kulay itim na perlas. Hindi niya makakalimutan ang BLACK PEARL na iyon. “Nadja…” Bigla niya itong itinago ng marinig niya ang click ng door knob. “Huh, kanina ka pa ba?” “Bakit hindi mo ako sinagot kanina sa tanong ko?” “Ah, seryoso ka ba?” “Did I ever joke on you about my feelings?” “Hindi naman. Kaya lang…” “Kaya lang ay ano?” “Never mind.” “Nagdadalawang-isip ka pa ba sa akin?” Naka-back-hug
Sa bahay ng mga Reynolds, tutok na tutok sa late-night news ang mag-asawa ng magkaroon ng news FLASH. “Saglit po nating puputulin ang balitang ito tungkol sa nagbabalik na si Djana. Kanina lang ay kumalat ang balita tungkol sa baguhang singer na nakitang may kasamang lalaki na lumabas sa Hotel Tres Solares at pinaniniwalaang galing sa kanyang hotel suite. Ang hatol ng mga netizen, siya ang lalaking tinutukoy niyang “Love of her life” ni Djana. Kasalukuyan ay may karagdagang balita ang ating field reporter na si Marky Pulido. “Yes, Miss Meagan. Nandito kami sa Evergreen Subdivision. May nakapagbulong sa amin na dito daw nakatira ang sikat na singer na si Djana. Sa mismong bahay na inyong nakikita ngayon. Kung mapapansin ninyo, biglang dumagsa ang mga reporter dito sa kagustuhang malaman ang katotohanan tungkol sa kanya.” Nabulabog ang buong subdibisyon habang pinapalabas ang isang inset ng pangyayari sa buong lugar. Hindi makapaniwala ang mga kapitbahay ni Nadja. “All this time, n
Muling inalala ni Sophia ang mga pagkakataong iyon. Tumulo ang luha niya ng muli niyang binalikan ang nakaraan. “Minerva, ingatan mo si Nadja.” “Ate, kailangan mo pa ba talagang gawin ito?” May option si Sophia ngunit mas pinili niyang mapahiwalay sa anak. She can use her real name as Nadja Santiago Reynolds. “So, mayaman pala ang lalaking iyon.” “Tingnan mo nga naman, ang dating lumpo ay magaling at nakakatayo na sa sarili niyang paa.” pangungutya ni Minerva. Hangos na pumasok ng kuwarto ni Minerva ang babae. “Mama, nakita po ba ninyo ang balita ngayon?” “Yeah, I just saw it.” Napailing ang dalawa. “Hindi ko mapapatawad ang ginawa niyang kalapastanganan sa anak ko. Lalo na sa paraang ginawa ni Victor.” Hindi mapaniwalaan ni Sharon ang kanyang narinig kay Sophia. “That is so absurd. Hindi adik ang anak ko to drugged Nadja to the point of raping her. He will never risk any woman for that kind of adventure.” “Why not ask your beloved son? Tingnan natin kung anong sasabihin ni
“Saang lupalop ba niya nakita ang lalaking iyan. Tingnan mo at ngayon ay malaking problema pa ang dala niya.” halos pasigaw na sabi ng kapatid nito. “Sharon, buntis ako.” May pag-aalala ang boses ni Sophia ngunit masaya si Sharon. “Oh my ghad!” sabay-bulong ng babae sa kanya. “Buntis din ako, Friend!” “Really!” Ipinagkasundo ng dalawa ang mga batang nasa sinapupunan nila. Sa tuwing titingnan niya si Nadja ay muling nabubuhay ang kanilang kasunduan. Hindi pa rin nakakalimutan ni Sharon ang lahat. Marami pa ngang hindi alam Sophia kung paano nagtagpo ang dalawa ngunit kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo, it’s something that she couldn’t understand. Paano sila pinaglapit ng tadhana? Bakit kailangang magdusa ang kanyang anak? Kung hindi nangyari ang lahat, tiyak na hindi pa niya makakasama si Nadja. Hindi ito makakabalik sa kanyang dating career at hindi niya makakatagpo sina Max at Sharon, sina Maura at Jayson. “Maganda ka pa rin hanggang ngayon, Sophia. Maganda ang anak mo ha.”
“Bawal po kayo dito!” “Anong bawal? Gusto ko lang ipaalam sa babaeng iyan na ako ang legal na asawa ni Victor. Matagal niyang itinago ang asawa ko! Bitiwan mo ako!” Binitiwan nga si Cheddar ng mga lalaki ngunit nawalan ito ng panimbang at napasalampak sa sementadong sahig. “Bahala ka nga sa buhay mo,” sabi ng lalaki ngunit nanatili siyang nakaharang sa pinto. “Hindi ka parin puwedeng makapasok or else mananagot ka kay Boss Victor kapag nasaktan ang pasyente sa loob.” “Anglakas ng loob ng babaeng iyan! Bakit? Bumukangkang ka rin ba sa harap ng asawa ko?! Kating-kati ka!” sigaw niya sa labas ng pintuan nito. Nadatnan ni Rosanna na nagwawala ang isang babae sa harap ng pinto ng private room ni Nadja. Dadalaw din sana siya sa babae. She took a video of it and sent it to Victor. Hindi sana papansinin ni Victor ang mensahe ni Rosanna. “Walanghiyang babae talaga ito! Whew! Sharko, send some men in St. Catherine Hospital. Ilayo ninyo si Cheddar sa kuwarto ni Nadja at siguraduhin ninyon