Share

MY CRAZY, STUPID HEART
MY CRAZY, STUPID HEART
Author: missJ

BACK TO DECEMBER

Christian is back. Your husband is back. Ito ang natanggap na text message ni Jera sa kapatid na si Arvee. Hindi niya maintindihan kung ano ang unang mararamdaman. Will she be happy or afraid?

Christian left the country two years ago without even saying goodbye to her. Kahit sa mga magulang at mga kaibigan ay hindi din nagpaalam ang binata. At nang umalis nga ang asawa ay wala silang komunikasyong dalawa. She doesn't even know his number. Even his social media accounts were deactivated. Sa bagay, ganoon naman talaga ang ginagawa ng mga taong umiiwas. And now he is back. She missed him so much. Walang araw o gabi na hindi niya naiisip ang asawa. Maybe it’s all her fault after all. She didn’t give him any chance to explain his side. However, what is there to explain kung lahat ng kailangan niyang pagpapatunay ay nakita na niya.

"Hey! Ang seryoso mo diyan ah! Baka matunaw na yang screen ng cellphone mo sa pagkakatitig mo. Ano ba ang binabasa mo?" tanong ng kaibigan niyang si Lorie na tumabi sa kaniyang kinauupuan while eating her newly baked brownies. Kalimitan na ay bisita niya lagi ang kaibigan sa kaniyang bakehop after office hours. Nakaugalian na nito na umorder lagi ng brownies at kape tuwing napunta ito doon.

"He is back, Lorie," wika ni Jera at saka tumingin sa kaibigan. Her voice sounds nervous. Her eyes full of anxiety.

"Sino?" kunwaring tanong ni Lorie kahit na alam naman ni Jera na alam ng kaibigan kung sino ang kanyang tinutukoy.

"My husband. Si Christian. He is back."

 Si Lorie ay bumalik sa kaniyang sariling upuan at sinimulan naman inumin ang itinimpla niyang kape para dito.

"So the devil is back, huh? Akalain mong buhay pa pala yun? So, what's your plan now?" interesadong tanong nito sa kaniya.

Jera understands why Lorie sounds sarcastic. Ito kasi ang saksi sa lahat ng sakit at hirap na dinanas niya sa nakalipas na mga taon. Lorie is her best friend since college days hanggang sa ngayong may negosyo na siya habang ito naman ay nagtatrabaho sa Law Firm na pag-aari din ng kaibigan nilang si Ethan.

Hindi naman masagot ni Jera ang tanong ng kaibigan. Kahit siya ay hindi alam ang gagawin. Hindi niya alam kung dapat na ba silang magkitang mag-asawa. She is afraid of what Christian might say to her. She’s afraid that one day he would really come home and will say to her that he does not really love her at all.

"Hay naku, wag na nga natin pag-usapan ang Christian na yan. Wala namang kwenta yun eh. Ang mabuti pa mag-shopping na lang tayo. 15 minutes na lang naman at magsasara na itong bakeshop mo” wika naman ni Lorie. Kapag ganoong nagyayaya itong mag-shopping ay siguradong stressed ito sa trabaho. Marahil ay marami na naming kliyenteng dumating si Ethan.

"Okay. Mabuti pa nga. Gusto ko din namang mag-relax." nakangiting wika ni Jera.

Nang lumabas si Lorie sandali at nagpaalam na maninigarilyo ay naghanda na siya sa pagsasara ng bakeshop. Sandali siyang napatigil. Iniisip pa din niya si Christian. Ano na kaya ang itsura nito? Maybe he is more handsome now. Mas macho na din siguro ang binata ngayon. Naputol ang pag-iisip niya ng muling pumasok si Lorie. Kasama na nito si Ethan.

"Jera, niyaya ko na si Ethan. Wala naman siyang pupuntahan ngayon kaya sabi ko sumama na sa atin." nakakalokong sabi ni Lorie na sinamahan pa ng pagkindat ng mata. Si Ethan naman ay ngumiti sa kaniya. “Hi, Jera. Tinext ako ni Lorie na mamamasyal tayo. I have free time naman kaya pumayag na ako. I also wanted to see you” Ethan said as if explaining to her why he was there.

Hinila ni Jera si Lorie palayo ng kaunti kay Ethan.

"Luka-luka ka talaga eh! Alam mo naman na may gusto pa din yan sakin tapos isinama mo pa!" naiinis na wika ni Jera.

Tatawa tawa naman si Lorie. "Kaya ko nga isinama kasi alam kong may gusto sayo. Ano ba ang problema mo kay Ethan? Gwapo at macho naman ah. Mabait pa at matalino. Kung ako lang ang naging gusto niya, pinatulan ko na." si Lorie na patuloy pa din ang pang-iinis sa kaniya.

"Ang problema? May asawa na ako! At mahal ko pa din si Christian. Alam mo naman yun di ba?" naiiritang wika ni Jera sabay kurot sa braso ng kaibigan sa paraang nanggigigil.

"Oo alam ko. Kaya ko nga isinama si Ethan para makalimutan mo na yang kabaliwan mo kay Christian. Girl, tama na. Wala ka naman mapapala sa asawa mo. Leave him. Ay paano mo nga pala iiwanan yun eh ikaw na nga pala ang iniwan niya."

 Ayaw pa din talaga siya tigilan ni Lorie sa pang-aasar. She really is angry with Christian. Kung kuto lang siguro ang binata ay tiniris na ito ng kaibigan.

"Tama na, Lorie. You don't have to stress the obvious. Tara na nga lang sa mall. Promise me, this will be the last time na isasama mo si Ethan."

"Oo na." may pagsukong sagot ni Lorie.

Dahil pilya talaga ang kaibigan ay dali dali itong sumakay sa passenger seat sa likod ng kotse ni Ethan upang siya ang maging katabi ng binata sa unahan ng sasakyan nito. Ayaw man ni Jera ay doon pa din siya umupo. She doesn’t want to be rude. After all, Ethan is her friend. Her only male friend noon pa mang kolehiyo pa lamang siya.

Habang nagda-drive ang binata ay hindi maiwasan ni Jera na pagmasdan ang mukha ng binata. Kung kagwapuhan lamang ang pag-uusapan, Ethan Adrian Saavedra is not just a handsome face. Aside from his pretty face, he is also kind, one hell of a hunk and oh my, he is a lawyer! He was one of the topnotchers of the bar examination. No girl in her right mind wouldn’t want to have him as a boyfriend. But Jera was on her right mind, however hindi niya pwedeng ibigay ang puso niya na pag-aari na ng iba. Her heart will only beat for only one person.

“Kung nagkataon lang na wala kang asawa at hindi kita kaibigan, iisipin kong may gusto ka sa akin, Je.” Nakangiting biro sa kaniya ni Ethan.

Si Jera naman ay napahiya dahil nahuli siya ni Ethan na tinititigan ito. “I’m sorry. I didn’t mean to stare at you. Mas okay na sigurong sa iyo ako tumingin kay sa naman sa kalsada, eh puro kotse lang naman ang makikita ko.” Dipensa ni Jera. God, it really is embarrassing.

Kumain muna ang tatlo pagdating sa mall at saka tumingin ng mga damit. Si Lorie ay abala sa pagpili ng mga jeans. Si Jera naman ay inabala ang sarili sa pagpili ng mga dress na babagay sa kaniya. She is holding a white maxi dress na idinikit niya sa katawan upang makita kung bagay bas a kaniya ng tabihan siya ni Ethan.

"Alam mo, hindi mo naman kailangan pumili pa ng mga damit dito kasi lahat naman bagay sayo eh." nakangiting wika ng binata. Admiration is visible in his eyes.

Napangiti naman si Jera sa papuri ng kaibigan. "Sus. Nambola ka pa, pero salamat. Lagi mo na lang talaga bino-boost ang self-confidence ko."

Noon pa man ay wala nang ginawa nag binata kung hindi ang purihin siya. It seems that Ethan has always had the right words to say to her to make her feel beautiful and special.

"Jera, I know you are still married but I love you. I really do. Kung okay lang sayo, I am willing to wait for you. Hihintayin kong maging malaya ka. In fact, should you wish to file for an annulment of marriage you know I can always help you with that."

"Ethan...I like you too but only as a..."

Hindi naituloy ni Jera ang sasabihin dahil biglang may lalaking lumapit sa kanila. She was shocked when she saw the tall, handsome and oh so macho man in front of her.

"So my wife is having a date? What happened to the little girl who used to love me?" wika ng baritonong boses ng binata na ngayon ay nasa tabi na niya.

"Christian..." napatungangang wika ni Jera. She can’t believe what she’s seeing. Physically, he has changed. He is more attractive this time. However, behind that handsome face is a dangerous man looking at her like a hawk. Is it jealousy that she saw in his eyes? Hell no! Maybe it’s more like anger.

"Hello, my wife. I went to your bakeshop and did not find you there. Hindi ko akalain na dito kita makikita sa mall at may ka-date pa. Ito ba ang pinagkaabalahan mo sa loob ng dalawang taong wala ako?" Christian said sarcastically while looking at her intently. His eyes not leaving her face. Darn this man! At ito pa talaga ngayon ang may ganang magalit sa kaniya! As if naming napakalaking krimen ang nagawa niya! And what’s wrong with shopping with your friends anyway?

"Mali ang iniisip mo..." nauutal na sagot ni Jera. Damn! Bakit ba siya nag kakaganito! Kung tutuusin naman ay wala siyang ginagawang masama.

Ibinaling naman ni Christian ang tingin kay Ethan. His eyes are on fire. Kung nkakapaso lamang ang tinigin ni Christian ay baka nagtamo na ng third degree burn si Ethan. But Ethan did not back down. Like Christian, he is also giving him that dangerous look. Like he was telling him that he will face him whatever fight Christian wants.

"If you don't mind, aalis na kami ng asawa ko." Pagkasabi nito ay hinawakan ni Christian sa kamay ang asawa at saka dirediretsong lumabas na sa department store.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status