Share

CAN'T WE TALK IT OVER IN BED

Hanggang makarating sa parking lot ay hawak pa din ni Christian ang kamay niya. He is holding it so tight as if he doesn’t want to let her go.

"Let go of my hand, you bastard! I'm with Lorie. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya." Galit na wika ni Jera habang nagpupumilit na pakawalan ang kamay na hawak pa din ng asawa.

"Sa kaniya mo ba talaga gustong mag paalam o sa ka-date mo kanina?" galit din na tanong ni Christian. He was furious as hell. Nang makita kanina ang asawa na kasama ang manliligaw nito ay gusto niyang sapakin ang lalaking kasama nito. Of course he knew the man. Ethan Saavedra. Jera’s suitor since she was in college.

"Hindi ko ka-date si Ethan! At ano bang problema mo! Ngayon pa lang tayo nagkita ulit tapos nag-aaway na agad tayo! Kung tutuusin ay wala akong dapat ipaliwanag sayo!" nanlulumong wika ni Jera. All of a sudden she felt tired and helpless. Wala pa marahil silang sampung minutong magkasama ng asawa but it seems he already drained all the energy that’s left from her body.

"I'm sure you know that I am back. But what did you do? Mas inuna mo pa ang makipagdate sa iba kaysa ang makita ako." May bahid ng akusasyon ang tinig ni Christian. Bakit ba sa pakiwari niya ay gusto nito na makadama siya ng guilt.

"I am not expecting that you want to see me. Iniwan mo nga ako, di ba?" she said sarcastically.

"Yes, I did! But that doesn't give you the license to cheat on me, Jera! Oh yes I left you for two long years but you’re still my wife!" galit na wika nito.

"Damn you! How dare you accuse me of being a cheater! Kung ganito lang pala ang sasabihin mo sakin, sana hindi mo na lang ako nilapitan! Bakit ka pa ba bumalik? I am fine without you really" halos maiyak na sigaw ni Jera sa asawa.

She’s glad na kahit papaano ay kakaunti lamang ang tao sa parking lot ng mga oras na iyon. Yes, she’s mad with him pero ayaw din naman niyang mag mukha siyang palengkera dahil sa away nilang mag-asawa.

"What else do you think? Because of you, my wife. Now get in the car o baka naman gusto mong ako pa ang magpasok sa’yo sa kotse? I don’t mund either way, wife.”

Tahimik na sumakay si Jera sa kotse ng asawa. Kung hindi lamang masama ang loob niya dito ay pupurihin niya ang sasakyan nito. Why? He is driving a red Dodge Viper for heaven's sake! Noon pa man ay ito na ang pangarap ni Christian na sasakyan. So finally, natupad na ang pangarap nito.

Habang nasa daan ay tahimik lang din si Christian. Napakadami sana niyang gustong itanong sa asawa ngunit halatang wala ito sa mood makipag-usap. He seems tired and mad and it's not a good combination. Tahimik na lamang niyang pinagmasdan ang asawa. Mas gumwapo lalo ito sa paglipas ng panahon. His brown eyes are still expressive as ever. Mga labi nito na tila kay sarap pa rin halikan. Both Ethan and Christian are gorgeous. Ngunit iba ang appeal ni Christian. Unlike Ethan, Christian’s features are a bunch of contradiction. His hands may seem rough but you will be surprised how gentle he could touch you. His lips are full and yet you’ll want more than just a kiss when you taste those lips. Dear Lord, his husband is addicting. Mas malala pa ata ito sa drugs.

"So, do you still find me attractive after all these years, Jera? The way you stare at me makes me think that you missed me big time." He said playfully.

"How conceited! Ewan ko sayo!" dinaan ni Jera sa galit ang pagkapahiya. Damn this man for being irresistible! Dahil sa pagkapahiya ay pinili na lamang niya ang tumingin sa kalsada. Napakadaming sasakyan doon kaya siguradong matatraffic sila. Wala siyang magagawa kung hindi magtiis sa kinauupuan niya ngayon. She cannot escape his presence.

"If you want a kiss, you can ask me. Hindi naman ako madamot. After all you are my wife” wika nito habang panay ang sulyap sa kaniya. Alam naman ni Jera na gusto lamang siyang asarin ng asawa.

But instead of answering him, ipinikit na lamang niya ang mga mata. She is too tired para makipag-away o makipag-asaran kay Christian. What will she do now? Okay naman siya nung hindi pa ito bumabalik. Masaya naman siya kahit papaano sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo lalo pa at madalas naman siyang pinupuntahan ni Lorie kapag tapos na ang trabaho nito.

Hindi namalayan ni Jera na nakatulog pala siya. Pag mulat ng mga mata niya ay nakaparada na ang kotse ni Christian sa dating bahay nila ng asawa.

"Bakit tayo nandito? Hindi naman ako dito nakatira." She asked stupidly.

"At saan mo gustong umuwi, Jera? You are still my wife. Kaya kung nasaan ako nandoon ka din. You will stay with me. Mag-asawa pa din tayong dalawa kaya sa’yo din itong bahay na ito. Conjugal property, remember? " he said as if he was explaining to a child.

"Are you kidding me? Matapos mo akong lokohin noon, now you want me to stay with you! You really are impossible, Christian! Oh how I hate you!” nagpupuyos na wika ni Jera. After all those sleepless nights na wala na siyang ginawa kung hindi ang umiyak dahil sakit na nararamdaman bigla na lamang itong babalik na parang walang nangyari.

“No, baby, I’m CHRISTIANPOSSIBLE.” Pang-aasar pa nito at saka bumaba ng kotse. Samantalang siya ay para paring ipinako sa kinauupuan. She still can’t believe that she’s spending the night with her husband.

Mula sa sasakyan ay pinagmasdan niya ang kanilang dating tahanan. It feels like yesterday. Wala naman ipinagbago ang lugar na iyon maliban sa mas dumami ang nakatanim na halaman. Mostly are roses.

May ilang minuto din ang pinalipas ni Jera bago siya bumaba ng sasakyan. Pag pasok niya sa bahay ay nakita niyang nakaupo sa sofa si Christian at may hawak hawak na beer.

“What took you so long? I thought you’ll sleep inside the car just to avoid me.”

“Wala naman akong choice kung hindi ang pumasok dito sa bahay hindi ba? Isa pa, I’m too tired to sleep there. I want to rest. Now, if you’ll excuse me pupunta na ako sa kwarto ko.” At saka siya nagdirediretong umakyat sa hagdan at tinungo ang isa sa mga guest room.

Tatlo ang kwarto sa second floor, ang master’s bedroom at dalawang guest rooms. Dahil alam niyang sa master’s bedroom matutulog si Christian kaya pinili niya na okupahin ang isa sa mga guest rooms. Pagpasok sa kwarto ay binuksan niya ang cabinet. Nandoon pa din ang mga damit niya kahit na nga ba dalawang taon na siyang hindi nauwi sa bahay na iyon. Kumuha siya ng damit pantulog. Pinili niya ang isang tshirt at pajamas. Dahil may sariling banyo ang silid ay doon na siya naligo. Matapos maligo at makapagbihis ay humiga na si Jera sa kama. Alas otso pa lamang ng gabi. Maaga pa kung tutuusin para sa kaniya ang matulog. Pero wala naman siyang gagawin. Ayaw niyang bumaba at makipag-away na naman kay Christian.

Makalipas ang ilang minuto ay nakinig niya ang mga yabag ng paa ni Christian. Kinig niya ng buksan nito ang pinto ng silid nito. Ano kayang ginagawa ng mokong na yon? tanong ni Jera sa sarili. Siguro naliligo siya. Ipinikit na niya ang mga mata. Pipilitin na lang niya matulog.

Ilang minuto ang lumipas at hindi pa din siya makatuog. Bigla naman bumukas ang kwarto niya. Dahil nakadapa siya sa kama ay hindi kita ni Christian kung mulat ba o pikit ang mga mata niya.

"Alam kong gising na gising ka pa, Jeralei. Wag kang magtulog tulugan diyan. Lumipat ka ng kwarto. Sa kama ko ikaw matutulog. At wag mo nang subukan na tumanggi my wife dahil kayang kaya kitang buhatin papunta sa kwarto ko kung sakaling ayaw mo."

Muling isinara ni Christian ang pinto. Tumihaya si Jera sa kinahihigaan. Ibabato sana niya ang unan nang bumukas muli ang pinto.

"I forgot to tell you that your pajamas won't stop me from wanting you, Jera. So even if you wear pajamas every night you can't stop me from desiring your body." Muling isinara ni Christian ang pinto ng silid niya.

Hindi maintindihan ni Jera ang mararamdaman. Buwisit na lalaking yun. May nalalaman pang 'wanting' and 'desiring'. Kailan pa ba nag-exist ang mga salitang yun sa vocabulary ng asawa. Kung sa ibang pagkakataon iyon sinabi ni Christian baka nalaglag pa ang bra at panty niya. She has grown into a beautiful woman. She has the perfect body sabi nga ng kanyang mga magulang maging ni Lorie.

Anong akala ni Christian? Basta na lang siya susunod sa gusto nito? Aba, ano siya sineswerte? Two years...two years and he expects her to be the same girl that she used to be? Ipinikit na muli ni Jera ang kaniyang mga mata. Ngunit biglang napabangon ng maalalang hindi pa nasasabi sa mga magulang na nasa bahay siya ng asawa.

Kinuha niya ang cellphone at nagtext.

Jeralei: Mommy, I cannot go home tonight. Nakita po ako ni Christian kanina sa mall at isinama pauwi sa dati naming bahay.

Agad naman nag reply ang Mommy niya.

Mommy Kristina: I know, Jera. Your husband was here early lunch. He told me na susunduin ka niya sa bakeshop mo after your work. Believe me ayoko sana na sunduin ka niya but I changed my mind. After all, he is still your husband.  Good night my darling, don't tell this to Arvee. He might kill Christian this time.

Napabuntung hininga si Jera pagkabasa sa text ng inang si Kristina. Her brother is still very protective of her. Nang umalis si Christian ay lalong dumoble ang galit ni Arvee sa matalik nitong kaibigan. Sa una ay sinabi ni Jera na siya ang unang nang iwan sa asawa. But Arvee told her that she wouldn't just left Christian without any valid reason. He knows how much she loves Christian para iwan niya ang asawa.

At ngayon nga, ano kayang mangyayari sa kanila? Maybe Christian came home to file an annullment? The thought is killing her. But if that is what he really wants then she is ready to set him free. Hindi na siya ang dalagitang ipipilit ang sarili mahalin lang nito.

Madami ang nagbago sa kaniya ng iwan siya nito. After she graduated Culinary Arts ay nagtayo agad siya ng sariling negosyo. Hindi na siya ang dating duwag na Jera. Naglakas siya ng loob na itayo ang bakeshop niya mula sa hiniram na salapi sa bankong pagaari ng mga magulang ni Christian. Only, ayaw nitong bayaran niya ang interes to her dismay.

She also changed the way she dresses. Hindi na siya mukhang nene. She is now a sophisticated woman. Hindi na din siya iyakin. Naubos na siguro ang luha niya ng iwan siya ni Christian. If there’s one thing that did not change ay ang pagmamahal sa kanya ng mga magulang ng asawa. They never failed to show their support especially when she graduated from college. They made sure that they are present to witness her success. Maybe it is also their way of compensating sa mga pagkukulang sa kanya ng asawa. In fact, they insisted to pay for her tuition fees kahit na nga ba tinutulan ito ng kanyang mga magulang. Aurora made sure that whenever her enrollment would come ay bayad na agad ang tuition fees niya ng isang buong semester. Dahil kilala ng mga magulang ni Christian ang mayari ng unibersidad na pinapasukan ay agad na naipapaayos ng mga magulang nito ang mga bayarin niya sa university. Despite her failed relationship with Christian she’s thankful to his parents and love them just the same.

Nagpasya si Jera na matulog na. Kailangan niyang magising bukas ng maaga at pumasok sa opisina. For sure, Lorie will demand an explanation dahil basta na lang niya ito iniwan sa mall. Sabi nga sa pelikula ni Piolo Pascual, I deserve an explanation, I deserve an acceptable reason. Charot.

Nakapikit pa din ang mga mata ni Jera ng pumasok si Christian sa silid na inookupa niya. Christian looked at her wife. She has grown to be a very beautiful woman. She has changed physically. She is now sexier than ever. Hindi itinago ng suot nito ang magandang hubog ng katawan ng asawa.

Lumapit siya sa kama nito at nahiga sa tabi ng dalaga. He hugged her from behind and kissed her nape. God, he missed her wife so much. Her natural scent is driving him crazy. How he missed those days and nights when she was always in his arms.

Nanigas ang katawan ni Jera sa ginawa ng asawa. Aminin man niya o hindi ay gusto niya ang ginawa ni Christian. How she missed him. Wala siyang ibang gusto kundi ang mayakap ng asawa. Pero mas pinili ni Jera sa oras na iyon ang magalit. Biglang naalala na katawan lang niya ang gusto ni Christian.

"Why did you do that?" galit na tanong ni Jera.

"I told you that you will sleep in the master’s bedroom, my wife. Pero ayaw mo. So instead of arguing with you, ako na ang lilipat ng kwarto para sayo." Nakangiting sabi ni Christian.

"Hindi dahil inutusan mo ako ay susunod na ako! And what did you just call me? WIFE? Aba, asawa mo pa nga ba ako? Maybe in papers. At ano ba ang kailangan mo ha? You want me to satisfy your needs tonight? Aba, masaya ka! I'm sorry, Christian. AYOKO. Go and find another girl you could spend the night with. Doon ka naman magaling di ba? So please, let me rest. Kailangan ko pang pumunta ng maaga sa bakeshop bukas dahil may kausap akong kliyente."

"Ikaw ang asawa ko tapos itataboy mo ako sa iba? Gusto mong umalis ng maaga bukas para makita ang manliligaw mo, Jera? Well I am telling you now, my wife, kung hindi ka titigilan ng lalaking yan I am very much willing to put up a fight. And I don’t care kahit saan pa kami umabot." Galit na wika ni Christian.

"Wow! Who do you think you are? You left me without even saying goodbye and now you're back as if walang nangyari. Oh, and what happened to your mistress? Nagsawa ka na ba sa kaniya? O baka naman ipinagpalit ka sa lalaking mas maraming pera sa’yo? You know what? I regret the day that I married you! I regret the day that I cried an ocean because of you! I regret the day that I made that stupid plan just to save your ass and most of all I regret the day that I loved you! Kuya Arvee was right. You're not the man for me. I should have listened to him. Sorry ha? Huli na kasi nang marealize ko ang katangahan ko sayo." Galit na wika ni Jera na akma sanang tatayo ngunit pinigilan ni Christian.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status